Chapter Six

6.9K 175 30
                                    

Nandito pa din ako sa kwarto ko at naghahagilap ng pwedeng maisuot. Ano ba kasi ang sumaping ka-weirduhan sa lalaking ito? Pwede naman sana niya akong tawagan o itext man lang. A man full of suprises ba ang trip niya?

Saglit akong napahinto sa shopping bags na nakalapag sa gilid ng kama ko. Bigla kong naalala yung mga pinamili namin ni Karla. Eto ang habbit ko e. Yung kapag natataranta ako, bumabagal sistema ng utak ko. Yan tuloy, may susuotin naman pala ako, nakalimutan ko lang.

Sinuot ko na yung dress na color blue. Inayos yung buhok ko ng messy bun, nag-make up ng konte, then ayos na! Pero mas maayos sana to kung ininform ako.

Lumabas na ako ng pintuan at nakita ko naman si Nick Ellis na nakaupo sa couch, tulala. Mga nasa 15 minutes din akong nag-ayos, hindi naman matagal diba? Some other girls would prepare for an hour or more!

"Uyy, Nick Ellis, sorry kung-- OMG. " Nagulat ako ng mamataan ko ang duguan braso ni Nick Ellis. What happened?

Dali dali ko siyang nilapitan at chineck kung ano ba ang nagyari sa kanya.

"Anong nangyari sayo? Bakit nagdurugo yang braso mo? Ayos ka lang? Uy! Sagot naman dyan. "Hindi naman niya ako iniimik. Nakatingin lang siya dun sa braso niyang nagdurugo at..nakangiti. Weird.

"Bakit ka pa masa-- " Pinutol niya yung sinabi ko.

"Hurting yourself is fun. Let's go. " tumayo na siya at naglakad palabas ng unit ko.

I find him creepy . Bakit ka matutuwa na sinasaktan mo yung sarili mo? What's with him?

Lumabas nalang din ako ng unit ko. Ayoko na sana ituloy tong, date na to pero, I don't know. There's something in me na nag-pupush na sumama sakanya.

Sumakay na kami ng kotse niya. Nagdurugo padin yung sugat niya sa braso. I wonder kung san niya nakuha yun.

"Nick Ellis, you're still bleeding. " Nag-aalala ako sakanya. Baka mamaya maubusan yan ng dugo?

"I love seeing bloods. " Weirdo niyang pagkakasabi.

"If you love seeing bloods, ako hindi. " Seryoso kong sabi. I should be scared by now. Pero feeling ko may deeper Nick Ellis pa kaya siya ganyan.

"Stop the car. " Mahinahon kong sabi.

Tumingin naman siya saakin at maya-maya, hininto niya na din yung kotse niya.

Kinuha ko yung tissue and wipes ko sa bag. May band-aid din akong dala. As an independent girl, dapat lagi kang prepared. Walang tutulong sayo , kundi sarili mo.

"Akin na, wag ka ngang pa-choosy! Sapakin kita dyan e. "Sabi ko sakanya. Hinatak ko yung braso niya at sinimulan na itong gamutin. Nakamasid lang siya saakin which is awkward.

"Okay na, sa susunod, ayoko ng date na ganito ah? Communication ang field ko, hindi nursing. " Sabi ko sakanya.

"Why are you doing this to me? "Out of nowhere niyang tanong sakin.

"Anong 'why are you doing this to me?' Nick Ellis? " tanong ko sakanya.

Tinitigan niya lang ako.. Just like when we first met. Pero nakaramdam ako ng hiya dahil feeling ko ay nasa staring contest na ako. Ha.ha. Nagpapatawa pa ata ako.

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon