Chapter 4
"Alam kong papatayin mo rin naman ako mahal na Hari. Hayaan mong ikwento ko sayo kung paano ko pinatay ang magulang mo .. Hahaha! Nagmamakaawa pa sa harapan ko ang Ina mo. Habang sinasaksak ko sa puso ang amang Hari"
*saashh*
Isang nakakabinging katahimikan
Pinahiran ko ang dugo na tumalsik sa mukha ko, hindi ko na napigilan ang sarili at nagawa kong paslangin ang isang binata. Hindi sya inosenteng binata lang dahil isa syang Dauntler ng kalabang kaharian
AN:(DAUNTLER- isang Assassin ng Kaharian) bawat Kaharian ay may kanya-kanyang Dauntler
"Itapon nyo na yan. Ipakain sa mababangis na hayop, ayokong may maka-alam sa nangyari"
Bumalik ako sa kaharian at agad na hinanap ang Reyna, pinuntahan ko sya sa aming kwarto pero wala sya roon.
"Bantayan nyong mabuti ang mahal na Reyna, kung maaari wag nyong hayaan na lumabas sa palasyo"
Gusto kong maging ligtas ang Reyna kahit wala ako sa tabi nya, lalo na sa mga taong may masamang balak sa kanya
"Masusunod mahal na Hari"-unang Kawal
"Pero mahal na Hari paano kung magtanong ang mahal na Reyna??"-pangalawang Kawal
"Ako ng bahala sa Mahal na Reyna" sasabihin ko sa kanya lahat pag nagkita kami
Ayokong maglihim sa kanya
"Opo mahal na Hari"-Kawal
"Pag bumalik ang mahal na Reyna sabihin nyong hinahanap ko sya"
"Nakakarating po sa mahal na Reyna ang mensahe mahal na Hari"
Buong gabi hindi sya umuwi hanggang sa paggising ko wala sya sa tabi. Kinabahan na agad ako na baka nakuha na sya ng kalaban
Pinahanap ko sya, hinanap ko sya sa lahat ng sulok
Isang linggo na ang nakalipas
Hindi pa rin sya bumabalik.
Nabalitaan ko na lamang sa tagabantay ng tarangkahan na umalis ang Reyna, mag-isa sa palasyo
Hindi ko pinaniwalaan agad ang taga bantay dahil naniniwala akong nagmamahalan kami at nangako syang mananatili habang buhay sa akin
Pinaghanda ko ang lahat ng kawal sa paglusob sa kalaban, may dahilan kung bakit sya umalis baka pinagbantaan ng kabilang kaharian ang buhay nya
baka bihag nila ngayon ang Reyna
Hindi ako dapat magsayang ng oras at panahon dahil baka nahihirapan na ang Reyna kung nasaan man sya naroroon
Baka kailangan ako sa mga oras na to ng aking Reyna, baka hinahanap nya na ako
Lahat ng sinabi ko ay pagbabakasakali lang pero sana nasa maayos na kalagayan lang sya
Nilusob namin ang kalabang kaharian. Nanalo ang kaharian pero hindi ko pa rin nakita ang aking Reyna
Lumipas ang ilang taon patuloy akong naghahanap sa aking Reyna
Nasaan ka joanne?
Sabik na akong makita kang muli aking reyna
Kayo ba alam nyo kung nasaan ang Aking Reyna? Mga mambabasa?
Naghanap ako sa labas ng tarangkahan, kahit sa kabilang karagatan ay nilakbay ko mahanap ko lang sya
Dinala ako ng mga paa sa isang eskwelahan dito sa Castopia
Naalala ko ang pangarap namin ni Joanne nong bata pa kami
BINABASA MO ANG
Finding My Queen
RomansaA King only bow to his Queen 👑👸🎎 Find out how love changes everything💕 Completed: April 2017 Date started: March 2017 Revised: January 2020 Cover by @Strawberrymuncher Credit to FRUITESS graphic shop