C28~ Beg

3.3K 89 17
                                    

Hello sa mga silent readers! I would like to hear your feedbacks by commenting on my story! :) Love love love.

[ NiSa ba? Oh, eto. ]

C28~ Beg.

Naging masaya ang date namin ni Xander. Halos isang buwan na din simula nang magkaroon ako ng balita kay Nick Ellis. Oo, iniisip ko parin siya. Siguro'y importante siya saakin, bilang kaibigan.

Nakaupo ako sa office ko at nagta-type. Ginagawa ko parin ang Novel na matagal nang ipinagawa ni Boss. Sa sobrang daming nangyari saakin, nakakalimutan ko nang meron pa pala akong mas mahalagang gagawin.

Calling...

     0935xxxxxxx

Huh? Sino naman kaya 'tong unknown number na ito?

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinabahan? Siguro.

"Hello? Isabelle Del Fierro." Pauna ko sa tumawag.

"Belle, this is... Nick. " Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Na-namiss ko ang boses niya.

Pinilit ko ang sarili kong hindi mag-breakdown pero nawe-weirdohan din ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Hmm. Wala ito, baka nasanay lang ako sa presensya niya kaya ngayong tumawag siya ay nakaramdam ako nang pagka-miss sakanya.

" Ni-nick E-ellis.. " Finally, nakapag-bitaw din ako ng salita. Gad, what's happening to me?

" Wifeeey~ May dala akong- Oops.. may kausap ka pala. " Natataranta kong ibinaba ang cellphone ko at tumunghay kay Xander. Kumunot naman ang noo nito na parang nagtataka.

" Bakit mo binaba? " Curious niyang tanong. May parte saakin na nagsasabing istorbo si Xander pero the hell! Saan nanggagaling tong mga idea kong ito?

" Uh, nothing important as you. " Sagot ko. Tumango nalang ito at ngumiti.

Inilapag niya sa table ko ang coffee'ng kanina niya pa hawak. Sumalampak ito sa mini couch ko at niluwagan ang necktie nito.

" I had a bad dream, Ysa. A really bad dream. " Seryoso nitong sabi habang nakatingin saakin.

Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. "What happened?"

Umayos siya ng upo at hinawakan ang kamay ko. "Mawawala ka raw saakin, iiwan mo ako. " Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya.

Xander have fears and it's losing me.

Niyakap ko siya. "Hindi naman kita iiwan, pinili nga kita, diba?" He smiled. I know na relieve siya sa mga sinabi ko.

Tutuparin ko naman ang pangakong iyon.

Nahinto ang pag-uusap namin ng muling tumunog ang cellphone ko.

"Sagutin mo na, Ysa. Baka importante. Babalik na din ako sa office ko. Lots to do. I love you. " Hinalikan niya ang noo ko at dahan dahang umalis sa office ko.

Calling....

    0935xxxxxxx

"You hang up, just because he came? You really love him, don't you?" Cold ang boses ni Nick Ellis nang sinabi niya ito. Hindi ko alam kung ano ang punto niya. Sana, nagkakamali ako nang iniisip.

" I want to see you. " Nag-halo halo lahat ng nasa isipan ko. He...he wants to see me...







Nandito na ako sa tapat ng Cazel's, waiting for Nick Ellis. Oo, pumayag ako. Gusto niya sana akong sunduin sa C&F pero baka makita kami ni Xander.

Arg. I sound like a cheating woman!

" Ay kalabaw! " Nagulat ako ng biglang may tumapik sa likod ko.

Isang buwan. Isang buwan ko lang siyang hindi na kita pero ang laki ng pinagbago niya.

Malaki ang ipinayat niya. Malalim din ang mga makahulugan niyang mga mata, larawan lamang na hindi siya gaanong kumakain o natutulog.. I don't want to think pero... Is it because of... me? Pero kahit na may mga pagbabago, siya padin ang smexy creepy guy na kilala ko. Pero nagui-guilty ako.

Luminga-linga ito at kumunot ang noo.

" Belle, not here.. please.. Uh, this place hurts me to hell. " Hindi ko nagets yung sinabi niya kaya tumango nalang ako. Naglakad kami palayo sa Cazel's ng may maalala ako.

Dito ko pala sinagot si Xander..


At teka.. HE.. HE SAW IT?

" Oo. " Nagulat ako. Nababasa niya ba ang lahat ng nasa isip ko? I feel bad.

Huminto kami sa isang Japanese resto. Pinauna niya akong papasukin bago siya tumuloy.

Pinili kong pwesto ay 'yung nasa gilid. Para makapag-usap din kami kahit hindi ko talaga alam ang sense nang pag-sama ko sakanya. Arg. I hate myself.

Umorder na ito at nang makaalis na ang waiter ay tumitig ito saakin.

" God, how I miss you. " Bulong niyang sabi pero rinig na rinig ko ito. Gusto kong umiyak, pero di ko alam kung bakit.

" Nick Ellis, you've changed.. a lot... physically? " Huminga naman ito ng malalim at ipinikit ng madiin ang kanyang mata.

" See what you did to me? Belle.. can't you see it? " Eto nanaman siya, binibigyan ako ng mga bagay na iisipin.

Nick Ellis is like a puzzle. He's always leaving me asking.

" I'm sorry. " Yumuko ako.

Wala ng muling nagsalita saaming dalawa, hanggang sa dumating yung waiter.

Tahimik kaming kumain. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong customer na nakitabi sa upuan dahil wala ng space. Ang Awkward.

Natapos na kaming kumain ay wala pading nagsasalita saaming dalawa.

Tumayo ako, nagulat siya sa inasal ko.

" Nick Ellis. May sasabihin ka ba? Tell it straight! " Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sakanya iyon.

Tumayo din ito at hinawakan ako sa braso. Nag-iba ang ekspresyon ng mga mata niya. Nangungusap na ito ngayon.

" Belle.. My life sucked since you left me.. I don't know myself anymore.. Belle.. I know I can be better than your Xander.. Belle,  I'm begging you.. please come back to me.. please.. please... "

Tumulo ang luha ko.. Hindi ito ang Nick Ellis na nakilala ko. Pero look, I'm seeing his wasted side and it's because of me.

Pero namili na ako. At kung kailangan ko siyang saktan ulit, gagawin ko.

" I love Xander, Nick Ellis... I love him.. I'm so sorry but please accept the fact na hindi na tayo pwede, ayoko na. Masakit na makita kang ganito pero maayos mo ang sarili mo.. Hindi ako para sayo.. " I'm trying to say those words correctly pero nahirapan din ako.

Nagbago muli ang ekspresyon ng mga mata niya. Hindi ko na ito mabasa.

" I begged, but you throw me again. Belle, why can't I have you? " Seryoso na itong nakatingin saakin.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya ngunit hinawakan niya ang mga kamay ko at itinapat ito sa dibdib niya.

Kasabay ng mga salitang hindi man malinaw, pero alam kung nasasaktan.



"J'ai une douleur ici."

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon