Chapter 13
Queen Joanne's POV
Minulat ko ang mata, inumaga na pala ako dito sa ilog, hindi ko man lang napansin na nakatulog ako dito kagabi
Naalala ko ang nangyari kahapon at kung bakit ako nandito
Tumayo na ako at pinagpag ang damit
Umuwi muna ako at nagpalit ng damit at agad na pumasok ng paaralan
Wala akong gana ngayong araw at baka sa susunod pang mga araw
Ayoko ng makita pa sila ulit pero malabo dahil pareho ko silang kaklase
Habang naglalakad ako may nakita akong nagtutumpukang mga tao
Ano kaya yun? Tanong ko sa sarili
Naramdaman ko na lang na papunta ako sa mismong pinagkakaguluhan ng lahat
May nakita akong kaklase ko tinanong ko sya
"Anong meron?" Tanong ko
"Si Derik daw may dalawang maraming bulaklak at nakasuot ng Damit na parang King"
Si Cedrick? May bulaklak syang dala
Para kay Elisa siguro
Medyo nalungkot ako
"Ah ganon ba, salamat" sabi ko sa kaklase
"Saan ka pupunta?" Tanong ng kaklase ko
"Aalis na ako, may klase pa kasi ako" pagsisinungaling ko
Pero ang totoo, nasasaktan ako kaya gustong kong tumakbo na lang at manatili sa tabing ilog
"Bakit? Ayaw mo bang makita si Derik na nakasuot ng damit ng Hari? Ang gwapo nya kaya, oh my gosh! Tignan mo oh papalapit sya sa atin Rose"
Kinalabit nya ako, napalingon ako sa kanya
Kumalabog ang dibdib ko sa nakikita
Naglalakad papunta sa akin si Cedrick at hawak ang naglalakihang mga bulaklak sa kamay nya
Hindi ko alam ang mararamdaman
Tinignan ko ang kaklase na umatras, pati ang lahat umatras para bigyang daan ang lalaking kasalukuyang nakatingin sa kinaroroonan ko
Para na akong maiiyak kaya minabuti kong tumalikod at maglakad paalis
Nakita ko naman si Elisa na nakangiti
Mas lalo akong nasaktan
Kailangan ko ng umalis dito, baka hindi ko mapigilan ang sarili
"Tatalikuran mo na naman ba ulit ako?"
Bago pa man ako makaalis, narinig ko syang sumigaw
Ako ba ang sinisigawan nya? O si Elisa
Dumako ulit ang tingin ko kay Elisa
Tuluyan na talaga akong umalis
"Kahit ilang ulit mo pa akong layuan, kahit ilang beses kang tumakbo Hahanapin kita ng paulit-ulit, hinding hindi ako magsasawang habulin ka"
Pilit kong humakbang papalayo
"Dahil ikaw pa rin ang nag-iisang Queen Joanne ng Amore"
Napatigil na talaga ako, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko at ang paglapit nya sa akin
Pumunta sya sa harap ko
"My Queen, our Queen" mariin nyang sabi
Hindi ko napansin na kasama nya ang buong Kawal ng palasyo
Lumuhod lahat ng Kawal maliban sa kanya
Nagsalita ang pinakamataas na Kawal
"Mahal naming Reyna Joanne! Pagpaumanhin nyo po ang karahasan kong magsalita. Bilang pinakamataas na Kawal ng palasyo ng Amore, at lahat ng
mamamayan ng Amore narito po kami upang maki-usap sayo mahal na Reyna, bumalik na po kayo, kailangan namin ang aming Reyna""Sumama na po kayo pabalik sa Amore Reyna Joanne!" Sabay-sabay na bigkas ng buong Kawal
Hikbi lang ako ng hikbi, inabot sa akin ni Cedrick ang bulaklak na hawak
Kinuha ko yun
"Alam ko marami akong pagkukulang, hindi ako naging mabuting Hari at asawa sayo pero sana bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon na bumawi at iparamdam sayo kung gaano kita kamahal"
Unti-unti syang lumuhod sa harapan ko at may kinuhang kung ano sa bulsa
"Queen Joanne" panimula nya
Yumuko sya
"Alam kong ang isang mali kahit ano pang dahilan, kahit sa ikabubuti pa ng nakararami, mananatiling Mali pa rin yon"
Inangat nya ang mukha at kitang kita ko na nanunubig na ang mata nya
"Sana mapatawad mo ko, sana kaya mo pa rin ulit akong tanggapin bilang si Derik at hindi si King Cedrick, handa akong iwan ang lahat makasama ka lang, Mahal na mahal kita Queen Joanne"
"Tumayo kana dyan Cedrick, hindi mo kailangan gawin lahat ng to dahil mahal rin kita Cedrick, mahal na mahal"
Umiling sya at ngumiti
"Rose Stone Will you marry me? Again?"
Nabigla ako sa sinabi nya, napatakip ako ng bibig
"Cedrick"
Nilahad nya sa akin ang maliit na box na may singsing sa loob
"Y-Yes!"
Tumayo na sya at bigla akong niyakap ng mahigpit na tinugunan ko din
Naghiyawan naman lahat ng nandoon.
After 3 months......
Bumalik kami ng Amore bilang bagong Cedrick at Joanne, doon muli kaming ikinasal
Hinarap namin ang buong mamamayan ng Amore, humingi ako ng pasensya sa pag-iwan sa kanila at naintindihan naman nila
Ngayon handa na kami parehong harapin ang nakatadhanang responsibilidad na pinagkatiwala sa aming dalawa ng aming mga magulang
Masayang masaya ako at magkasama na kaming dalawa ng lalaking minahal ko noon pa man at hanggang magpakailan pa man
And they lived Happily ever after.
The END.
-End of Story
BINABASA MO ANG
Finding My Queen
RomanceA King only bow to his Queen 👑👸🎎 Find out how love changes everything💕 Completed: April 2017 Date started: March 2017 Revised: January 2020 Cover by @Strawberrymuncher Credit to FRUITESS graphic shop