C36~ Bye bye, Superman.

2.5K 64 3
                                    

C36~ Bye bye, Superman.

10 am ang next class ko. Hays. Wala pa akong maayos na tulog dahil sa late na naming paguwi kagabi. Tinext ko si Nick Ellis para samahan akong bisitahin si daddy ngayon. Hindi ko pa siya nakakausap at hindi ko rin alam kung kaya ko ba siyang kausapin sa ganoong kalagayan niya.


Nang dumating ang next class ko, binigyan ko sila ng isang long quiz katulad ng napagusapan namin last meeting. Mabuti na nga't nagpaexam ako. Wala kasi ako sa huwisyo.


Lumabas muna ako para mag-cr. Hindi naman kalayuan ang comfort room kaya okay lang na iwanan ko muna ang Mga estudyante ko. My head hurts so bad.



Naglalakad ako pabalik sa room ng may makita akong isang pamilyar na taong nakatayo malapit sa main door ng building namin.


Nakaputing long sleeves siya at nakasideview mula sa puwesto ko. Maya maya'y humarap ito sa akin at malungkot na ngumiti.



Sh*t.



S-si X-xander?



Hindi ako pwedeng magkamali! Si Xander talaga yun!

Agad akong nagmadaling pumunta sa pwesto niya ngunit nagsimula na rin siyang maglakad.


" Xander! Wait! Xander! "


Ngunit sa di malamang dahilan, hindi ko siya naabutan. HUH? BAKIT NASA LEU SI XANDER? BAKIT? PAPAANONG...



"Ms.Ysa, are you okay? " Tanong ng co-faculity ko.


" Ah, wala Ms. Andrea, may hinahabol lang ako. " Ngumiti ako ng pilit. Ngumiti rin ito at marahang tumango.



Tuluyan na ngang spaced out ang buong araw ko. Nagtanong ako sa mga ibang departments kung may nagma-master's o nagtuturo bang Xander Lim sa LEU. Ngunit nakatanggap lamang ako ng mga iling.


Hays. Baka pagod lang talaga ako kaya naghahaluccinate na ako. I shooked my head. I need rest.



Naglalakad ako palabas ng gate 1 sa LEU. Hindi parin maalis sa isip ko yung nakita ko kanina. Talaga bang ilusyon ko lang iyon? O nandito talaga si Xander?


Atsaka bakit malungkot ang mga ngiti nito? May gusto ba siyang sabihin? Bakit hindi niya ako diretsuhin? ... o kaya ko bang kausapin siya ngayon?



Calling...

      Karla.



" Hello, Karls? " Halos pabulong kong sabi kay Karla.



" Y-ysa.. " Utal naman nitong sagot.


" Problema? " Medyo nag-alala ako. Hindi siya yung cheerful na Karla na nakilala ko.


" Layuan mo na yang boyfriend mo.. please.. please.. w-wag kang mag-"



Low battery shutdown.




Ano ba ang sinasabi ni Karla? Bakit ko lalayuan si Nick Ellis? Mahal ko yung tao. Mas kilala ko siya sa kanilang lahat. Dahil lang ba hindi siya kasing friendly ni Xander? Dahil ba hindi sila kinakausap ni Nick Eliss? Hindi naman sigurong magandang dahilan iyon. Hinayaan ko na lamang ang tawag ni Karla. Paranoid lang siguro iyon.



" Hey, are you okay? " Asked Nick Ellis. Nagda-drive siya ngayon papunta sa hospital para dalawin si dad.



" Pagod lang ako. " Tipid kong sagot.


He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon