C12~ Undress

4.9K 105 3
                                    

C12~ Undress.

YSA's POV.

Nasa bus na kami ni Nick Ellis. Muntikan pa nga kaming hindi pasakayin dahil basang basa kami at baka mabasa yung upuan nila. Pero kinausap ko naman sila na magbabayad kami ng sobra basta makasakay lang.Wala kasing dumadaang taxi dun kaya no choice at nag-bus pa kami.

Malakas parin ang ulan, may bagyo siguro. Giniginaw na din ako dahil sa lamig ng aircon bus. Oo, naka-Aircon kami. Hindi daw kasi safe pag-ordinary.

"Hachoooo! " Nilingon ko tong katabi ko. Aw. Mukhang mahina ang resistensya nito, ang daling magkasakit.

"Ha-hachooo! " Inabutan ko siya ng panyo ko. Buti nalang nasa waterproof bag ko siya at di nabasa.

"Tha-thank-Hachoo! " Masama ba ako kung sasabihin kong, ang cute niyang humatsing? Napaka-masculine parin kasi. Haaay.

" *sniff* Hey  stop staring. " Seryosong sabi niya habang simisinghot singhot pa.Nginitian ko nalang siya at sumandal ako sa balikat niya. Haaaa. I'm sleepy.

"Psst. We're here. "Gising niya saakin.

Dinilat ko na ang mga mata ko. Jeez. Nilalamig ako! Sobra! Pumara na kami at naglakad papasok ng building.

"Ma'am, basang basa ho kayo. " Sabi ni Manong guard.

"Hay naku Manong! Eto po kasing kasama ko. Haha. Sige po, akyat na po kami. "Pumunta na kami sa elevator. Pagod talaga ako. But I'm so happy.

"Ha-hachooo! "

"Ayos ka lang Nick Ellis? " Tanong ko sakanya. Mukha kasing magkakasakit siya.

"Ihahatid nalang kita then I'm going home.Yes, I'm okay. " Sabi niya naman habang sumisinghot pa.

"I insist. Stay ka muna, malakas ang ulan. Baka mamaya mapano ka pa pag-uwi mo. Magluluto nalang ako. May damit naman akong pang lalaki. " Sabi ko sakanya. Kumunot naman yung noo niya.

"Dati kang lalaki? " Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. ANO AKO? BAKLA?

"Hoy! Hindi ako bakla! Kela Vince at Sean yun. " Pagtatanggol ko sakanya. Mukha ba akong niretokeng lalake?

"Then, you bring guys inside. " Parang iba yung pagkakasabi niya ah?

"Gagski. Katrabaho ko yun, nag-overnight sila dito kasama si Karla, Grace at Lianne. " Nung araw kasi ng outing dati samin sila natulog para sabay sabay na kami pumunta sa meeting place.

Pumasok na kami sa loob ng unit ko. Hinagisan ko siya ng twalya, umupo naman siya sa couch samantalang ako nag-init ng tubig para sa soup na lulutuin ko.

"Nick Ellis, gusto mo mauna sa CR? Mukha kasing sinisipon kana  "Sabi ko sakanya, nagpupunas lang siya ng sarili niya.

"No. I can handle it. Mauna kana, baka magkasakit kapa. " Diretso niyang tingin saakin, nagkibit balikat nalang ako at dumiretso na sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Kumuha na din ako ng damit ni Nick para makapag-banlaw na din siya.

"Nick ikaw na-- " Napahinto ako. Haysh. Nakatulog na yung tao , hindi naman ako matagal maligo ah?

"Nick Ellis, Gising na, magpalit kana. " Alog ko sakanya. Weeeeyt. Parang may hindi tama.

Sinapo ko yung noo niya. GASH. Ang inet niya! May lagnat siya!

Dali dali akong tumakbo sa kusina para lutuin yung soup, saglit lang naman to. Hays.Mukhang mapapa-alaga ako sa isang to. Pero ayos na din, buti nalang pala di ko siya agad pinauwi.

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon