Chapter 2

161 28 10
                                    

Chapter 2

3rd POV

Naglakbay ang Reyna Rose sa mahabang disyerto, sa mabato at delikadong gubat. Ilang araw din siyang naglakbay hanggang sa mapadpad ito sa maliit na bayan ng Danzo.

Pagod at gutom ang reyna nang makarating. Nakakita siya ng magandang bahay-tuluyan, doon ay nanatili ito ng ilang linggo.

Naisip niyang manatili sa bayan ng Danzo. Sinubukan niyang maghanap ng trabaho pero napakaliit na bayan lang ng Danzo, wala halos mga trabaho at kabuhayan ang mga tao.

Kabilang pa sa nasasakupan ng reyna ang bayan ng Danzo, sobrang nalungkot siyang makita ang buhay ng mga tao dito. Dahil sa malayo at masukal ang daan papunta sa lugar na 'to, hindi niya alam na may mga bayan pa lang katulad nito na hindi nabibiyayaan ng maayos na pamumuhay.

Halos buong buhay ng reyna ay may maayos siyang natutulugan, mamahaling damit at mga lamesang puno ng mga pagkain. Sa sobrang komportable ng buhay niya hindi na niya nagawang makita ang nangyayari sa labas ng palasyo.

Dahil may mabuting kalooban ang reyna, tumulong siya sa mga taong lubos na nangangailangan.

Isang araw habang pinapakain niya ang isang bata narinig niya ang bulungan ng mga dalagita sa daan.

"Hindi ako bingi ate! Narinig ko talaga na nawawala ang reyna. Pinapahanap daw ito sa buong lugar." Bulong ng isang dalaga.

"Paano kung nandito sa bayan natin si reyna Rose? Ano kaya ang magiging pabuya sa atin kapag nakita natin siya? Paniguradong limpak-limpak na salapi ang ibibigay sa atin, yayaman na ako."

"Ano kaba Linda! Naiisip mo pa yan, paano kung nahanap siya ng mga pumatay sa namayapang Hari't reyna?"

"Narinig ko ding magbibigay ng malaking pabuya ang Hari sa kung sino man ang makakita sa kinaroroonan ng reyna."

Umabot na ang balita tungkol sa kaniya at hindi malabong matunton siya o kaya may makakilala sa kanya sa lugar na ito.

Paikot-ikot siya sa kanyang kwarto, iniisip niyang umalis, sumakay ng barko at magpakalayo-layo. Nong gabing din 'yon ay pumaroon siya dala-dala ang kabayo niyang si Dina.

Bago pa man siya makasampa ng barko ay tinawag siya ng isang lalaki.

"Hoy! Ikaw miss." Tawag sa kanya ng pandak at medyo may katabaang lalaki, meron din itong maputi at mahahabang balbas, nasa singkwenta ang edad nito.

"Asan ang bayad mo?" Tanong nito kay Rose.

"Sandali lang po" sagot niya.

Pero nang buksan niya ang pitaka ay wala ng natirang salapi, naubos na rin ang mga alahas niya, binenta niya ito upang may maibigay sa mga tao. Ang natitirang kabayo na lang niya ang meron siya.

Tinignan niya ang pitaka at ang lalaki.

"Ano miss? Wala kang pera ano? Aba'y lumayas ka sa barko ko! Marami na kayong ganito ang diskarte, hindi niyo na ako maiisahan ngayon." Singhal ng matabang lalaki.

"Ang ganda ng kabayo mo ah!" sabi ng matabang lalaki bago pa man siya maka-alis.

Tinignan niya naman ang kabayo at nalungkot siya sa naiisip.

"Patawarin mo ako Dina, alam kong napakasama kong amo pero ito ang naisip kong makabubuti sa ating dalawa. Mas maaalagaan ka ng magiging bago mong amo."

Heto na yata ang isa sa mga pinakamalungkot na araw ng reyna, simula bata ay kasa-kasama na niya ang alagang kabayo.

Nakipagnegosasyon siya sa matabang lalaki. Naging maayos ang kanilang pag-uusap at naibenta nga ni reyna Rose ang kanyang kabayo sa halagang limang libo.

"Alagaan mo sana ang kabayo ko." Tugon nito sa matabang lalaki.

At sumakay na nga sa barko ang reyna, habang paakyat ay tinatanaw niya ang kabayong binenta niya lamang sa maliit na halaga. Para sa kaniya walang katumbas na halaga ang kabayo niya lalo na't inalagaan at minahal niya ito.

Maluha-luhang nakatayo habang tanaw sa di kalayuan ang alagang kabayo. Ilang segundo pa ay naglayag na ang barko. Unti-unti na ring naglalaho sa paningin niya ang buong lugar ng Agapius.

-End of Chapter 2

Finding My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon