Chapter 7

95 23 2
                                    

Chapter 7

Natakot sya sa pwedeng gawin sa kanya ni Derik na ngayon ay hawak ang kanang kamay nya

Nakatingin lang ang lahat ng kaklase nila sa kanila walang nag iingay at nakatutok sa susunod na pangyayari

May nakita syang pagkagulat sa mukha ng taong kaharap, nagulat ito ng makita sya

"Bakit ka umalis?"
Tanong ni Derik

Napatingin si Rose sa mga kaklase na naghihintay sa isasagot nya, ang iba nagbubulungan

Hindi nila pwedeng malaman ang totoo

"Lilipat ako ng upuan" sagot ni Rose sa kanya

Nag-iwas na ng tingin si Rose sa titig ni Derik sa kanya

"Bitawan mo na ang braso ko pakiusap" hanggang ngayon hawak pa rin ni Derik ang kamay nya

"Pasensya na pero hindi pwede" pagmamatigas ni Derik

Napasinghap ang lahat sa sinabi ni Derik, mas lalong nagbulong-bulungan ang mga kaklase nya na nagbuo ng ingay sa loob ng kwarto

"Mr. Leewichke sa pagkakaalam ko pagmamay-ari ko ang braso na hinahawakan mo kaya bitawan mo na"

"Ayoko baka saan kana naman pumunta Mrs. Leewichke"
Mariin nyang sagot na may halong lungkot sa tono ng boses nya

Ayoko ng pakawalan ka pa ulit, ayokong mawala ka ulit sa paningin ko

Mas lalong nag-ingay sa kwarto, wala namang pakialam si Derik sa bulungan ng mga kaklase

Rose POV

Nagulat ako sa sinabi nya. Nagkaingay sa buong kwarto, nagbulungan ang mga kaklase ko, alam kong nagulat rin sila sa narinig

"Pa-pasensya na pero Rose Stone ang pangalan ko, akin na ang braso ko!"

Marahas kong kinuha ang braso at mabilis na umalis sa kwarto.

Lumingon ako kung saan lumabas baka kasi sumunod si Derik sa akin, walang sumunod sa akin kaya nakampante naman ako

Hindi nya ako sinundan

May kung ano akong naramdaman, nalulungkot ako, bakit?

Muntik na akong matipalo ng sumigaw ang pamilyar na boses.

Napatakbo ako ng mabilis, ayokong mahabol nya hindi ko alam ang maaring gawin ng lalaking to sa akin

"Wag kang tumakbo! Baka matipalok ka! Wala ako sa tabi mo para saluhin ka"

Narinig ko lahat ng sinabi nya napahinto naman ako, sariling paa ko mismo ang nagpahinto sa akin

Ano bang nangyayari sa katawan ko, dapat na akong tumakbo maabutan na nya ako!

Pero bakit ganun na lang sya mabahala, eh ano naman kung matipalo ako dito, hindi ba dapat matuwa sya dahil hindi ko na sya matatakasan

Lumingon ako sa kanya na nakahabol na sa akin

Hinabol nya ako

"Kailan kapa natutong tumakbo? ang bilis mong tumakbo mahal na Reyna"

Teka, ngumiti ba sya? Kumunot ang noo ko

Hindi ko mabasa ang pinaplano nya, wala akong makita na kahit anong galit sa mukha nya

Baka tinatago nya ang tunay na sya pero wala akong nararamdamang kaba, sa oras na to tanging kirot lang at pagtataka ang pinapadama ng puso ko, bakit ganito?

Tinignan ko ng mabuti ang lalaking nasa harapan ko ngayon

kahit nahahapo sya sa paghahabol sa akin, hindi pa rin naalis ang kakisigan nya, ang mukha nyang mala anghel at ang berde nyang mata na nakatitig din sa pares ng mata ko

Bakit mo pa ako hinahanap? Bakit ka nandito? Bakit ganito ang pinapakita mo sa akin? Anong pakay mo?
Gusto kong malaman ang sagot sa kanya pero hindi ko magawang magbigkas ng salita ngayon

Kinakapa ko ang sagot sa mukha nya pero wala akong nakuhang sagot sa mga mata nya

Tanging takot at kalungkutan lang ang nakikita ko sa mga pares ng berdeng mata nya

Sobrang lungkot ng pinapakita nya ganito din ang nakikita ko noong mamatay ang buong pamilya nya, kilalang kilala ko sya pagnalulungkot noon

Pero hindi na ngayon simula ng masaksihan ko ang ginagawa nya nagduda na ako kung kilala ko pa ba sya

Ayokong paniwalaan ang pinapadama nya ngayon

Ayokong paniwalaan ang pinapakita nya ngayon, hindi ko na sya kilala para pagkatiwalaan ulit.

"Bumalik kana aking Reyna"

"Sumama kana pabalik sa kaharian mahal na Reyna pakiusap"

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko

Nakikiusap ang Hari, mukha syang sincere, paniniwalaan ko ba sya?

Pero naalala ko lahat ng nangyari sa gubat, ang pagpatay, ang bangkay

Paano kung nagbago na sya?

"Hindi na'ko babalik kahit kailan, may sariling buhay na ako dito kaya bumalik kana sa kaharian mo at pamunuan mo sila"

Hindi! Kahit kailan hindi sya magbabago

"Pero kailangan nila ng Reyna at ikaw lang ang Reyna ng Amore "

Sinubukan nya akong lapitan pero nag-iwas ako

Nanginginig pa din ako sa takot

Imbis na sagutin ang tanong nya tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya

"Joanne!" Sigaw nya

Tahimik na ang buhay ko ngayon, wag ka ng lumingon sa kanya

Sobrang bigat sa dibdib ang bawat paghakbang ko na tila ba bawat isang hakbang ko katumbas ng buhay ko

Ganito din ang naramdaman ko habang papalayo sa palasyo, hinding hindi ko makakalimutan lahat ng nangyari apat na taon na ang nakalipas

Patuloy pa din sya sa pagsigaw sa pangalan ko

Tama na, pakawalan mo nako

Napahawak na lamang ako sa dibdib upang ibsan ang pait na nararamdaman ko ngayon

Hindi ko na namamalayan ang mga luhang sabay sabay na bumagsak sa mata ko

Bakit ang lupet ng tadhana sa akin, anong kasalanan ko para magdusa ako ng sobra sobra

Hindi ko na kaya! Lumingon ako kay Derik na ngayo'y nakaluhod at umiiyak?






-End of Chapter 7

Finding My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon