Chapter 67 - I Melted.

1.8K 91 6
                                    

*Aya's POV*

Nakatingin ako sa kanya while in the middle of my realization na gusto ko nga pala talaga siya. Napatingin din siya sa direction ko. She smiled.

I melted.

"Groufie naman tayo!" yaya ni Red sa lahat.

So, magkatabi kami ngayon ni Allie for the groufie while nagsisiksikan ang lahat magkasya lang sa photo. Mas lalo tuloy kaming napagdidikit dalawa. Nagkakaroon tuloy ng malice sa'kin. Kanina, parang cool lang naman kami. Ngayon parang nahihiya ako sa kanya.

"Tag ko na lang kayo." sabi ni Red.

Tuloy pa rin ang party. Nakaupo ako with my drink sa may counter. Nararamdaman kong papalapit siya. Lumalakas ang beat ng heart ko. OMG, here she goes.

"Dahan-dahan. Baka malasing ka na naman." bulong niya sa'kin na may halong panunukso. Malakas kasi ang music sa loob that's why she had to lean closer. Para tuloy akong nakuryente. Totoo pala 'yon.

Naalala ko rin at the same time nung huling beses na nalasing ako. Nakakahiya. Lalo na ngayong naconfirm ko na ngang like ko siya.

"I can manage." bulong ko naman.

So, habang busy ang lahat, nasa tabi lang kami, talking. I told her how Blooming Street started, about Red, comment sa food, music genre, and kung anu-ano lang. May mga bagay na agree kami pareho and some topics we kind of argued about pero nagtatawanan kami. Ang saya lang.

Just when I was wishing na 'wag nang matapos ang gabi, kailangan na naming umuwi. Of course, since wala akong dalang sasakyan, hinatid niya ako.

"Thanks Aya. I had a great night. It was more than just a dinner." sabi niya before ako bumaba sa sasakyan.

"No, thank YOU." pahabol ko naman.

Then, another awkward moment shared - nagkalituhan kami whether iha-hug ba namin ang isa't isa or what. Ang ending, nag-beso na lang kami.

Papasok sa condo, 'di maalis 'yong ngiti ko sa mukha ko. 'Tang ina this! Kinikilig ba ako? Shit! Kinikilig nga ako.

😊😊😊

It's been a while and I love the feeling. Para akong highschool.

==========

Bago matulog, I was on Instagram. There are some notifications. 2 of which are from Red. As expected, 'yong isa was the tagged photo, the groufie. The other one caught me by surprise. It was also a photo - a stolen one - of me and Allie laughing sa may counter kanina sa Blooming Street. The caption said: "Looking good together. 😍"

Nakakahiya talaga 'tong kapatid ko. Tatawagan ko na dapat but realized he was probably drunk dahil mukhang naparami 'yong nainom niya kanina.

I checked the photo again. Oo nga naman, we looked good together. I double tapped on the photo. Curiously, tiningnan ko na rin sino pa ang nag-like nito. Bigla namang nag-NO INTERNET CONNECTION ang phone ko. Kailangan ko pa tuloy i-restart ang WIFI and phone ko.

When I got back on IG, may Follow request. Muntik ko nang mabitawan ang phone ko. Yeah, si Allie. Inallow ko siyempre. I followed her back.

Minutes later, may ni-like siyang photo. 'Yon 'yong pinost ko kaninang umaga. Shit!

<Image: Hawak ko ang coffee against the white wall>

Caption: You sure know how to brighten my day. Thank you! 😉

Nag-comment pa siya. Wala na. Ang hiya level ko extreme na. Wala na.

Comment niya: Welcome.

1 word lang, just a word which has completed my day.

I melted, again.

😊

BLOOMING STREET [GxG] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon