Chapter Thirty nine

2.7K 61 6
                                    

Pa, bakit hindi na umuuwi si mommy sa atin?" I asked dad. I don't know but I feel that there's something wrong to our family.

 

Dad looked like a mess. Napakagulo ng buhok niya at lagi siyang may hawak na isang hard drink. He's not the caring and responsible dad I've known. He can't even look me in the eyes, whenever I'm asking him kung nasaan si mommy.

 

"Pa, tama na 'yan! You're wasted! Please tell me what's going on!" sinisigawan ko na siya. I am really confused right now. What is really happening?

 

Tumakbo ako sa room ni ate at nagulat ako nang may makita akong dugo sa pulso niya. She's commiting suicide! Agad akong napatakbo at hinawakan ang blade na muli niyang ihihiwa sa kanyang mga pulso.

 

"Ate!" Tumulo na ang mga luha ko. I seriously don't have any idea kung anong nangyayari. Bakit? Dahil ba grade five palang ako at labas ako sa mga problemang pang-pamilya dahil hindi ko ito maiintindihan?

 

Nalaman ko ang lahat matapos ang dalawang linggo. Natawa ako nang may halong sakit at galit kay mommy. She's a total bitch. Pinagpalit niya kami sa isang lalaking walang kwenta. Kaya pala si dad ay naging ganito, tulala, hindi makausap, naging iresponsable sa aming pamilya. I hate her. I really hate her.

 

Makalipas ang ilang buwan, nakita ko kung paano nagbago si dad nang makilala niya si Tita Cora. All I want is for the best of my dad kaya sinuportahan namin ni Ate Nathalie ang pangalawa niyang pag-aasawa. Sa una ay naging mabuti sa amin si Tita Cora. Pero habang tumatagal, nakikilala ko na rin kung sino siya.

 

"Edward," bulong nito habang may kausap sa telepono. "Nandito ako sa bahay ni Victor...No, hindi niya 'to alam...oo, walang nakakaring." Bahagya itong lumingon kaya nagtago ako. "Mahal rin kita..."

 

Dito ko napatunayan na lahat ng babae sa mundo ay manloloko. So I did what they did to my dad. I had a lot of girls in high school, I broke their heart. Durog na durog na nanaisin nalang nilang magpakamatay. That's the way I liked it. I want them to suffer like what's happening to us.

 

"Nathan!" Nangingiyak si Ate na lumapit sa akin. "You can't hurt girls like that! You can't!"

 

Tinawanan ko lamang siya. "They deserved it, Ate... They deserved it because they're all like that!"

 

Sinampal niya ako. "Nathan! Papayag ka ba na gawin sa akin nang isang lalaki lahat ng ginagawa mo sa mga babae ngayon? May kapatid kang babae, bakit ganito parin ang point of view mo!"

 

Napatigil ako. She's right, but I need to satisfy myself for now.. "Walang gagawa sa'yo nang ganoon kasi I'll never let boys out there fall for you."

 

And that's what I did. Tuwing may lalapit sa ate ko ay pinapangunahan ko na sila nang mga suntok ko. They can't beat me cause I'm strong. Kung minsan rin ay sinisiraan ko si ate Nathalie sakanila, I'm sorry ate, but I know it's for the better. Walang makakasakit sa ate ko. No one. Siya nalang ang natitira sa akin matapos nang lahat na pagtataksil ng mga babae kay daddy man, o sa akin.

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon