Chapter 6

97 25 6
                                    

Chapter 6

Mainit ang pagtanggap sa akin ng mga bago kong mga kaklase, isa akong transferee mula sa bayan ng Damatia.

Lumipat ako dito kasama ang amo ko na syang kumupkop sa akin

Nagpatayo kasi sya ng bago nyang tindahan ng tinapay sa bayang ito, sa bayan ng Castopia.

Ayoko mang iwan ang nakasanayan ko nang paaralan pumayag pa rin ako na dito na tapusin ang aking kurso.
Pamilya na rin ang turing ko kasi kay Señior Ben.

"Oh my gosh! Bumalik na daw si derik from his vacation..his in the hallway right now ..oh my gosh!!..AHHHHH!!!"

"According to my source friday pa ang balik nya ah ..hmpp"

"Well.. mali ang source mo, napaaga daw ang balik nya sa hindi malamang kadahilanan"

Naririnig ko ang mga sinasabi nila sa likod
Tinanong ko si Elisa na naging close ko na dito sa kwarto.

"Elisa ano ba ang pinagkakaguluhan sa likod?"

Naka upo kami ngayon sa unahan ng klase at tinitignan ang mga kaklase naming nag-uusap sa likod

"Oh its Derik Van Leewickhe"

Ah....

Wait..Leewickhe?? Bigla akong kinabahan

"Sikat sya dito hindi lang basta sikat kundi sobrang sikat na sikat, halos lahat ng estudyante dito kilala sya at humahanga sa kanya. Eh paano naman kasi not to mention sobra nyang gwapo, sobrang bango, sobrang bait, sobra pang talented and sobrang yaman! Gosh! Lahat na lang sobra sa kanya, I think wala ng kulang sa buhay nya, especially pag naging kami na. Oh! I wish, he is a Senior student too and guess kaklase natin sya kaya your lucky too na maging part ng Section A-star "

Mas lalo akong kinabahan sa mga sinabi sa akin ni Elisa.

Paano kung sya nga yung tinutukoy ni Elisa

Paano kung nahanap nya na ako

Paano kung nandito sya para pahirapan ako at maghigante sa ginawa kong pag-iwan sa kanya

Paano kung sobrang galit sya ngayon

Andaming tanong,takot at pag aalala sa sarili ang nasa isip ko.

'Hindi! Hindi sya si King' pangungumbinsi ko sa sarili

Malayong lugar na to at hindi sya mag aaksaya para hanapin ako, sino ba ako sa kanya?

Derik Van Leewichke ang pangalan ng tao at hindi Cedrick kaya impossible na si Cedrick ang tinutukoy ni Elisa.

Tyaka malayo sa Cedrick na kilala ko ang denescribe nya mabait daw ito at hindi ganun si Cedrick, sya ang kabaliktaran ng mabait, malupet sya kahit kanino

Natigil ako sa pag-iisip ng mapansin ko na kinakaway ni Elisa ang kamay sa mukha ko

"Hello Rose okay ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo kanina pa" tanong nya na medyo may halong pag-aalala

"Ha? Wala. Inaantok lang ako, mukha yatang excited ang mga kaklase natin sa Derick na sinasabi mo ah" pag iiba ko sa usapan para hindi na magtanong pa ulit

"Yes of course, kahit naman ako excited makita ang prince charming ko, for sure pag nakita mo na si Derik bibilis ang tibok ng puso mo at hahangaan mo din sya, but girl.. Akin lang sya.." Matalim ang tingin ni Elisa sa akin at seryoso sya sa sinabi

Bigla akong natakot sa ekspresyon nya

"Just kidding! Haha." Bawi nya at ngumiti na sa akin

"Tsk. Okay lang hindi naman ako interesado sa mga lalaking sikat "

Kung alam mo lang, mas gugustuhin kong maghirap na lang

"Why?? Your crazy Rose.. Kakaiba ka talaga, lahat ng babae nangangarap na makaboyfriend ng sikat pero ikaw, hmmpp..ikaw na girl! Ikaw na ang simple ahahha"

"Ikaw na gorgeous!" Sagot ko naman

"Thank you!" Tawang-tawa naman kami

Haha ganyan kami magkuletan. Kaya hindi ako nahirapan na mag-adjust dahil ang galing nilang makisama

Napatingin kami sa likod sa sobrang ingay ng tilian ng mga babae.

"Welcome back baby Derik"

"How's your vacation honey?"

"Ahhh!! Baby Derik we miss you so much!"

"Did you miss us too?"

Natawa na lang ako sa pinagsasabi ng mga babae sa likuran halos natakpan na nila ang lalaki na si Derik.

"Ang OA naman ng mga kaklase natin"

Pagtingin ko kay Elisa wala na sya sa inuupuan at kasama na sya sa tumpok ng mga kababaihan sa likod.

Napailing na lang ako.

Pinagmasdan ko lang ang mga kaklase, sino kaya si Derick? Ano kaya mukha nya? Gwapo siguro gaya ng sabi ni Elisa.

Napailing na lang ako, nacurious tuloy ako kung sino si Derick

Medyo nagsialisan na ang mga babae sa harap ni Derik kaya makikita ko na rin ang mukha ng lalaking tinitilian ni Elisa.

X___X

Halos malaglag ang mata ko sa kinauupuan nang makita ko ang pamilyar na hubog ng katawan ng lalaki na papalapit na sa harapan ko.

Nanginginig ang buo kong katawan sa takot.
Mabilis akong nag iwas ng tingin.

King Cedrick...

Monster...

King....

Yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa isip! Huminga ako ng malalim, kinalma ang sarili at hindi nagpadaig sa kaba na nananaig ngayon

Maingay pa rin sa likod, naririnig ko pa rin ang mga tili nila

"Wag kang matakot Rose...wala ka sa palasyo..hindi ka nya masasaktan dito, lalo na sa mataong lugar"

Matagal ko ng pinaghandaan ang araw na to, hindi ako magpapakita ng kahit na anong takot

Habang nalalapit ang pagkikita namin mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko

Kalma lang Rose!

Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba

"Oh.. may bago na pa lang naka upo sa chair ko"

Narinig kong sinabi ng familiar na boses.

"Sa s-sayo ba tong upuan? S-sige sayo na, lilipat na lang ako sa iba madami pa naman dyan"

Nauutal akong magsalita hindi ko talaga kayang itago ang kaba ko

Tumayo ako at naglakad na habang nakayuko ang ulo pero nagulat ako ng hawakan nya ang kanang kamay ko

"Sandali, saan ka pupunta??"

Narinig kong sabi ng familiar na boses ulit, kalmado lang ang boses nya

"Wag kang magpapahalata na natatakot ka sa kanya Rose hindi ka nya masasaktan dito"

"Bakit hindi ka makatingin sa akin miss??"

Kumabog ng husto ang dibdib ko, halos mapatalon ako sa kaba ng magsalita sya

Gusto ko sanang bawiin ang kamay pero para akong naistatwa kung kailan nasa panganib ako

Kalmado pa rin syang magtanong pero ngayon may halo ng pagkasabik sa tono ng pananalita nito

"Nasasabik na syang kitilan ka ng buhay Rose"

Unti-unti akong tumingala at nagtama ang aming mga mata, walang pinagkaiba ang maamo at napakaganda nyang mata

Nakita kong muli ang malaberde nyang mga mata, mga matang nagpabalik sa akin sa nakaraan.




-End of Chapter 6

Finding My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon