Chapter 15 - Why?

2.3K 92 6
                                    

*Allie's POV*

'Di pa rin maalis sa isip ko ngayon habang nasa shower ang huling sinabi ni Aya sa'kin. Marunong din palang mag-thank-you ang babaeng 'yon. Humirit pa talaga ng utos. Ibang klase.

Nauutusan ka na pala ngayon Allie.

==========

Sa almost two weeks ko dito sa company, halos gamay ko na ang routine at ang trabaho itself. It's difficult pero madali rin naman. Strategic planning lang talaga ang kailangan.

Usually, I start my day with a cup of coffee. So, madalas, kahit may free coffee sa office, I still treat my team with a cup sometimes. Today, may pa-Starbucks ako. Sana today, Aya will take hers, drink it, and thank me.

Akala niya 'di ko napapansin. Ilang beses ko na kasing binilhan ng kape ang team ko pero 'di niya lagi kinukuha 'yong kanya.

Akala niya rin 'di ko napapansin na iniiwasan niya ako. Yes, we exchange emails. Pero, hanggang doon lang talaga usapan namin. Pini-ping ko rin siya minsa through messenger sa office namin.

<Flashback>

Feb. 18, 2015
[Allie 9:29AM]
Aya.

Ang bagal namang magreply.

[Allie 9:34AM]
Aya.

[Aya 9:36AM]
Yes?

Anong sasabihin ko? Wala naman kasi talaga akong kailangan. Gusto ko lang siyang kulitin. Simula kasi nang pumunta ako sa unit niya last Monday, iniiwasan niya na ako. If I ask her to hand me some files, tao niya 'yong pinapapunta niya sa'kin. Madalas si Dimple ang inuutusan niya.

[Allie 10:01AM]
Aya. I need the liquidation of our last offsite event.

[Aya 10:03AM]
Ok. I'll have Dimple hand it over.

[Allie 10:05AM]
No. Come over and give it to me. Need to personally tell you something.

[Aya 10:09AM]
Just tell Dimple about it. Thanks.

10:13AM
Magrereply pa lang dapat ako when Dimple knock on my door with a folder. Wala rin naman talaga akong sasabihin. Nagpapapansin lang.

I really don't know why I crave for her attention. Pero ito kasi 'yong tipong sobrang iti-treasure mo 'pag pinansin ka niya. Ibang-iba ang Aya sa trabaho kesa doon sa basang sisiw nung Valentine's Day.

[Allie 11:30AM]
Aya.

[Aya 11:37AM]
Yes?

Ang bagal talagang magreply. Wala naman na akong inutos sa kanay para maging sobra siyang busy.

[Allie 11:39AM]
What time ka maglalunch?]

[Aya 11:43AM]
Why?

[Allie 11:44AM]
Where?

[Aya 11:49AM]
Why?

Ganun na ba katagal i-type ang 'Why?'

[Allie 11:51AM]
Sabay na tayo.

[Seen Aya 11:56AM]

At, ganun na lang. 'Di na siya nag-reply.

==========

Feb. 20, 2015
[Allie 4:23PM]
Aya?

[Aya 4:25PM]
Yes?

Uhm, how am I going to say this? Nag-isip ako. Ang hirap naman.

[Allie 4:28PM]
Any plans for tonight?

[Aya 4:31PM]
Why?

Puro na lang ba talaga "Why?". Why is she so harsh? Why is she so cold? 'Yan tuloy pati ako napapa-Why na rin.

[Allie 4:33PM]
I just want to make sure na hindi ka nagmamadaling umuwi. Ayokong minamadali 'yong mga pinapagawa ko. Everything I asked to be submitted last Tuesday is due today.

[Aya 4:41PM]
I believe I have submitted all of them last Wesnesday. You have requested to revise some. Done. Submitted everthing yesterday at 1pm.

Oo nga pala! Shit! 'Di ko naisip 'yon. Wrong move Allie, very wrong! She's not like the other girls I use to fool around with. She's no dumbass.

<End of Flashback>

Feb. 23, 2017
[Allie 9:30AM]
Dimple. Come to my office now.

In less than 5 minutes, pumasok na rin si Dimple. Napaka-innocent tingnan ng batang ito. She must have gotten her name dahil sa dimple niya sa left cheek.

Kawawa nga 'to minsan kasi ilang beses ko na ring nakitang napagalitan 'to ni Aya. When she does, I don't meddle. Good thing she's not reprimanding her in public, because if not, makikialam na ako.

"Yes po boss?"

"Did you inform Aya I asked you to come over?"

"No boss. Should I tell her po ba?

"No need. I prefer it that she's not aware."

Buti na 'yong hindi niya alam baka magalit na naman at kawawa naman si Dimple na sasalo ng galit niya.

"I'm just wonderin', bakit hindi kinukuha ni Aya 'yong cup of coffee niya."

"Akala ko naman kung anong kailangan mo boss. Nakakakaba."

"So, bakit nga?"

"Hmmmmm. Ms. Aya doesn't like it lang po boss. Try Starbucks' Caramel Macchiato boss. She definitely can't resist it."

I leaned back on my swivel chair while playing with my pen and unconsciously, I smirked.

"Why boss? Do you like Ms. Aya?"

Nagulat ako sa tanong ni Dimple. Do I like her nga ba? Why am I doing this?

"Of course I like her. As a person, I like her. It's always good na ok kayo ng subordinates mo."

Ang defensive mo Allie.  Aminin mo na kasing gusto mo siya hindi bilang employee mo.

Nope. I don't like her like that. Ano ba 'tong pinag-iisip ng other self ko? I asked Dimple to leave pero nag-iwan siya ng makahulugang ngiti, teasing.

Do I really like Aya?

BLOOMING STREET [GxG] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon