C35~ ISAW.

2.7K 68 4
                                    

C35~ Isaw

-

Tahimik ang pagda-drive ni Nick Ellis. Hindi ko alam pero naguilty ako sa mga ginawa ko kanina lalo na nang hawakan ako ni Nick Ellis. It's like his touch wants me to forget all the bad times and just treasure the good.

Nilingon ko siya na hindi parin umiimik, nilingon niya ako at binigyan ng nag-aalalang mukha. Alam kong iniisip niya parin yung nangyari kanina.


"Belle, I'm so sorry."


Sa totoo lang, hindi naman dapat ako magalit sa kanya at wala akong nararamdamang galit. Concern lang talag siya sa akin kaya nalulungkot ko na talagang nsigawan ko siya kanina.


"Wala kang kasalanan..It's okay Nick Ellis...Thank you for trying." Napayuko ako, naiiyak nanmn ako... naalala ko kasi si daddy..

"Alam mo ba kung nasaan...si daddy?" I asked. I want to see him kahit masakit.. I want to see him.

"Yes Belle, You want me to bring you there?" Tanong nito.

Marahan akong tumango. "Pero-"

"Belle, as long as I'm here, wala kang dapat ikatakot..We'll face our fears together.." Hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti. "So lighten up! Everythings gonna be alright."

ROOM208.


Nanginginig kong inabot ang door knob..hindi ko kayang buksan ito...hindi ko kayang makita si daddy sa ganitong klaseng senaryo.. Hinawakan ni Nick Ellis ang balikat ko. "Come on, I'm here.."


Huminga ako ng malalim. Kung hindi ko ito bubuksan hindi ko makikita si daddy. Agad ko itong binuksan at dahan dahan ding rumehistro sa isip ko ang hitsura at kalagayan ngayon ng lalaking nagtanggol, yumakap at bumuhat sa akin noon..Tulog na nagpapahinga sa hospital bed niya..maraming nakadikit sa kanya na hindi ko alam kung para saan..si Daddy...

Iniwasan ko ang paghagulgol ko sa pamamagitan ng pagtakip ng aking bibig at napayakap kay Nick Ellis.. Yung daddy ko..

Tinawag ni Nick Ellis ang isang doctor, siya yata ang doctor ni daddy. Lumapit siya rito at kinausap niya ito. Samantalang nakatulala lang ako kay daddy habang tulo lang ng tulo ang luha ko..

Kung sana, hindi nila ako iniwan doon..nagkaroon pa sana ako ng maraming oras para alagaan sila..lalo na si daddy. Nilingon ko si Nick Ellis at nilapitan sila ng doctor na kausap niya.


"Kamusta ho...ang daddy ko?" Halos pabulong ko ng sabi sa doctor.


"I'll tell you straight, iha. I can't say that he's okay. The truth is, hindi na siya nagrerespond sa mga gamot niya. He has stage four lung cancer at napakahirap na nitong gamutin..but we are doing our best Ms. Del Fierro...but we also need your prayers." Bahagyang yumuko ang doctor at tinapik ako sa braso. "I'm so sorry. I have to go."

Parang gumuho ang mundo ko..Hulki n ang lahat..Hindi ko na makakasama ng matagal si Daddy..


"Isabelle.." Agad akong niyakap ni mommy na kararating palang. Naka-pirmi lang ako sa pagkakatayo ko at umiiyak. Take me back to the start, please? Kung saan okay ang lahat at hindi ganito...

"Mommy...bakit?"


"I'm so sorry, anak.. I'm really sorry.." Niyakap ko siya pabalik, lahat ng galit ko nawala, napalitan lahat iyon ng pagmamahal ko sakanila ni daddy. Still, they are my parents. Still, binalikan nila ako. Still, alam kong nandito pa sila. Masuwerte parin ako.. kahit alam kong sobrang huli na para dito.

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon