Chapter 33 - Please Don't Go!

1.8K 73 5
                                    

*Aya's POV*

Nag-iinuman, video-k, and swimming pa ang mga bagets sa labas pero ako, andito na sa kwarto. Mainit kasi ang ulo ko. 'Di lang din ako mag-i-enjoy.

Narinig ko si Allie na naliligo sa bathroom pagkapasok ko. Kumakanta pa siya. In fairness, maganda ang boses niya.

Nawiwili ako sa boses niya nang may pumasok na bright idea sa utak ko. Hehehe

Aya, ano na naman 'yan?

"Ahhhhhhhhh!" tumili siya nang biglang namatay ang ilaw. Siyempre ako ang may pakana. LoL.

"Aya? Is that you?"

'Di pa rin ako sumagot. Narinig kong nagmamadali siya sa loob. Slowly, lumabas muna ako ng room. Sinakto kong tapos na dapat siya pagkapasok ko.

When I got in, nakita ko siya sa kama. Nakabalot ng kumot na pati mukha ay covered. Takot na naman siya.

Ang bully mo Aya.

"Allie, are you ok?" kunyari innocent kong tanong.

"Aya? Kakarating mo lang ba?" nanginginig na boses niyang tanong.

"Obviously. Bakit? Did something happen?"

At, kinuwento niya ang nangyari kahit alam ko naman na. Hihihi

"'Yan kasi nang-iiwan ka." sabi ko which leaves her confused.

Hindi naman na siya nang-usisa. Naligo na rin ako. Tulog na siya paglabas ko ng bathroom. I was facing the wall checking my final itinerary on my phone nang biglang may tumabi sa akin at mahigpit na naman akong niyakap. Hinayaan ko lang siya. Normally, ipu-push away ko siya. Pero, I let her. Kung bakit, hindi ko rin alam.

Nang  naramdam kong tulog na siya, I turn to the other side kasi nangangalay na rin ang kanang bahagi ng katawan ko. So, ngayon, kaharap ko na siya. I'm trying to get her hands off me pero, like the last time, mas lalo niya pa itong hinigpitan.

"Don't go. Please Cris, don't." sabi niya na mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa'kin. 'Yong tipong nagsasabing huwag-mo-akong-iwan.

Pero it was not me she doesn't want to go. Si Cris. Sino si Cris? May mga tanong na naman sa utak kong hindi masagot. Then, this is all wrong then. She's showing mixed signals I don't understand. I should not fall for her traps. Bakit siya iniwan ni Cris.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Hindi na rin ako nakatulog ng maayos. Questions are flooding my mind.

Why is she sending mixed signals?
May gusto ba siya sa'kin kaya niya ako pinansin talaga nung Valentines?
Pero, kung talagang gusto niya ako, bakit niya ako pinahirapan sa office?
Bakit ang cold niya sa'kin isang beses?
Bakit may pinapadalhan siya ng flowers every montn?
Bakit 'di niya masagot agad ang mga tanong ko, kahit pati 'yong sa pamilya niya?
Sino si Cris?

Sino nga ba si Cris?

==========

*Allie's POV*

Ang sarap ng tulog ko. Lalo pa't katabi ko si Aya. Pero, nagulat ako nang wala na siya sa tabi ko when I woke up. Wala ring kapeng gumising sa'kin. Her side of bed has already been fixed. Wala na rin ang mga gamit niya sa room. 9:31 pa lang ng umaga. 11am naman ang departure namin. Agad kong tinawagan si Dimple.

"Hello?!" matapang at mataray niyang sagot.

"Hi Dimple, Allie here."

"Ayyyyy, sorry po. Good morning boss. Sorry kagigising ko lang ulit. Bakit po?" agad niya namang bawi.

"Where's Aya?" walang paliguy-ligoy kong tanong.

"Ay, maaga pong umalis. Mag-aayos po raw kasi siya ng gamit. Bukas po kasi ng madaling araw ang flight niya."

"Ahhhh ok. Thanks." paalam ko.

Hindi man lang nagpaalam sa'kin si Aya. Pero, siyempre, bakit niya naman gagawin 'yon? Hindi naman siya obliged.

BLOOMING STREET [GxG] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon