Chapter 10
Rose PoV
Nasa tindahan ako ngayon at maraming tao ang bumibili halos hindi ko na matignan ang sarili sa sobrang busy ngayon
Hapon na rin ng komonti ang mga tao
Ginamit ko ang braso sa pagpahid ng pawis ko sa noo
"Oh! andyan na ng manliligaw mo" ngiting ngiti na sabi ng katrabaho ko
Tinignan ko naman sya na nakakunot ang noo
"Lisa!" pagbabanta ko sa kanyaTinaas nya naman ang kamay na parang sumusuko na sya
"Joke lang, andyan na pala yung bestfriend mo Rose"
Diniinan nya ang salitang bestfriend na parang may ibang kahulugan
Tyaka umalis na sya, pumunta naman ako sa isang table kung saan nakaupo si Russel
Tumayo naman ito ng makita ako
Ngumiti ako sa kanya
"Pasensya na sa itsura ko medyo busy kasi ngayon dito" sabi ko sa kanya na parang sobrang pagod
"Kahit ano pang itsura mo maganda ka pa rin sa paningin ko" nakangiti sya ng malawak sa akin
Sobrang bolero talaga ng isang to
"Ano kakain kaba dito ngayon? Ganun pa rin ba?" Tanong ko para ibahin ang topic
Tumango tango naman sya
"Sige maupo kana muna"
Umalis na ako para kunin ang order nya
Ilang minuto lanh at binalikan ko din sya kasama ang lagi nyang order sa akin, nilapag ko sa maliit na table ang pagkain at Tsokolate na inorder nya. Umupo na din ako sa kabila
"Ang sarap pa rin talaga ng mga tinapay nyo dito Rose" sabi nya habang hinihigop ang Tsokolate nya
"Oo naman kaya kain ka lang ng kain dyan para mabusog ka"
Nabigla ako ng hawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa
Tinignan nya ako sa mata
"Parang ikaw hindi ka pa rin nagbabago maganda ka pa rin kahit gusgusin kana haha"
Napatawa naman ako sa sinabi nya, nasanay na rin ako sa mabulaklaking pagsasaalita nya
Naging matalik na kaibigan na ang turingan namin
Napadapo ang mata ko sa Crystal na bintana ng tinapayan. Nakita ko sya nakatayo sa kabilang linya ng kalsada at nakakuyom ang kamao
Tinignan ko ang mukha nya na wala man lang ekspresyon
Agad ko namang kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Russel
Nakita kong nagtaka si Russel kaya tinanong nya ako kung anong problema
Nang hindi ako sumagot tumingin sya sa Crystal na bintana kung saan ako nakatingin kanina
"Aino sya?" tanong ni Russel sa akin, palipat-lipat ang tingin nya sa amin
Natatakot ako sa pwede nyang gawin kay Russel lalo na sa pinapakita nya ngayon
Nakita nya kaming magkahawak ng kamay kaya siguradong galit na galit na sya ngayon sa amin
Hanggang sa magsara ang tindahan hindi pa rin umaalis si Cedrick sa kinatatayuan
Nakatingin pa rin sya sa tindahan kung nasaan ako
Binalaan ko na si Russel na magtago dahil hindi namin alam kung anong pwede nyang gawin
Sinabi ko lahat sa kanya kung sino ako at kung sino ang lalaking nakatayo sa labas
Naiintindihan naman ni Russel kaya hindi na sya nagtanong pa
Nauna ng umalis si Russel para makahanap ng paraan kung paano makakatakas kay Cedrick
Pinagmasdan ko si Cedrick na nakatingin lang sa akin, wala syang ginawa kundi ang tumayo
Hindi man lang nya kinuha ang phone nya para tawagan kung sino man ang uutusan para gawin ang masamng balak nya sa amin ni Russel
Ayokong pangunahan ang pangyayari, pero ito lang ang naiisip ko na pwede nyang magawa
Nakatingin lang sya ng deretso sa akin. Naalala ko na naman ang ginawa nya noon, doon sa gubat kung saan nya pinatay ang binata na personal kung taga silbi
Ano bang naisip nya bat nya pinatay ang inosenteng batang yun?
May sumagi sa isip ko na sagot dahil siguro nya pinatay ang inosenteng binata dahil sa akin dahil siguro nakita nyang malapit ako sa binata at nakakagaanan ko na ng loob ito
Ayaw nyang inaagaw ang pag mamay-ari nya
Napakababaw naman ng dahilan nya
Hindi ba nya pinaniniwalaan ang lahat ng sinabi ko noon? Noon sa Ilog ng Lahat
Mas lalo akong natakot sa pinapakita nya ngayon hindi ko kasi malaman kung anong binabalak nyang masama
Bakit nandito pa rin sya nakatayo at nakatitig lang sa akin?
Napahinto naman ako sa iniisip ng siniko ulit ako ni Lisa, tumaas baba ang kilay nya
"Hoy Rose sino yang lalaki na tinitignan mo ha? Bagong manliligaw mo? Bakit hindi ka nya puntahan dito?"
Hindi ko sya tinignan "Hindi ko sya manliligaw may masama syang balak kaya sya nandito"
Hindi ko dapat sinabi yun pero siguro mabuti na rin para malaman nilang delikado ang Cedrick na yan at para maalarma sila
"Sus! kung may masama syang balak hindi kana nya titignan dyan buong magdamag kaninang umaga pa kaya yan, hindi pa nakabukas ang tinadahan eh nandyan na yata yan eh"
Tinignan ko si Lisa kung nagbibiro ba sya pero seryoso naman ang mukha nya
"O, sige mauna naku sayo Rose goodluck na lang sa love life mo hehehe"
Nabuksan nya na ang pintuan ng lumingon ulit si Lisa sa akin
"Tyaka tingin ko hindi sya masamang tao, nakikita ko kasi sa mga mata nya, hindi nagsisinungaling ang mga mata"
Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na agad sya
-End of Chapter 10
BINABASA MO ANG
Finding My Queen
RomanceA King only bow to his Queen 👑👸🎎 Find out how love changes everything💕 Completed: April 2017 Date started: March 2017 Revised: January 2020 Cover by @Strawberrymuncher Credit to FRUITESS graphic shop