Chapter 5

98 25 3
                                    

Chapter 5

Bumalik ako sa Castopia ng may ngiti sa mga labi

Pinuntahan ko ang tindahan na sinabi ni Señior Ben, hindi ko sya nakita pero alam ko naman kung nasaan sya ngayon

Inaalala ko ang sinabi nya

"Rose Stone ang pangalang pinakilala nya, wala sya ngayon dito pero ibibigay ko sa iyo ang lugar kung nasaan sya sa oras na to, Sana maayos nyo na kung ano mang-away meron kayo. Gusto kong makita na sumaya si Rose, karapatan nyang lumigaya. Kasalukuyan syang nagtatrabaho sa bagong tindahan ko ng tinapay sa bayan ng Castopia"

Wala akong inaksayang panahon pinuntahan ko ang eskwelahan kung nasaan sya nag-aaral.

Nasa hallway pa lang ako eh dinumog na agad ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin.

Ewan ko ba bakit hindi sila napapagod na habulin ako kahit na hindi naman ako nagpapakita ng interest sa kanila

Nasa pintuan ako ng classroom

'Welcome back baby Derik'

'Hows your vacation honey?'

'Ahhh!! Baby Derik we miss you so much!'

'Did you miss us too?'

Pagkapasok ko pa lang dinumog na ako ng mga kaklase kong babae

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi nila dahil walang laman ang utak ko kundi ang makausap at makita syang muli

Ilang minuto pa nagsialisan na rin ang mga kaklase ko. Nakita ko ang bulto ng isang babae na nakatalikod mula sa akin

"Oh.. may bago na pa lang naka upo sa chair ko" pagkukunwari ko

Pero ang totoo hindi ko naman talaga upuan yun sinabi ko lang para mapansin nya ako

"Sa s-sayo ba tong upuan? S-sige sayo na, lilipat na lang ako sa iba madami pa naman dyan"

Nakayuko syang tumayo at umalis sa kinauupuan nya

Hindi ko na hahayaang umalis pa sya kaya hinawakan ko ang kanang kamay nya

"Sandali, saan ka pupunta??"
Tanong ko sa kanya

"Bakit hindi ka makatingin sa akin miss?"
Tinanong ko ulit sya ng hindi sya sumagot sa una kong tanong

Alam kong sya ang kaharap ko

Kilala ko ang babaeng mahal ko mula ulo hanggang paa

Gusto ko syang yakapin ngayong kaharap ko na sya pero nagpipigil ako dahil baka mabigla sya

Tinignan nya ako at nagkatinginan kaming dalawa

"Bakit ka umalis?"
Tanong ko na may ibang kahulugan

Tinatanong ko kung bakit iniwan nya ako bigla noon

Narinig kong nag-ingay ang nga kaklaseng nakarinig sa sinabi ko

"Lilipat ako ng upuan"

"Bitawan mo na ang braso ko pakiusap" hanggang ngayon hawak ko pa rin ang kamay nya

"Pasensya na pero hindi pwede" pagmamatigas ko

Ngayong nakita ko na sya hinding hindi ko na hahayaang mawala sya ulit sa paningin ko

"Mr. Leewichke sa pagkakaalam ko pagmamay-ari ko ang braso na hinahawakan mo kaya bitawan mo na"

"Ayoko baka saan kana naman pumunta Mrs. Leewiche" ayoko ng mawala ka pa muli

Nagulat sya sa sinabi ko

Mas lalong nagkaingay sa buong kwarto, nagbulungan ang mga nakakita, alam kong nagulat rin sila sa sinabi ko

"Pa-pasensya na pero Rose Stone ang pangalan ko, akin na ang braso ko!"

Tumakbo agad sya sa labas naiwan akong nakatulala, nang mahimas-masan ako sa nangyari hinabol ko sya nakita kong naglalakad sya kaya tinawag ko sya

Pero imbis na lumingon ay tumakbo sya ng mabilis

Wala akong nagawa kundi habulin sya

"Wag kang tumakbo! Baka matipalok ka! Wala ako sa tabi mo para saluhin ka"

Nag-aalala ako baka kung matumba sya sa pagtakbo nya

Nawala ang pag-alala ko ng marinig nya ang sinabi ko. Tumigil sya sa pagtakbo

"Kailan kapa natutong tumakbo? ang bilis mong tumakbo mahal na Reyna"

Hindi ko akalain na marunong tumakbo ang Reyna, napangiti na lamang ako

Pero kumunot naman ang noo nya

Mas lalo akong nanabik na yakapin sya

Sobrang namimiss na kita Joanne

Bakit ka ba umalis?

Pinagmasdan ko ang maamo nyang mukha, tila nagtataka ito, may gustong itanong ang mga mata nya

Hindi ko magawang sumaya sa oras na to, alam kong pinapahirapan ko ang Reyna

Mahal na mahal kita pero hindi man lang kita mayakap

Takot na takot ako ngayon, ayokong mawala ka ulit

"Bumalik kana aking Reyna"

Kailangan kita sa mga oras na to

"Sumama kana pabalik sa kaharian mahal na Reyna pakiusap"

"Hindi na'ko babalik kahit kailan, may sariling buhay na ako dito kaya bumalik kana sa kaharian mo at pamunuan mo sila"

"Pero kailangan nila ng Reyna at ikaw lang ang Reyna ng Amore "

At kailangan kita. Nasaan na ang pangako mo? Ang sabi mo hindi mo ko iiwan, bakit ngayon? Wala ka sa tabi ko




-End of Chapter 5

Finding My QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon