Chapter 12
Isang linggo na rin ang nakalipas simula nong huli kaming mag-usap ni Cedrick
Simula din non ay hindi na sya nagpakita pa sa akin, hindi na sya nagparamdam pang muli
Pagkatapos kong malaman ang katotohanan, nakaramdam ako ng guilt sa sarili hinusgahan ko agad sya pinagsalitaan ng masasakit at tinaboy ko sya kaya ngayon nagsisisi ako ngayon
Halos araw araw akong lumilingon sa dating kinatatayuan nya sa kabilang kalsada, nagbabakasakali na makita ko sya ulit doon pero isang linggo na ang nakalipas pero walang Cedrick ang nagpakita
Hindi man lang ako makapagsalita sa oras na yun, hindi ko alam ang sasabihin dahil hiyang-hiya ako sa kanya
Ako ang sumira sa kung ano man ang mero kami, dahil mas naniwala ako sa kutob ko
Hindi ko agad sya pinagkatiwalaan, binalewala ko ang pangako namin sa isa't-isa
Napabalik naman ako sa katinuan ng siniko ako ni Russel na kanina pa pala ako kinakausap
"Rose, ay Queen Joanne pala hindi pa talaga ako sanay na tawagin kang Queen hehe"
Napakamot sya sa ulo at ngiting ngiti sya sa akin pero ako hindi ko magawang ngumiti
Binulungan nya ako "Kung ayaw mo syang mawala habulin mo na hanggang hindi pa huli ang lahat"
Tinignan ko naman si Russel na nakangiti pa rin sa akin
"Pero hindi ko alam kung nasaan sya ngayon, paano ko sya pupuntahan?"
Ngumiti naman ng nakakaloka si Russel
"Kung nakaya ka nyang mahanap sa loob ng apat na taon mahahanap mo rin sya, dyan mo sya matatagpuan"
Tinuro turo nya ang kinalalagyan ng puso ko
Kumunot naman ang noo ko.
"Seryoso ako Russel, alam ko namang nandito sya, at hindi sya nawala sa puso ko"
"Yon naman pala, ang pagmamahal mo ang makakahanap sa inyong dalawa"
Lumiwanag ang buo kong mukha halos hindi na makahinga sa pagkakayakap ko sa kanya si Russel, nagulat din sya sa ginawa ko
"Salamat sayo bespren pero meron lang muna akong gagawin"
Ngumiti ako sa kanya
"Kailangan ko munang buuin ang sarili ko para sa kanya"
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Russel
"Ngayong alam ko na ang totoo, sinisisi ko ang sarili, ako ang nagwasak sa amin"
Napayuko na ako at nanunubig na rin ang mata ko
"Rose hindi mo kasalanan ang mga nangyari, may mga bagay talagang dapat mangyari, hindi mo naman alam ang totoo di ba?, alam kong ganito rin ang sasabihin sayo ni Cedrick"
Naluha na talaga ako ng tuluyan
"Hindi ko kayang mapatawad ang sarili, nasaktan ko ang lalaking mahal ko, wala akong ginawa kundi saktan sya ng paulit-ulit, ang sama sama ko Russel, masama akong tao!"
Nilapitan naman ako ni Russel at niyakap ng mahigpit
"Tahan na, maiintindihan ka ni Cedrick, mahal ka non nararamdaman ko, kahit minsan ko lang syang nakita, tahan na"
------
Pagkatapos ng pag-uusap namin, pinagpatuloy ko pa rin ang nagtrabaho sa Tindahan
Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng School na pinapasukan
Mahigit isang linggo akong hindi pumasok, dahil sa nangyari
Sana lang may babalikan pa ako, gustong-gusto ko makapagtapos ng kolehiyo
Nasa tapat na ako ng kwarto kung saan ko una nakita noon si Cedrick bilang Derik
Bumuntong-hininga ako "Kaya mo to Rose!"
Pumasok na ako, nagsitigil naman ang kanina'y maingay na mga kaklase
Mabilis na kumabog ang dibdib ko ng makita si Cedrick na naka-upo kasama ang ibang mga lalaki sa likuran
Nagkatinginan kaming dalawa pero nag-iwas agad sya
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at naupo sa dati kong upuan
Wala namang nag-ingay, nararamdaman kong nakatingin silang lahat sa akin
Nandoon sila at narinug lahat ng sinabi namin nong nakaraan
Biglang pumasok ang guro, natuon na ang lahat ng atensyon sa guro na nagtuturo
Buong klase lutang lang ako, hindi ko magawang makinig ng mabuti
Naiilang ako sa presensya ni Cedrick, nahihiya ako sa kanya
Pagkatapos ng tatlong oras na klase nagsilabasan na kami
Nagpahuli na akong lumabas, nahihiya akong makipag-usap kahit kanino
Nang konti na lang ang nagsisilabasan, inayos ko na ang bag para umalis
Pero natuod ako sa kinatatayuan ng marinig ko ang pag-uusap nila
"Babe let's go na, gutom na ako"
"Sure tara"
Alam kong si Cedrick at Elisa ang nag-uusap
Pinahiran ko ang luhang biglang pumatak sa pisngi ko
Hindi dapat ako nasasaktan ngayon, tinaboy ko sya kaya ngayon wala akong karapatan para magkaganito
Binilisan ko ang pag-aayos ng gamit at agad na umalis sa lugar na yon
Pumunta ako sa lagi kong pinupuntahan
Kung saan ko laging sinasabi ang nararamdaman
Sa tabing ilog
"Ganito pala ang masaktan"
Hinayaan ko lang na bumuhos ang mga luha
"Ngayon huli na para magsisi! Nawala na sya sa akin"
Bumato ako ng isang bato sa ilog na nagpagalaw sa tubig
Nagtatalon naman ang bato sa taas ng tubig hanggang sa malunod na ito
"Ang sakit sakit! Ina Ama, hindi ko kaya ang sakit na to! Para akong mawawalan ng hininga"
Binato ko ulit ang bato sa tubig habang patuloy na umaagos ang mga luha sa pisngi ko
"Bakit ba ganito ang tadhana ko? Lagi akong iniiwan at ngayon pinakawalan ko ang nag-iisang lalaki na minahal ako"
"Ayoko ng maramdaman ang sakit! Hindi ko kayang makita sya na kasama ang ibang babae. Nagseselos ako Ama Ina"
"Mahal na mahal ko sya, mahal na kita Cedrick!"
Sinisigaw ko lahat ng gusto kong sabihin, dito ako pumupunta pag nalulungkot ako at kapag namimiss ko ang mga magulang
Gabi na pero naka-upo pa rin ako sa ilalim ng puno, pinagmamasdan ang tubig
Gusto ko ng wakasan ang buhay ko, wala ng dahilan pa para mabuhay
Hindi ko na alam ang gagawin
Hindi ko pala kayang mawala sya
-End of Chapter 12
BINABASA MO ANG
Finding My Queen
RomanceA King only bow to his Queen 👑👸🎎 Find out how love changes everything💕 Completed: April 2017 Date started: March 2017 Revised: January 2020 Cover by @Strawberrymuncher Credit to FRUITESS graphic shop