*Allie's POV*
I was so surprised when she came inside the board room. I really didn't have any idea at all. Hindi ko rin 'to pinlano. Lately, with her, napapansin kong everything's going in my favor, or maybe hers na rin. Who knows?
So, tough girl pala si Aya dito sa office. But, with me, it seems like she's not. Like I said, I can handle her.
Pero kitang-kita today how despite her tough aura, sobrang masama pa rin 'yong pakiramdam niya. Oo, '...pa rin...'
<FLASHBACK>
Valentine's Day"No. I insist."
So, she inisted. Who am I to say NO to that, right? Matikman nga ang pinagmamalaki niyang pasta.
Nasa 17th floor ang 2-bedroom unit niya. The fresh smell of the room ang unang bumungad sa akin which was surprising kasi madalas, sa mga bahay or condo units ng mga ex ko, laging sweet, floral, or citrusy 'yong scent. So, this is new to me. Mukhang napansin niya 'yong iniisip ko.
"Nahihilo ako sa citrusy scents and malagkit sa pakiramdam ang sweet or floral scents. Sometimes, I go for wood or fresh linen scents."
"It's fine. I like it."
"Magbibihis lang ako real quick. If you need to use the bathroom, doon lang." sabi niya habang tinuturo 'yong door sa kaliwa pagpasok na pagpasok mo sa unit.
She turned the wall-mounted 52-inched HD TV on and nilagay 'yong pasta sa black microwave bago pumasok sa isang kwarto. Ako naman nag-CR muna.
Pagpasok mo sa CR, may lavatory with marbled counter with big rectangular mirror framed in gold. Walang kahit konting stain ang salamin. Ang linis and bango ng CR. Dito pa lang masasabi kong ang OC niya. Meron lang maliit na cactus plant sa white pot na nasa gitna tapos handsoap, paper towel, and tissue dispenser mounted sa left side. Sa right naman ang bathtub and may isang glass door before it, for the toilet.
Aakalain mo talagang nasa hotel ka sa CR niya. This is no joke, pwede kang matulog sa dito.
==========
Sobra ko yatang tagal sa CR dahil paglabas ko, nakaupo na siya sa sofa, nanonood tv, at kumakain ng spaghetti. Parang nag-slow motion ang lahat habang tinititigan ko siyang hinihigop ang spaghetti. Sarap na sarp siya.
Spaghetti na lang sana ako.
Shit! What the hell am I thinking?
"O, ang tagal mo namang mag-CR. Jumebs ka ba?" natatawa niyang sabi habang inaabot sa'kin ang plate of spaghetti ko. Sa dining table ako umupo while nasa sofa naman siya.
"Hey! Before you eat that, 'wag ka masyado mag-expect. 'Di ako mahilig magluto kaya pagpasensiyahan mo na." dagdag niya pa.
After ng isang subo,
"So you intentionally lowered my expectation huh? Pa-humble! It's good." sabi ko habang tatango-tango. Masarap naman talaga. Creamy and cheesy.
"Ayyyy, good lang?" disappointed niyang sabi tapos tumahimik na siya.
Natawa na lang ako ng palihim. Really, masarap ang spaghetti. It's one of the bests I've tasted. Ang sarap niya lang asarin.
"Talagang good lang? Grabe ka! Nakikikain ka na nga lang."
"Oops! Baka nakakalimutan mo, I did not invite myself in. You insisted, remember?"
Inirapan niya lang ako. Tumayo siya right after and nilagay ang maruming plates sa sink. Tapos, kumuha siya ng isang pint ng ice cream sa fridge and patuloy na nanood ng tv. She's watching an episode sa CI (Crime and Investigation) channel na 'di ko masundan dahil una, nasa CR ako kanina and 2nd, I was concentrating on my spaghetti and sa kanya.
Maya-maya narining ko na lang na nahulog ang kutsara niya. Tiningnan ko siya pero dineadma niya lang ito. Lumapit ako and nakitang nakatulog na pala siya.
I know she's not feeling well kaya 'di ko na lang siya ginising. Tinapos ko na ang spaghetti ko and hinanap kung saan ang bedroom para ilipat siya. Kawawa naman ang babaeng ito. Sa pinagdaanan niya today, she definitely needs rest.
==========
Para akong magnanakaw habang iniikot ang unit niya. I like her taste. Modern and minimalist. The interior's color play aroud shades of white, black, gray, and little accents of gold.
Opposite ng CR is her little kitchen. Most appliances are black - range hood, microwave, blender, toaster, coffee maker, even the fridge. Condiments are in mason jars with gold lids which are also neatly arranged sa hanging cabinet. Curiously, and intentionally trying to look for anything wrong sa babaeng ito, binuksan ko ang mga cabinet. Still, everything's organized.
The right door sa kanan ang kanyang walk-in closet. Clothes ay halos naka-hanger and arranged by color although karamihan ay black and white naman. Naka-arrange din ang footwear from boots on top to flats and slippers pababa. 'Yon ang mga nasa left side. Sa may window naman ang vanity mirror niya with all her brushes, palettes, and all.
Sa right corner naman ang laundry bin niyang puti. Next to it is a closed cabinet which contains, pambahay, pillow cases, blankets, towels, bras, and underwears. Pinagpawisan tuloy ako bigla seeing her lacey lingeries.
==========
Obviously 'yong kabilang pinto ang kwarto niya. Binalikan ko siya and sinubukang gisingin para mas mabilis siyang makalipat sa kwarto niya.
Pero, parang mantika pala siyang matulog. So I carried her to her room instead.
<End of Flashback>
BINABASA MO ANG
BLOOMING STREET [GxG] - Completed
RomanceWhen you thought guarded na 'yong heart mo and you've set your walls so high pero may nakapasok. Yes, that's what she did. She came in like a thief in the night when my guards were down and it was already too late for my heart to notice. Labanan ko...