Winter In Bora

52 2 2
                                    

As I have predicted, lumabas nga sa showbiz columns ng newspapers ang romantic confession ni Seo Kang Joon during the Asean Tour Concert. Pero hindi ko na masyadong inintindi kahit malaman ng press ang identity ko. I loved how he expressed his feelings for me. Baka nga pagnagkita kami ulit at magkausap kami ulit, hindi na ako magpakipot eh.

Nakalimutan ko rin agad ang tungkol sa balita pagdating ko sa Boracay.

Oh Em Gaaaaah! Ang ganda dito!

Sabi nila pangit na daw ang Boracay. But as of right now, ito palang ang pinakamagandang beach na napuntahan ko.

Pagbaba ko pa lang ng Ro-ro (Parang motorboat na malaki), nakita ko na agad ang pinsan kong naka-Amerikana (sa beach?!?!) para salubungin ako.

"Yojo.. yojo.. yojoy! Nice to see you here cuzo," Bati niya sa akin sabay yakap.

"Boyo, you haven't changed at all! Para ka pa ring modelo. May photoshoot ka ba? Why are you wearing a suit at the beach, of all places?!" ganting bati ko sa kanya.

Niyakap niya nalang ako ng masmahigpit bilang tugon.

May ilang staff niya ang narinig kong nagtsitsismisan sa hallway mula nang dumating ako sa resort niya.

"Boyo, does your staff here know that I'm your cousin?" bulong ko sa pinsan ko habang hinahatid niya ako sa magiging cottage ko sa villa.

"No..." inosenteng tugon niya.

"Would you mind introducing me to them later? I think they are getting all the wrong impressions about me already," request ko kay Justin. Ayaw kong sugurin ako ng mga babaeng staff niya kung iniisip nilang magkarelasyon kami ng pinsan ko.

"No... let them gossip. Matilda is here to stalk me again. That woman just won't quit. Let's leave them all confused, at least, until she leaves for the U.S. please," paki-usap naman ni Justin. May pa-puppy eyes pa siyang nalalaman.

Si Matilda ang 'sort of' ex-girlfriend ni Justin na iniwan niya sa America. Hindi naman naging sila ng pinsan ko. According to Justin, they were only introduced once by a common friend on a friendly date pero Matilda hung on to him like a leech.

Medyo nakakatakot ang description niya sa babaeng iyon. Pero sa laki ng tulong sa akin ng pinsan ko, hindi ko siya matanggihan sa request niya.

Bahala na si Batman, Superman, at Spiderman.

"So how do you like your room?" nakangiting paglalahad ni Justin pagbukas niya sa isa sa mga cottages sa loob ng Villa.

Oh Em Gaaaaah! Parang penthouse ang laki ng cottage. May sariling kusina, indoor jaccuzzi, living room at gym equipments ang 'kwarto' ko. Ano nalang kaya ang itsura ng guest rooms sa villa?

"Seeing the look on your face, I'm satisfied that you're satisfied," nagflash na naman ang killer smile ni Justin.

"Naku! Yobo, yobo, yoboy... Parang gusto kong magtagal sa trabahong toh," pinisil ko ang magkabilang pisngi ni Boyo.

"I'm glad cuzo," he paused.

"Okay, shall we get on with work then?" nakakainis yung ngiti niya.

Hindi man lang niya ako hinayaang iabsorb yung ganda ng view, trabaho na agad ang gusto niyang pag-usapan.

"The guests will be arriving in the villa tonight. They'll need you inside by dinner time to take their orders and specific menu requests, if there is any, and relay them to chef Jess. Dinner time here is at 7pm. Dress appropriately. I left your choices of wardrobe in your walk-in closet. See which fits. Also, starting tomorrow, you'll have to accompany the guests wherever they go from 9am to 9pm. Kaya?"

The World was OursWhere stories live. Discover now