Chapter Thirty eight

2.7K 73 3
                                    

CHAPTER 38

Ibinaba ko kaagad ang phone ko pagkatapos nang rebelasyon nila Sean. Posible kayang nasa Pilipinas lang si Xander? Posible kayang siya talaga yung nakita ko sa LEU? Pero bakit hindi siya lumapit sa akin?

Pinunasan ko ang tumakas na luha sa mata ko. Niloloko lang ba talaga ako ni Xander? Hindi niya ba talaga ako minahal? Kahit mahal ko na si Nick Ellis ngayon, masakit paring isipin na 'yung lalaking minahal mo, lolokohin ka lang pala. Sino ba ang gustong maloko, anyway? Wala naman 'di ba?

May mga sumasagi rin na posibilidad sa isipan ko pero pilit ko na iyong binubura. Madami akong napagdaanan nang mga sumunod na buwan, at itong mga bagay na ito ay hindi na dapat dumadagdag sa mga palaisipan. I'm not the kind of person who likes puzzle, ayoko nang larong hinuhulaan kung ano ba ang sagot. Go straight with me even if it hurts.

Lumipas ang mga araw at alam kong patuloy na hinahanap nila Karla, Sean at Vince si Xander. Hindi ako nakikialam dahil ayokong maging unfair kay Nick Ellis. Siya ang dahilan kung bakit okay na ako ngayon, kung bakit nakakangiti na ako at muling nagmamahal.

"You're spacing out." Napalingon ako kay Nick Ellis na nakatingin rin sa akin. Hinahangin ang buhok nito. Malamig ang hangin ngayong gabi, parang magpapasko kahit February na.

Umiling ako at ngumiti. "I'm sorry. Masyado lang kasi akong maraming iniisip. I think nababaliw na ako." Tumawa ako nang marahan. "Bakit ba naman kasi ang misteryoso ng buhay ko." Umiling ako.

"Y'know what's the date today?" Tanong niya out of nowhwere.

Nagkibit balikat ako. "Maski date nga limot ko na sa sobrang daming iniisip."

Tumayo ito at ngumiti. "C'mon! let's go somewhere.."

"Somewhere like?" Tanong ko na medyo naguguluhan.

"Hindi ko rin alam. I just want to lessen your deep thinking syndrome." Tumawa ito. Tumayo na rin ako at tumawa. Hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi kami gumamit nang kotse ngayon. Mag-commute raw kami sabi ni Nick Ellis, alam kong weird siya pero ewan, mahal ko talaga siya. Ang bilis nang tibok ng puso ko tuwing nasisilayan siya. Masaya ako kahit marinig lang ang boses niya.

Mahaba ang binyahe namin, nagkwekwento lang ako nang mga bagay bagay sa kanya pero hindi ko inoopen yung topic na gumugulo sa isip ko. Baka masira ko lang yung mood naming dalawa ngayon. The least thing I could do is to hurt him.

Mag-aalas otso na nang makarating kami sa aming pinuntahan. "Wow." Bulong ko nang makita ang isang higanteng ferris wheel na umiilaw na parang rainbow sa langit.

Luminga linga ako para tingnan kung ano ang tawag sa lugar na ito. Skyranch. Nasa Tagaytay kami. Nakapunta na pala ako sa lugar na ito noon, nung kasama ko pa noon si...Xander. Mas gumanda ang lugar at mas naging alive. Marami siguro ang nagdaang turista rito noong pasko.

"Are you starving?" Napahinto ako sa pagmumuni muni ko nang kausapin ako ni Nick Ellis. Tumango ako at hinila niya sa isang restaurant.

Mabilis lang ang aming pagkain dahil sa excited ako na makapunta sa mga rides. Masarap kaya mag zipline kapag gabi? I wanna try.

Pumasok na kami sa loob nito. Maganda talaga ang lugar. Tuwing tinitingala ko ang Ferris wheel ay nalulula ako. Pakiramdam ko kasi ay lalagpas na ito sa mga ulap, that I could catch the stars.

Hinila ko siya sa may zipline. Ito talaga ang gusto kong subukan kanina palang. First time ko ito with Nick Ellis kaya sinisigurado kong magiging masaya 'to.

"Hindi ka takot?" Tanong nito.

Umiling ako at ngumiti. "Andyan ka naman, why would I?"

Niyakap ako nito mula sa likod at kumawala rin agad dahil aayusin na nung lalaki ang aming mga tali para makatawid na sa kabila.

Nakahawak ako sa kamay ni Nick Ellis. Sabay kaming magzizipline. Kinuha naming yung pinakamataas na part para mas masaya at mas may thrill.

"Hmm, are you ready?" Ngumiti ito. Napatitig muli sa kanyang kulay abong mga mata.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako nang pinakawalan na ang tali na nagpapanatili sa amin sa base nito.

Ang sarap sa feeling. Para akong lumilipad, mas masaya dahil lumilipad ako kasama ang taong mahal ko. Hindi ko naramdaman ang takot dahil katabi ko s'ya. So, this is the feeling.

Natapos ang aming pagzizipline na sumisigaw parin ako dahil sa sobrang saya nang pakiramdam ko. Feeling ko ay nabuhay ang lahat nang dugo ko kaya't naging lively ang mood ko.

Naglakad lakad kami sa isang mini tiangge hanggang sa tumigil kami sa isang parte na maraming damo. Umupo ako at hinawakan ito at napagtantong, peke pala.

"Tingnan mo yung damo, plastic." Tuwang tuwa kong sabi habang inaangat angat ito.

"Hoy. Magsalita ka nga dyan, wag kang tumitig." Napaiwas ako nang tingin. Nakatitig lang aksi sa akin si Nick Ellis, yung parang noong una kaming nagkita sa MRT.

"............." Napalingon ako muli. Hindi ko naintindihan ngunit may sinabi siya sa akin na hindi ko maintindihan. Sorry? Furry? Carry?

"What?" pero iling lamang ang sinagot nito sa akin.

"Nick Ellis...wag mo na ulit akong iiwan, please?" Lumungkot ang mukha ko, heto na naman ako sa side ko kung saan madrama at kung ano ano ang iniisip.

"Iniwan ako ni Xander tapos niloko pa. Sabi niya sa akin mahal niya ako, umasa naman ako. Tapos malalaman ko na sumama siya sa ibang babae na 'di ko man lang naimagine sa panaginip. Gago siya." Napamura ako sa sobrang inis sa kanya.

"Belle.."

"Tapos sabi nila Sean, hindi naman daw pumuntang America si Xander.  Edi Nasaan siya? Bakit hindi man lang siya nag-sorry, deserve ko naman hindi ba?" Humiga ako sa may damuhan, pinigilan ako ni Nick Ellis ngunit nung nalaman niyang hihiga ako ay pinakawalan niya ako.

" Kaya ikaw, wag mo 'kong lolokohin kasi sawang sawang sawa na ako. Gusto ko nga, ikaw na talaga kasi ayoko na ulit nang heartache." Ngumiti ako sakanya.

"At kapag nalaman ko na kasinungalingan lang din lahat ng ito katulad kay Xander, Nick.. hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko." Naiyak na ako. Lahat naman siguro tayo ay may fear sa buhay. Ito ang sa akin.

Tumayo na ako at pinahid ang luha ko. "Nick Ellis, walang lihiman ah? Ang couples daw ay dapat laging nagtitiwala sa isa't isa. Kung ano pa 'yan, tatanggapin ko kasi mahal kita."

Niyakap niya ako nang mahigpit. I can feel his warmth. Ito ang kailangan ko sa mga panahong ito. Siya lang. Siya at ang pagmamahal niya.

"I love you, too, Belle. I'm going to fix myself. I promise."

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon