AN: lame & short POV
Chapter 9
3rd POV
Pareho nilang natagpuan ang sarili sa bisig ng isa't-isa, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo
Walang naiisip sa oras na to si Rose kundi ang yakapin ang taong matagal nya ng gustong makita
Matagal ang yakapan nila, walang gustong bumitaw.
Nagtatalo ang loob ni Rose, hindi pa rin mawawala na para sa kanya masama ang lalaking kayakap nya
Gusto nyang sundin ang puso pero binabalikan sya ng nakaraan
Isang malaking bangungot ang lahat ng nakita nya noon
Pagkatapos ng mahabang yakapan, naunang bumitaw si Rose
Pagtataka naman ang makikita kay Cedrick
Hinawakan nya si Rose sa balikat
"Anong problema?" Tanong nya
Nag-aalala sya sa asawa
"Pakiusap bumalik ka na ng Amore kailangan nila ng Hari na magtatanggol sa kanila"
Nakayuko lang ito
"Sasama ka sa akin, di ba?"
Lumayo sya kay Cedrick
"Mahal mo ba ko?" Mariing sabi ni Rose
Hinawakan ni Cedrick ang mukha nya para magkatinginan silang dalawa
"Alam mo ang sagot dyan, natatandaan mo ba ang pangako natin sa isa't-isa?"
Halos maiyak na sya sa harapan ng babaeng mahal nya
"Kung mahal mo nga ako, hahayaan mo akong maging malaya, dito ako masaya"
Parang biniyak ang puso ni Cedrick sa narinig nya kay Rose
"Pero.." Tumigil sya saglit dahil hindi nya na mapigilan ang mga luhang gustong dumaloy sa mata nya
"Nangako kang hindi ako iiwan Joanne, hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin ang sinumpaan natin"
Umiiyak na silang dalawa
"Buong akala ko totoo lahat ng sinabi mo, nagkamali pala ako"
Tuluyan ng iniwan ni Cedrick si Rose
Naiwang nakatayo at umiiyak si Rose
Ayaw nyang saktan ang damdamin ni Cedrick
Hindi nya maintindihan bakit patuloy nyang sinisirado ang puso dito
-End of Chapter 9
BINABASA MO ANG
Finding My Queen
RomanceA King only bow to his Queen 👑👸🎎 Find out how love changes everything💕 Completed: April 2017 Date started: March 2017 Revised: January 2020 Cover by @Strawberrymuncher Credit to FRUITESS graphic shop