Chapter Four

7.8K 196 8
                                    

Sunday ngayon. Nakaharap ako sa laptop ko at nagche-check ng aking facebook. 

3friend request.

104notifications.

5message.

Matagal tagal na rin akong hindi nakapagbukas sa aking mga social networking sites, lalong lao na ang facebook. Most of the time kasi ay sa mga yahoo at gmail lang ang binubuksan ko. Tiningnan ko ang notifications ko at napailing nalang ako nang makita na puro game request ang laman nito.

Binuksan ko rin mga message at puro pangangamusta lang at mga links ang natanggap ko. Huli kong tiningnan ang friend request.

In-add ako ni Nick Ellis Corpuz.  Agad ko rin naman siyang in-accept dahil kilala ko naman siya personally. Hindi kasi ako nagaccept kapag hindi ko sila kilala sa personal.

Maya maya rin ay narinig ko ang pagtunog nang facebook ko. Senyales lang na amy notification o may nagchat sa akin. Sinilip ko ito at nag-chat nga si Nick Ellis.

Ellis Corpuz: Belle?

Mabilis ko itong nireplyan.

Ysa Del Fierro: Oh, Yes?

Ellis Corpuz: Do you...

Ysa Del Fierro: Do me?

Bahagya akong natawa dahil sa pabitin nitong pag-chat sa akin. Marahil ay nagiisip pa ito nang sasabihin.

Ellis Corpuz : Do you want to go on a date with me?

Literal na lumaki ang mata ko at napanganga sa sinabi nito. Date? Hindi kaya't masyado itong mabilis sa pag-aalok nang mga ganitong bagay sa akin.

Ysa: SERYOSO?

Ito nalang ang nasabi ko pagkatapos kong mabasa ang huli niyang chat message.

Ellis: Do I look like I'm  joking?

Ysa: Dont ask me that. Hindi kita nakikita.

Ellis: Pilosopo.

Natawa ako sa conversation namin. Sabi ko na nga ba at may something sa kanya na hindi naman masama. Buti nalang at hindi ako ganoong klaseng tao. Maya maya lang ay nag-log out na ako at nagbihis dahil nagtext sa akin si Karla at nagpapasama sa Mall dahil day off naming dalawa.

"Ysa! Forever21 tayo. Magaganda ang mga dress ngayon!" Excited at nagingiting yaya sa akin ni Karla.

Mayaman talaga ang baabeng ito. Lahat nang gustuhin niya ay nakukuha niya agad ng walang paghihirap. Siguro nga'y nagtratrabaho lang siya upang magamit ang pinag-aralan niya.

Sinundan ko na lamang siya sa paglalakad, wala naman akong magagawa kung hindi sundan ang kaibigan kong ito. Kabisadong kabisado ko na siya.

"Cute nitong floral dress Ysa oh! Bagay sayo! Go buy it na! Summer naman e!" nakangiti nitong sabi sa akin at kinuha ang tinutukoy na dress at itinapat sa akin na animo'y sinusukat ito.

"Oo cute nga, ang CUTE din ng presyo. " napairap ako. "Tingnan mo nga? 7,000? Eh madami niyan sa iba-- "pinutol niya ang sasabihin ko. Talo na naman ako sa paguusap na ito.

" 7,000 nga lang eh! Ano naman kasing gagawin mo sa pera? Diba pambibili? Alangan namang titigan mo lang? " Pambabara nito sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang kuhanin ang damit .

"Oo na,eto na bibilihin ko na!" mangiyak ngiyak kong sabi. Paalam sa 7k ko.

Nagtingin tingin pa siya ng mga damit. Napaka-shopaholic talaga ng babaeng ito. Nang madaan kami sa top section ay nakarinig kami ng mga abbaeng naguusap tungkol sa pagiging delikado na ng panahon ngayon. Napailing ako. Parang hindi ata bagay ang ganoong topic sa ganitong lugar.

" Kaya umingat ka lagi pag uuwi ah? Wala pa namang boyfriend  na susundo sayo! "Hindi ko alam kung nag-aalala siya o nagpaparinig o nang-iinsulto. Ganito talaga si Karla.

"May boyfriend ako Karla. FYI. " Pagdadahilan ko. Mayroon naman talaga hindi ba? Si Nick Ellis?

"In your dreams, Ysa. Sana pala pinakilala nalang kita kay Jake! " Si Jake na kaibigan ni Karla dahil kapatid ito ng boyfriend niyang si James.

Napailing ako habang tumatawa. "Hindi ko type. Too flowery." Napatawa na rin si Karla. Si Jake kasi ay mahilig sa flowery na polo. Pagnakita mo siya, mapapatingin ka sa lugar dahil aakalain mong nasa Hawaii ka.

"Baka naman kasi nakikiuso lang, summer eh!" Pagbibiro nito.

Inirapan ko nalang siya at tumalikod. "Che! "

Nakauwi ako sa bahay ng sobrang pagod. Hindi lang pisikal, pati ang ATM ko ay napagod na rin dahil kay Karla. Hindi naman ako pumayag na magpalibre pa dahil nakakahiya. Mula pa noong college ay siya ang sponsor ko.

Nagbihis ako at agad na umupo sa sofa ng apartment ko. Napili kong manuod ng pelikula na pinanuod sa akin ni Karla, yung A walk to remember.

Nasa kalagitnaan na ako nang panunuod at malapit na talagang tumulo ang luha ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad akong umikhim para iklaro ang boses ko sa pagsagot ng telepono.

Ako: Hello?

Nick Ellis: The date, okay? Bye..

Ako: Ano? Teka-

Tiningnan ko ang cellphone ko. Binabaan ako. May pagka-misteryoso talaga ang lalaking ito. Napailing nalang ako at ngumiti. A date with Nick Ellis corpus, huh?

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon