*Aya's POV*
Laking gulat ko nang bumukas ang elevator at ang mas gulat pa sa aking si Allie ang nasa harap ko. Lumabas ako sa elevator bago pa man ito nag-close.
"Bakit ngayon ka lang? Where have you been Aya?!" galit na tanong niya.
"Ay, may checking of attendance na rin pala dito?"
"Don't be sarcastic Aya. Sagutin mo ng maayos ang tanong ko."
"I believe I don't have to."
"Remember Aya, I'm still your boss."
"You must have forgotten po, we're no longer in the office premises BOSS." putting emphasis on boss at tinalikuran ko na siya.
Ano ba kasing ginagawa niya dito? Naririnig ko ang tunog ng plastic niyang dala habang nakasunod siya sa likod ko. Talaga bang ako ang pinunta niya dito?
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko without looking at her habang binubuksan ang pinto ng unit ko.
'Di siya agad nakasagot kaya napatingin ako sa kanya. She showed me the plastics na dala niya.
"Aren't you going to let me in first?"
"Bakit naman kita papapasukin? Masyado ka nang feel-at-home ha."
"Mahigit isang oras akong naghintay sa'yo Aya. Grabe ka - "
"Sino ba naman kasing nagsabi sa'yo na puntahan ako dito?"
"Aya, nasa hallway tayo. No need to raise your voice."
"Makautos naman si BOSS. Wala na tayo sa office." putting emphasis ulit sa boss.
"Exactly. Wala na tayo sa office. So, let me in."
Natameme ako bigla. Oo nga, wala na kami sa office. Wala na rin akong nagawa to stop her dahil, bukas na rin naman ang pinto, dumeretso na siya sa loob. Dahil napalakas ang boses ko kanina, may mga ibang unit owners na rin ang sumilip para malaman kung anong nangyayari sa hallway.
Pagpasok ko sa loob, nakita kong inaayos niya 'yong pagkain.
"Hindi ka man lang nagtanong kung how long I have waited outside para dalhan ka ng pagkain at gamot. Ni wala ngang thank you man lang."
Kunot noo ako habang nagsasalita siya. Ahhhh. Concerned lang pala si boss. Pero bakit naman? She have done so much na for me. Ano bang trip nito?
"Tapos na akong kumain Allie."
"So itatapon ko na lang 'to? Pagkatapos kong mag-effort?"
Akmang liligpitin niya na 'yong pagkain when I stopped her.
"Akin na. 'Eto na. Kakainin ko na. Grabeng parusa 'to. Hanggang dito sa bahay may boss ako."
"Pagkatapos mong kumain. Inumin mo 'tong gamot. I just don't want another absent employee tomorrow."
'Yon ang huli niyang sinabi at biglang nag-walkout. Anong problema nitong babaeng 'to? Hindi nga ako umabsent nung first day niya. Tsss.
"Bwosss, twhank ywhouu and pakwi-lock nwang pwinto!" puno ang bibig habang ngumunguya ng pagkain na pahabol kong sigaw bago pa man siya tuluyang makalabas ng pinto.
{Author's Note: Alam ko hindi lahat nang nagbabasa nito followers ko. Pero I want to let you guys know na kahit iilan lang kayo na nagbabasa, nakakataba ng puso. Hindi naman kasi ako nagsusulat for fame. Natutuwa lang talaga ako when I write. Nakaka-happy. Kaya nga hindi ko minamadali. Pinag-iisipan ko ang content. Cheret! Pinoproofread din ni partner ang typos. LoL. Thank you again guys sa support. Paramdam kayo minsan. }
BINABASA MO ANG
BLOOMING STREET [GxG] - Completed
RomanceWhen you thought guarded na 'yong heart mo and you've set your walls so high pero may nakapasok. Yes, that's what she did. She came in like a thief in the night when my guards were down and it was already too late for my heart to notice. Labanan ko...