Chapter Fourty five

5K 125 10
                                    

"Ysa, paki-check naman 'tong files." Ngumiti ako at tinanggap ang isang folder na hawak ni Tricia. Binuklat ko naman ito at pinasadahan ng tingin tsaka inilapag sa gilid ng desk ko.

Busy ang C&F ngayon dahil maraming bagong ipu-publish ngayon. Halos hindi mo makausap ang karamihan sa amin dahil mayroon kaming kanya kanyang gawain na kailangang mahabol sa deadlines nito. At syempre, hindi rin basta bastang gawain ang mga ginagawa naming iyon. Bukod sa masakit sa ulo ay masakit rin sa leeg.

Buong araw akong tutok sa computer ngunit hindi ko dama ang pagod. Isang dahilan na rin siguro ay ang tawag ni ate Nathalie last week. I am so excited to see him, but I am really nervous and scared, too. 

"Isabelle! Break naman diyan. Kanina ka pa nakaupo, eh. Tara miryenda muna?" Nakangiting dungaw sa akin ni Vince. Simula ng maging si Karla at Vince na ay sa akin na laging nakabuntot si Vince. Nabi-bitter lang daw siya sa dalawa. Isinasampal raw kasi sakanya ngharap harapan na single siya. Hahaha, this guy talaga.

Tumango naman ako at ni-log off ang computer bago lumabas ng opisina para kumain. Pagkatayong pagkatayo ko ay tska ko lang naramdaman ang pananakit ng leeg at ulo ko. Wow. 

"Mamaya, sa'yo na mapunta ang best employee niyan." Natatawang wika ni Vince habang minamasahe ko ang leeg ko papasok ng elevator.

"Threaten ka?" Biro ko. Nagkamot naman ito ng ulo.

"Medyo, Hahaha!" Nagtatawanan lang kami hanggang sa makarating na kami sa pinakamalapit na Restaurant.

Nginunguya ko ang bagong kagat kong pizza ng magsalita si Vince. Napatigil naman ako sa pagnguya at agad na uminom ng pineapple juice na inorder ko.

"Kailan dating ng boyfriend mong psychotic?" Natatawang biro ni Vince. Tumayo ako at binatukan siya dahil sa pagde-define niya kay Nathan.

"Maka-psychotic." Inirapan ko ito. "Bukas raw sabi ni ate Nathalie." Dugtong ko.

Tumango naman ito at kumuha ulit ng pizza. "Eh, what's your plan? Susunduin mo?" Tanong nito.

"Gusto ko, natatakot nga lang talaga ako." Mahina akong humalakhak. "Baka naman kasi may kasama ng iba, edi napahiya pa ako." yumuko ako.

Tinapik naman ako ni Vince na siyang nagpa-angat muli ng tingin ko. "Ang nega mo. Kailan ka pa naging ganyan?" Tanong nito.

Umiling naman ako at nahihiyang ngumiti. "Siguro, two years ago. Nung mga panahong sinisisi ko ang sarili ko." 

Napa-angat ako ng ulo ng biglang tumayo si Vince at tumabi na sa tabi ko. "Hay! Yang two years na yan, eh." Pinat nito ang ulo ko at ngumiti. "Ysa, move on. Masakit ang pangyayaring iyon pero dapat na tayong magpatawad." 

Tumango ako at niyakap si Vince. He's been a good friend, sa simula palang ng kwentong ito. Kailangan ko na rin talagang pakawalan ang sarili ko sa madilim na nakaraang 'yon. I should move on. We should all, move on.

Ala-una na ngunit hindi parin ako makatulog. Kinakabahan ako para sa mangyayari bukas. Bukas na siya magbabalik. Handa na ba ako? I missed him so bad. Matapos ang pag-alis niyang iyon ay never ko na siyang nakausap. Ang mga maliliit na balitang nakukuha ko mula sakanya ay galing lang rin kay ate Nathalie.

Tinitigan ko ang sketch na niregalo sa akin ni Nick- Nathan. Maski pangalan niyang ibinigay sa akin ay hindi ko makalimutan dahil parte iyon ng kung paano ko siya minahal.

Alam kong maraming nagalit sa akin. I've been weak. Mabilis akong nahulog at hindi mabilis makapag-isip ng mga bagay. I am not perfect. Pero dito sa kwento ng buhay ko, I know that I am worth the fight. Magulo ako at padalos dalos, but when I say I love you, I mean it. I really, do.

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon