Chapter 11
Umalis na si Lisa at ako na lang ang natitirang tao sa tindahan, dito rin kasi ako nakatira
Sa likod ng tindahan may isang kwarto dito kung saan ako tumutuloy at nagpapahinga
Napaisip ako
Tama kaya si Lisa?
Pero kung wala syang balak na masama bakit nakatingin lang sya sa akin?
Bakit hindi sya pumasok gayun naman mayaman sya at kaya nyang bilhin kahit itong tinadahan ni Señior Ben
Sarado na ang tindahan at nakahiga na ako ngayon sa higaan ko
Naiisip ko pa rin si Cedrick pabago bago ako ng posisyon sa paghiga hindi pa rin kaya sya umaalis doon?
Hindi naman siguro sya tanga para manatili doon tyaka siguradong pagod na ngayon yun sa buong magdamag na pagtayo nya
Pero paano kung hindi pa yun umaalis? umiling-iling ako
Naalala ko ulit ang sinabi nya
"Handa akong magpakatanga para sayo"
Hays! Joanne naman wag mo na syang isipin pa! matulog kana at maaga pa ang pasok mo
Napatingin ako sa kisame
Umuulan!
Agad akong bumangon at kinuha ang payong ko na nakasabit sa likod ng pintuan
Pupuntahan ko sya baka kasi nandoon sya
At tama nga ako nakatayo pa rin sya doon, hahakbang na sana sya para umalis pero nakita nya akong nakatayo sa kabilang kalsada
Napahinto naman sya at tinignan ako
Lumapit ako sa kanya at pinayungan sya
"Hindi mo kailangan gawin ito Joanne, bumalik kana sa kwarto mo, ayokong magkasakit ka dahil sa akin"
Isang baritonong boses ang narinig ko mula sa kanya ramdam ko na nag-aalala pa rin sya sa akin, kahit na sya itong basang basa na sa ulan
Hinampas ko ang dibdib nya pero hindi man lang sya natinag
"Tanga ka ba! Bat hindi ka pa umuwi kahit alam mong umuulan na"
Kaming dalawa lang ang nasa labas at tanging ang ulan lang ang maririnig namin
"I'm just checking you bago ako umalis" mapait nyang sagot
"Umalis?" Tanong ko
"Babalik ako ng Amore, tama ka kailangan kong pamunuan ang mga tao, kailangan nila ng Hari"
Nalungkot ako sa sinabi nya
"Yan ba ang gusto mo?" Tanong ko
"Hindi ba't ito ang gusto mo?" Binalik nya ang tanong sa akin
Bakit ba ganito na lang ang nararamdaman ko?
Hindi ko na napigilan at lubusang dumaloy ang mga luha ko
Binitawan ko ang payong na hawak
Wala akong pakialam kung mababasa ako
Nataranta naman sya "Mababasa ka Joanne"
"Mahal mo pa rin ba ako?"
Tinanong ko sya na nagpatigil sa kanya
Nakatingin lang ako sa kanya
"You don't know how much I love you Joanne"
Nakita kong tumaas baba ang adams apple nya natetense sya sa tanong ko
"So bakit mo pinatay ang inosenteng binata? Isa lang syang bata na walang ka alam alam sa mundo bakit? Dahil ba nakita mong nagiging malapit na sya sa akin kaya pinatay mo sya dahil ayaw mong may kahati ka sa pag mamay-ari mo? "
Nagulat sya sa sinabi ko, kahit na basang basa na kami at nagmumukhang tanga sa sitwasyon namin ngayon
Wala na akong pakialam, gusto kong malaman mula sa kanya kung bakit nya ginawa ang karumaldumal na pagpatay
"You saw it?" tanong nya
"Oo nakita ko ang buong nangyari nagtago ako sa likod ng puno"
He hug me so tight pero nagpumiglas ako kaya nakawala ako sa pagkakayakap nya
"Nagkakamali ka sa nakita mo Joanne"
Awang-awa ang mukha nya
"Wag kang magsisinungaling Cedrick! dahil ako mismo ang nakakita kung gaano ka kalupet sa mga tao!"
Matagal ko ng gustong malaman kung bakit nya nagawa yun
Dahil paulit-ulit bumabalik ang sakit ng nakaraan
Hindi ko sya kayang mahalin hangga't hindi nya nasasabi ang dahilan nya
-End of Chapter 11
BINABASA MO ANG
Finding My Queen
RomanceA King only bow to his Queen 👑👸🎎 Find out how love changes everything💕 Completed: April 2017 Date started: March 2017 Revised: January 2020 Cover by @Strawberrymuncher Credit to FRUITESS graphic shop