Chapter 8

74 23 2
                                    

Chapter 8

King Cedrick POV

Nakatayo lang ako walang magawa habang palayo ng palayo ang Reyna

"Joanne!" Pilit kong sinisigaw ang pangalan nya

Baka sakaling lumingon sya at balikan ako

"Joanne!"

Halos mamaos na ako kakasigaw ng pangalan nya pero hindi sya lumingon

Nawalan na ako ng lakas at napaluhod sa semento

"Mahal kita Joanne" bigkas ko sa mga katagang nais kong sabihin sa kanya noon pa man

Alam kong hindi nya narinig ang sinabi ko dahil halos binulong ko ang pagkasabi

Sa wakas nahanap ko ang Reyna pero wala akong magawa para pigilan syang umalis ulit, naulit lang ang noon pero mas masakit ito kumpara noon

Wala man lang akong nagawa para pigilan sya, wala akong lakas para bawiin sya

Napakahina kong Hari! Hindi ako karapat dapat sa kanya

Tama nga siguro na lumayo sya sa akin, magiging miserable lang ang buhay nya sa tabi ko

Apat na taon akong naghanap sa kanya, hinanap ko sya sa lahat ng lugar sa kaharian kahit sa kabilang bayan pero hindi ko sya matagpuan

Sobrang nag-aalala ako sa kanya, lahat ng kalabang kaharian ay nilusob namin sa pagbabakasakali na makita ko sya doon

Pero nabigo ako, nabigo akong makita sya

Hanggang sa napadpad ako sa lugar na to. Dito ko naisip lahat ng kasalanan at kasamaan na naidulot ko sa mga tao

Simula ng mawala ang reyna nagbago na rin ang lahat, nagbago ako dahil sa kanya, dahil sa pagkawala nya

Nagsimula akong muli, hinubad ko ang pagiging makapangyarihang Hari at nagpakasibilyan

Nag-aral ako sa bayan ng Castopia, madami akong nakilala at naging kaibigan dahil dito naibsan ang lungkot ng pagkawala ni Joanne

Binuhos ko ang atensyon sa normal kong buhay ngayon pero hindi ako nagpabayang hanapin ang Reyna na syang dahilan ng lahat ng pagbabago ko

Bawat impormasyon na makakalap ko kahit walang kasiguraduhan ay binibigyan ko ng pansin, pinupuntahan ko bawat bahay nagbabakasakaling makita ko ulit sya

Iniwan ko pansamantala ang Amore para tuparin ang pangarap namin noon ni Joanne

Ang mag-aral sa isang normal na paaralan na walang nakakakilala sa amin, walang luluhod kapag nakasalubong kami, tatratuhin kaming katulad nila, kakausapin kami at makikipagkwentuhan at tawanan kasabay kami, walang magiging mataas at mababa ang estado

Gusto ni Joanne maranasang mamuhay ng normal at hindi iniisip ang estado nya sa buhay para sa kanya lahat pantay-pantay, walang nakakalamang sa buhay at wala ring pulubi

Mahalaga ang buhay sa kanya, pinapahalagahan nya bawat nabubuhay na nilalang sa mundo

Masaya akong malaman na nagawa nya lahat ng gusto nya pero hindi ko inexpect na dahil dito ayaw nya ng bumalik sa Amore, sa kanyang pinagmulan

Bata pa lang inako ko na ang responsibilidad, nangako akong protektahan hanggang sa kamatayan ko si Joanne

Sumumpa ako sa harapan ng mga magulang nya bago sila binawian ng buhay

Pero patawad mahal na Hari, mahal na Reyna

Nabigo akong protektahan ang prinsesa dahil ako mismo ang nagpaiyak sa kanya

Hindi ako karapat-dapat pang mabuhay

Hindi ko na namalayan ang sarili na umiiyak na pala
at muli kong inangat ang mukha

Sa pag-angat ko ng mukha nakita si Joanne sa di kalayuan nakatayo at nakatingin na sa akin

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kaya tumayo ako at tumakbo sa kanya

-End of Chapter 8

Finding My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon