Chapter Seven

6.5K 150 4
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung date raw namin ni Nick Ellis. Pero honestly, nananatili parin siyang misteryoso sa akin, pero that doesn't stop me to think about him these past few weeks, lalong lalo na ngayong hindi siya nagpapakita sa akin. Hay. 

"Tulala ka ata Ysa? " tanong sakin ni Grace.

"Ay. So-sorry, may tinatanong ka ba? " tanong ko sakanya.

"Sabi ko, nag resign na si Lianne. "

WHAT?  WHY?

"Huh? Bakit? " Nag-aalala kong tanong sakanya.

"Kinuha kasi siya as writer sa Gazette. " Paliwanag naman ni Grace.

Yung Gazette or The Gazette ay isa sa pinaka-malaking newspaper industry sa Pilipinas.

"Wow! Umaariba si Inday! " Nakaka-proud naman. Magaling kasi si Lianne, she deserves it.

"Kaso nga lang wala na tayong chief editor. " Oo nga pala.

"Edi mag-hihire si boss ng bago? " tanong ko.

Nag-shrug lang siya. "Sana makahanap siya. " Ngiting aso niya pang sabi.

"Kaso wow ah? Chief editor agad ang ihihire? " Tanong ko.

"Pero I heard na yung pamangkin niya ang ilalagay niya doon. "

"I see. "

Nahinto ang pagkwekwentuhan namin ni Grace ng dumating si Karla at Sean, na may dalang coffee.

"Good morning! Agang chismis ah? " Sabay beso sakin ni Karla. Bineso niya din si Grace at nag-brofist naman kami ni Sean.

"Pinag-uusapan lang namin si Lianne. " Sabi ni Grace habang kinukuha niya yung coffee na inabot ni Sean. Kinuha ko na din yung akin kay Karla. Hindi pala naman sinasabing Ma'am kay Lianne dahil ayaw niya. Feeling niya daw kasi isa siyang terror na prof. pag tinatawag na Ma'am.

"Oh, The Gazetter? Haha. Astig kamo nun! " Natutuwang sabi ni Sean.

Nagkwentuhan pa kami ng mga kung ano ano na related naman sa trabaho, pinaguusapan din namin si Lianne, Gazette na 'yung lumapit sa kanya. Wow.

"Uy guys! Balik na daw sa ginagawa sabi ni Boss. " Sabi ng secretary niyang si Ynes, si Ynes na nakaka-Ynes dahil lagi siyang nakikiepal sa mga paguusap namin. Well, trying hard kasi ang pulang pulang lipstick nito, nagpapanggap na intimidating kahit hindi naman. Nagpapacute pa kay Sean.

Bumalik nalang kami sa kanya kanya naming gawain dahil sa pagka-oa ng malditang secretary na 'to. Whatever.

Nang maglunch ay sa Shakey's kami kumain. Hindi naman kami maubusan ng mga topic na pwedeng pag-usapan. 

"Kamusta na pala kayo nung boyfriend mong si James? " Tanong ni Grace kay Karla.

"Eto, going strong.. Alive and kicking. Haha. Kayo ni Hanz? " Tanong naman niya pabalik.

"Same here. Tagal nga mang-alok ng marriage. " Nakapout naman na sagot ni Grace.

"Eh ikaw, Ysa-- ay wag nalang pala, Sean? " Karla.

"Binubully mo nanaman ako Karla. May boyfriend nga kasi ako! " Pagdadahilan ko. Trip talaga ako nito.

"Nasaan? Hmm. Evidence muna. " Sagot naman ni Sean.

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon