Chapter Fourty Two

2.8K 69 4
                                    

Yumuko ako at pinulot ang nalaglag na kwintas. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Galit? Nasasaktan? Niloko?

"Belle, what are you doing-"

"Sino ka ba talaga?" Nanginginig ang mga labi ko dahil sa sobrang iyak.

"SINO KA BA TALAGA? HA? GULONG GULO NA AKO! SINO KA? HA? Nick Ellis or should I say, NATHAN. WHO THE FUCK ARE YOU?" Naghihisterical na ako habang dinuduro duro siya. Hindi na ako makikinig sa kahit anong sasabihin niya. Napakatagal na panahon ng pagsisinungaling. Hindi ko kinakaya.

"Belle-"

Umiling ako. "Wag na wag mo akong tatawaging Belle! Hindi ako parte ng mga laro mo, hindi ako parte ng kasinungalingan mo!" Pinipilit Kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Napakasakit.

"At bakit na sayo 'to?" Mapait akong tumingin sa kanya. Itinaas ko ang infinite necklace ni Xander. "Tell me!"

Nanlaki ang mata nito at kitang kita ko ang pagputla ng kanyang mukha.

"Saan mo...Papaano mo.."

"ANONG GINAWA MO KAY XANDER!" Hawak hawak ko parin ang kwintas ni Xander. Now tell me,

Yumuko ito. Mabilis ang paghinga ko dahil sa pagsigaw ko kanina. Tinititigan ko lamang siya na nakayuko padin.

"YOU KILLED HIM? right. YOU KILLED HIM!" Sigaw ko.

Napaatras ako ng marinig ko siyang dahang dahang tumawa. Pahina hanggang sa lumakas.

Huminto ito at ngumisi, tiningnan niya na rin ako. "I didn't killed YOUR Xander, my Belle....YOU KILLED HIM." At muli siyang tumawa.

Kumunot ang noo ko. "Huwag mo akong paikutin, anong ginawa mo sa kanya?" Umiiyak parin ako.

"Ikaw ang pumatay sa kanya. Kung hindi mo ako pinagpalit, hindi siya mamamatay. Buhay pa sana siya ngayon. Ha! You're a murderer, Belle. You killed him!" Nakangisi parin ito.

Umiling iling ako. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Lalo na sa taong kaharap ko ngayon. How could he.. How could he do this to me?

"Nababaliw ka na." Saad ko rito.

"Binaliw mo ako, Belle. Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito." Nagkibit ito ng balikat at muling ngumisi. "Mahal na mahal kita, Belle. Sinayang mo."

Hindi na ako nagsalita pa. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin kapag nagtanong pa ako.

"Want to know what happened to your Xander?" Humalakhak ito. "I stabbed him to death! I. STABBED. YOUR. BOYFRIEND. I stabbed him while begging to see you for the last time." Lumakad ito palapit sa akin. Hinawakan nito ang mukha ko habang patuloy na parin ang pagiyak ko.

"So innocent." Hinawakan nito ang buhok ko at inamoy. "That's the reason why I loved you. I loved you desperately, Belle."

Tinitigan ko siya. Nakikita ko ang mga takas na luha na pumapatak din galing sa kanyang mga mata.

Katahimikan ang sumunod na nangibabaw sa amin. I saw his eyes at I feel something na nagpabago sa mga binitawan kong mga salita kanina.

"Nasasaktan ako." Lumayo siya sa akin at tinitigan ang mga mata ko. "Kasi, mahal kita e. Hulog na hulog na ako, Nick or should I say, Nathan." Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Sana, pinaintindi mo sa akin lahat ng ito sa simula palang. Edi sana, naintindihan ko, hindi ganito. Hindi umabot sa puntong nakapatay ka ng tao!" Napaupo ako sa sahig at inihilamos ang mga palad ko sa aking mukha. "Ang sakit sakit." Humagulgol na ako.

Sa totoo lang ay hindi ako nagagalit sakanya. Nasasaktan ako ng sobra. Natatakot ako sa kanya ngunit mas nananaig padin yung pagmamahal ko sakanya. I know there's something behind him. Yung nagtulak sa kanya na maging ganito. Alam kong hindi masama si Nathan. Nararamdaman ko iyon. Nararamdaman ko sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako. Sa mga yakap niya. Ramdam kong may katotohanan sa lahat ng kasinungalingan sa mundong binuo niya.

Ngunit ang balewalain lang ang lahat ng ito ay hindi ko makakaya. He killed Xander! Hindi ko kayang patawarin siya agad at kalimutan lahat ng damage na ginawa niya sa lahat ng sangkot dito. I can't.

Naramdaman ko ang mainit niyang yakap sa likuran ko. "Belle.. please.. forgive me.. Belle.. I'll be good.. Belle... wag mo lang ako iwan... Gagawin ko ang lahat..." Pagmamakaawa nito.

Tumayo ako at mabilis na lumakad palabas ng pintuan nito. "Then, fix yourself, Nathan. Fix all the mess you've made and burry your world. Then you can be with me." Saad ko bago tuluyang lumabas.

Rinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko. Gusto kong bumalik at yakapin siya, pero hindi muna sa ngayon. Kailangan ko ring ayusin ang sarili ko. I know that I'm a wreck. Hindi pwedeng magmahalan ang dalawang taong wasak. Magkakasakitan lamang kami. I need to fix myself, too.

Agad akong pumara ng taxi. May mga tao pa akong kailangang kaharapin at kausapin. "Kuya, sa C&F po."

Bumaba ako sa C&F. Pinagtitinginan nila ako. Hindi ko alam kung akin sa dalawang bagay na ito ang dahilan. Dahil nagbalik ako o dahil sa mugtong mata ko.

"Ma'am, ano pong kailangan nila?" Tanong ng babae sa information desk. Baguhan ito kaya hindi ko siya kilala.

Inayos ko ang pustura ko at huminga ng malalim. "Let me talk to Grazilda Cruz, please. Tell her it's Isabelle Del Fierro." Agad naman itong tumango at nagdial sa telepono.

Maya maya ay bumaling ito sa akin. "Ms. Del Fierro, you can proceed to her office, now." Ngumiti ito. Tumango naman ako at tumalikod na.

Agad rin akong pumasok sa opisina niya. Sa hitsura nito ay batid kong alam na niya ang sadya ko.

"What happened to Xander?" Tanong ko rito. Isinandal ko ang mga kamay ko sakanyang table.

"Wh-what do you mean?" Humalakhak ito, isang pekeng tawa. "He's still abroad, of course!"

Inihampas ko ang isa kong kamay sa table na ito. "ASAN SIYA?"

Namutla ito. "Wag kang gumawa ng eskandalo rito, Ms. Del Fierro. I'll call security." Matigas na bigkas nito.

Tumulo muli ang luha ko. "Parang awa niyo naman! Alam ko na lahat. Kumpirmasyon nalang! Lahat naman tayo dito nasaktan eh! Wag niyo naman ipagkait sa akin yung katotohanan! Please.." Pagmamakaawa ko.

Tumayo ito. "Fine! Xander's gone. He's dead." Tumulo rin ang luha nito. "My nephew's now lying cold, six feet under the ground."

Yumuko ako. "Tumawag nalang ang funeraria telling me that my nephew... he's already dead."

"Alam namin kung sino. At kung paano, inimbestigahan namin. Pero nagpadala sila ng death threats telling us na papatayin ka niya kapag nagsumbong kami." Nagpunas ito ng luha. "God knows kung gaano ka kaimportante kay Xander. At hindi namin mapapatawad ang sarili namin kung pati ikaw mawawala."

Tumango tango ako. Konektado pala ang lahat ng ito. Pakiramdam ko at kasalanan ko na ang lahat ng ito.

"A-asan po siya?" Tanong ko.

Uminom ito ng tubing at nagpunas ng luha. "Eternal Peace..."

Nanlaki ang mata ko at nagflashback agad sa isipan ko yung tomb na nakita ko noong nilibing si daddy.

Tristan Xander Lim. It's you.

-
3 chapters to go. :)

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon