Chapter Three

8.8K 212 9
                                    

Maaga akong nagising. Sana ay panaginip nalang talaga ang nangyari kagabi. Nagtext sa akin si Boss at sinabi na maaring late na muna ako pumasok ngayon dahil magiging busy rin ako sa ginagawa kong nobela. Buti nalang at sumakto, ayaw ko talagang pumasok nang maaga ngayon.

Karla: Goodmorning! Wala ka ata ngayon?

Napangiti ako nang marecieve ko ang text ni Karla. Most of the time kasi, maaga akong pumapasok dahil kay Boss C. at sa mga walang hanggan niyang paguutos sa akin. But boss C is kind, I know that. Baka dedicated lang siya sa ginagawa niya kaya nagiiba ang ugali niya at kung minsan ay nasasagot ko.

Nireplyan ko naman siya.

Me: Papasok rin ako nang 10am. Hindi rin kasi maganda ang pakiramdam ko.

Inilapag ko na ang cellphone ko at nagsimulang mag-ayos. Hindi ko ipapaalam kay Karla ang nangyari sa akin kagabi. Malamang ay pagtatawanan lang niya ako dahil iisipin niyang nabubuhay ang mga imahinasyon ko.

Agad na rin akong lumabas sa apartment ko. Laking gulat ko nang may makita akong isang pamilyar na hitsura sa labas nang gate ko.

Isinara ko ang pintuan ngunit muli ko ring binuksan dahil sa kuryosidad ko kung sino ba talaga ang lalaking ito.

Hinarap ko ito, " Ano pong kailangan nila?"

Naglakad na ako palabas ng gate nang hindi pa siya nagsasalita. Nagulat ako nang hatakin nito ang kamay ko at agad na dinala sa tapat nang isang itim na Ford.

"Uhh," Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Sakay." Malamig na tinig nitong bigkas.

"Ah, hindi na po. Mag-MRT po kasi ako.." Tiningnan ko muli ang mukha nito ngunit hindi ko na maramdaman ang takot na naramdaman ko kagabi ngunit nahihiwagaan parin ako kung paano niya nalaman ang bahay ko.

Tinitigan ako nito nang masama na siyang naging dahilan upang dali dali akong pumasok sa sasakyan nito.

"Ah, Mr. bakit niyo pala ako tinakot kagabi? Atsaka pano mo nalaman ang bahay ko? Bakit mo 'ko pinasakay sa kotse mo? Naguguluhan lang kasi ako. Killer ka?" Napalingon siya sa huling salitang binigkas ko. "Sorry."

"Nick Ellis Corpuz." Iyon lamang ang sinabi niya ngunit napangiti ako. Mabait naman siguro si Nick Ellis, hindi pa naman niya ako pinapatay, diba?

"Ahh, ako naman pala si-" Pinutol niya ang salita ko.

"Isabelle Del Fierro." Agad akong kinilabutan sa sinabi niya. Bakit marami siyang alam sa akin? Stalker ko ba siya?

"C'mon, I'm not your stalker." Salita nito, nakakapgabsa ba siya nang isipan ng tao?

"Ha, eh bakit mo 'ko kila-"

"We're here."

Napalingon ako at nakita ko na huminto ako sa C&F. Nilingon ko siya na may halong pagtataka.

"Papaanong-"

"Bye." Binuksan nito ang pintuan kaya't napalabas na rin ako at agarang pumasok sa C&F.

Buong maghapon ay hindi ako nakapag-trabaho nang maayos. Hindi na ako natatakot, sa totoo lang. I feel curiosity. Siguro ay dahil ganito talaga ako pinalaki, pero I really have this feeling na kailangan ko siyang makilala pa. It's like he's something in my life. I don't know.

"Boooo! "

"Ay! Palaka!" Sigaw k okay Karla nang tapikin ako nito at gulatin.

"Oy! Ang gugulatin mo ngayon ah? Anmeron? "Natatawang bati sa akin ni Karla.

"Ay ewan ko sayo! Karla! Pwede ba makitulog sa unit mo? " Baka kasi andun ulit siya, ang gulo ko. I want to know him but I'm having doubts.

"Himala! Kaso hindi pwede eh! Nandun si James! Y'know! Gf and bf thingy. " Napaismid naman ako sa sinabi nito.

"Kadiri, Karla." Umirap ako. Mayaman si Karla at may pagka-liberated, pero mahal ko siya.

"Sana kasi, mag boyfriend kana. "Asar na naman saakin ni Karla.

Inrapan ko lang ito at nagpakawala nang hininga. There she goes again with my relationship issue.

"Ewan ko sayo. Basta next time ka nalang mag slumber party sa bahay. " Sabi niya habang papaalis sa office ko.

"Bahala ka." May sarcasm kong tugon sa kanya.

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon