Chapter 1

249 30 7
                                    

Ang Photo na nasa itaas ay Certificate po iyan sa pinanalonan kong Contest dito sa Wattpad.

Your best stories 2017
Best Entertaining Award
Category of Short Story

All Rights Reserved©2017

Does fairytales exist? Kasi sa nakikita ko ngayon hindi happy ever after ang story ko.

Chapter 1

Nakatayo ako sa tabi ng malaking puno sa masukal na lugar ng palasyo, sinusundan ko ang asawa ko kasama ang mga kawal niya. Gusto ko sana siyang kausapin pero hindi ko na natuloy at nagtago ako sa punong ito, pinanood ko ang asawa ko at ang binatilyong nakagapos. Dahil sa malayo ako sa kanila hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila.

Nakita ko na parang pinapagalitan niya ang lalaki, tila ba may malaking kasalanang nagawa. Kanina'y hindi ko pa makita kung sinong binatilyo pero ngayon nagulat ako ng malaman kung sino ang bihag nito. Ito ang personal na tagasilbi at taga-bantay ko. Hindi ko alam kung anong nagawa niya para magalit ng husto ang hari. Naging mabait at tapat na alalay naman ito sa akin. Lalapit na sana ako dahil parang hindi na maganda ang pag-uusap nang inagaw ng asawa ko ang espada ng isa sa mga kawal.

Nanigas ako sa kinatatayuan, kasabay ng pag-agos ng mga luha sa mata. Gusto kong sumigaw at tumakbo para pigilan siya sa ginawa pero huli na ang lahat. Nakasaksi na ako ng krimen na ang may gawa ay ang taong mahal ko. Pinanood ko lang ang pagpugot niya ng ulo sa kawawang binatilyo, na tumalsik pa ang dugo sa mukha niya at ang iba ay kumalat sa lupa. Nanginginig ang buo kong katawan, nanghihina ang mga paa sa takot na bumalot sa buo kong kalamnan. Hindi ko na alam ang gagawin pagkatapos kong makita lahat. Pero mas lalo akong natakot sa narinig.

"Hanapin niyo na ang reyna!" buong tapang na utos niya sa mga kawal.

Maraming tanong agad ang nabuo sa isip ko, bakit niya ako pinapahanap? isusunod ba niya ako?

Umiling ako sa naiisip, hindi niya kayang gawin iyon sa akin. Sumasagi sa isip ko ang mukha ng binatilyong wala ng buhay. Bago pa man nila ako makita sa tinataguan ay mabilis na akong tumakbo papalayo, natakot akong baka totoo ang mga naiisip ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon basta ang alam ko kailangan kong magtago mula sa hari.

Tumakbo ako sa aking silid kinuha at sinuot ko ang pula kong balabal at kumuha ng konting gamit at pera. Kasama kong aalis ang paborito kong kabayo.

"Pasensya kana Dina pero kailangan muna nating lumayo sa palasyo, hindi na tayo ligtas dito." Sabi ko sa kabayo ko habang himas ko ang likod niya.

Umiwas ako sa lahat ng madaanang tao hanggang sa makarating ako sa tarangkahan ng palasyo. Tinakpan ko ang aking mukha at nakisabay sa mga tao palabas ng palasyo, pero hinarang agad ako ng isang kawal.

"Sandali, bakit naka-takip ka ng mukha?" Pagtatakang tanong sa akin ng kawal.

Yumuko lamang ako. Hindi ako kumibo.

Mas naging mahigpit ngayon ang pagbabantay sa palasyo, bawat taong pumapasok at umaalis ay inuusisa ng guwardiya.

"Sumagot ka, Anong pangalan mo? Alisin mo ang balabal sa mukha mo, o ako ang magtatangal niyan." utos nito sa akin pero wala pa rin akong ginagawa, nakatayo lamang ako sa harap niya.

Kailangan kong makaalis dito bago pa man nila malaman kung sino ako.

Pero huli na nang sapilitang winaksi nito ang suot kong balabal. Tinignan niya ako ng mabuti, at ng mawari ay gulat ang makikita sa mukha nito.

Agad itong lumuhod sa harapan ko. "Patawad mahal na Reyna, hindi ko po agad kayo nakilala."

Napansin naman ito ng ibang kasamahan niya na agad na lumuhod bilang pag-galang.

Finding My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon