Chapter Fourty One

2.6K 65 9
                                    

"Ma'am! Hindi ho talaga kayo pupwedeng pumasok dito." Halos nagmamakaawang sigaw na ng katulong nila sa akin.

Umiiling na ako ng mabilis. Mukha akong wala na sa katinuan ngayon pero I know what I'm doing.

"Papasukin mo ako? O papatayin nalang kita?" Nagulat din ako sa mismong sinabi ko pero bahala na. I'm sorry, manang.

Nakita ko naman ang paglaki ng mata nito at napaatras. Senyales na makakapasok na ako. Agad akong pumasok at halos patakbo ng pinuntahan ang loob ng bahay nila.

The same old creepy feeling. Napabagal ang pagtakbo ko dahil sa kakaibang pakiramdam. Kung ano man ang matuklasan ko ngayon at sana ay handa ako. Bumalik ang kaba sa pakiramdam ko.

Sinimulan ko ng akyatin ang second floor ng bahay nila. Hindi ko alam kung saan ang kwarto ni Nick-Nathan? I don't know anymore.

Binuksan ko ang unang kwartong nakita ko ngunit puro libro lamang ang nakita ko sa kwartong iyon.

Binuksan ko pa ang iilan hanggang sa mapahinto ako sa huling kwarto. Nakaramdam ako ng halo halong emosyon. Should I open the door? Pinagpapawisan ang kamay ko. Huminga ako ng malalim kasabay ng pagbukas ko sa pinto ng kwartong ito.

Iginala ko ang paningin ko. Magulo ang kwarto ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi ko makita ang kalat na mga larawan. Sa sahig, sa dingding, sa kahit saang parte. May mga larawan...

Mga larawan ko.

Naglakad pa ako hanggang sa mamataan ko si Nick Ellis na mahimbing na natutulog sa higaan niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. I missed him. Pero marami akong dapat na marinig mula sa kanya ngayon.

Iginala ko muli ang paningin ko sa kwarto niya. Hanggang sa mahinto ang mga mata ko sa isang lumang larawan na nakadikit sa isang lumang salamin.

Dahan dahan akong lumapit. Kinuha ko ang larawan at pinagmasdan. Isang babae na naka-college uniform. Kamukhang kamukha ko ang babaeng ito pero I know, it's not me. Hindi ito ang uniform namin sa Lancaster at hindi Tourism ang course ko katulad nalang ng nasa ID lace ng babae.

Tiningnan ko ang nasa likod ng larawan at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi dahil sa note na nakasulat sa likuran kundi sa bahid ng dugo sa likuran nito.

To my dearest, Nathan. :)

Kung sakaling makalimutan mo ako, here's my pic! I love you so much! Thank you for loving me. Don't forget to smile! Mwa! :*

Forever and always,

Andrea Nicolas <3

Nanginig ang kamay ko ng mabasa ko ng tuluyan ang nakasulat sa likod ng larawan. Sino si Andrea? Bakit may dugo?

Napuno na ng kuryosidad ang isipan ko kaya't nagsimula na akong maghalughog ng mga gamit ni Nick..er..Nathan? Hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin.

Binuksan ko ang drawer habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Kakayanin ko ba ang lahat ng mga malalaman ko? Una ay hindi ko pala talaga kilala si Nick Ellis. Pangalawa, sino si Andrea? Minahal niya ba talaga ako? O dahil kamukha ko siya? Pangatlo,--

Nanlaki ang mata ko sa isang pamilyar na bagay na nakita ko sa loob ng ikalawang drawer. Dahan dahan kong iniangat ito at tinitigang mabuti.

Yung..yung infinite necklace...ni Xander...

Sunod sunod na pumatak ang luha ko. Nanginginig na rin ako. Paano napunta ito kay Nick Ellis? May mga ideya na pumapasok sa isip ko ngunit ayaw na tanggapin ng puso ko. It can't be! Hindi niya magagawa to.

Sa sobrang paghihisterical ko ay nabitawan ko ang hawak kong kwintas na naging sanhi ng pagbagsak nito sa sahig na naging sanhi ng pagkabasag ng katahimikan sa kwartong iyon.

"Belle?"

Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang boses niya. Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang lalaking minahal ko.

Kitang kita ko rin ang paglaki ng mata nito ng makita ako. Say what, Nathan?

Mag-isa siyang nakaupo sa isa sa mga bench ng University of St. Thaddeus. Pinagmamasdan ang mga taong naglalakad. Ngumingisi mag-isa. Nagpaplano.

"Hi!" Natigil ang pagiisip niya ng may lumapit sa kanyang babae. Mahaba ang buhok nito, maputi, agad din niyang napansin ang masasayang mga mata nito, ngunit umiwas nalang siya ng tingin.

"Sungit mo naman, kuya. Ako nga pala si Andrea!" Nakangiti parin itong nakatingin sa binata.

"Uyy!" Napalingon na siya rito at nagkunot ng kanyang noo.

"Hindi ako nakikipagkaibigan. Get lost." Sagot ng binata sa kanya naging dahilan ng pananahimik ng babae.

"Honestly, matagal na kitang pinagmamasdan. You seemed aloof sa mga tao. Gusto ko lang makipagkaibigan. They were telling me kasi na you're not to be trusted." Napalingon ang binata sa kanya.

Nagkaroon sila ng maikling paguusap. Ngunit nagbukas ito sa isang panibagong pakikipagkaibigan na dumating pa sa pagiibigan.

Si Andrea Nicolas. Ang babaeng unang minahal ni Nathan. Siya ang dahilan kung Bakit nakalimutan niya na ang nakaraan niya. Siya ang dahilan kung bakit muling lumambot ang puso niyang puro paghihiganti ang alam.

Ngunit hindi rin nagtagal ang relasyon nilang dalawa. Dumating ang araw na kailangan ng magpaalam ni Andrea.

"Magtratransfer na kasi ako, Nathan. Sorry." Umiiyak na sabi ni Andrea habang nakayuko sa harapan ng binata.

"Andrea..."

"Heto! Picture ko. May dedication na rin yan sa likod. Wag mo akong kakalimutan." Humina ang boses nito.

"Masaya akong naging bahagi ng buhay mo, Nathan. Pero hanggang dito nalang tayo."

Naging miserable ang buhay ni Nathan ng mawala si Andrea. Ngunit,hindi na siya naghiganti pa. He really loved Andrea to the point na kakalimutan niya ang lahat ng nakaraan niya dahil iniisip parin niya ang kinabukasan nila.

Isang araw at nadaan sa isang mall si Nathan upang bumili ng regalo para kay Andrea. Gusto niyang makipagkita dito upang ayusin ang relasyon nila. Kakayanin nito ang long distance relationship. Wag lang mawala si Andrea.

Napadaan siya sa baby section ng may mamataan ang kanyang mga mata. Agad na umigting ang kanyang panga sa kanyang nakita.

His precious Andrea. Malaki na ang tiyan nito at masayang namimili ng kagamitan kasama ang isang lalaki. Magkahawak ang mga kamay nito at mistulang masayang pamilya na magkakaroon ng biyaya.

Agad na tumulo ang luha ni Nathan. Akala niya, iba sa lahat si Andrea. Isa rin palang manloloko.

Sinabi niya na nga ba, walang magmamahal sakanya ng totoo. Lahat ay binigyan lang siya ng sakit at panloloko.

Ngumisi ito. Kasabay ng pagpunas ng mga luha habang tumatalikod. "Kung hindi ka magiging akin, mabuting mawala ka nalang."

Kinabukasan ay kalat na ang balita sa Thaddeus ang pagkamatay ni Andrea. Sikat sa unibersidad na ito so Andrea kaya't mabilis padin ang pagkalat ng balita.

"What? Ayon sa mga pulis, itinulak daw ng boyfriend niya si Andrea kaya nahulog ito sa condo. nito. Friend, 31st floor siya nahulog! Imagine that!"

"Preggy pa naman si Andrea. Kung hindi kayang panagutan, hindi nalang sana pinatay. Double murder 'yun!"

Agad na sumingit sa usapan si Nathan na nag-aalala ang histura. "Nasaan na ang tarantadong boyfriend niya?" Tanong nito.

"Kinulong na, kuya. Life sentence daw e. Bagay sa kanya 'yon! Murderer."

Tumango naman siya at umalis na. Never mess with Nathan. Never.

Nakangiti siyang bumalik sa sasakyan niya at tumawa ng napakalakas. "You're so brilliant, Nathan! Ginawa mo, pero iba ang naparusahan. So bright." Pinunasan nito ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. Kinuha ang larawan ni Andrea.

"I'm sorry, Andrea. Served you right. Manloloko."

He's a Psycho [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon