*Allie's POV*
"Excited?" tanong ni Aya.
Oo. Sobrang excited ako. Company-paid out of the country event, choosy ka pa ba? Pero, 'di na ako nagsalita. Tumango lang ako.
<Flashback>
Nagulat ako that I was chosen to go to US. Napatingin ako kay Aya. She looked surprised din and happy for me. Pero there's something kakaiba sa reaction niya. Hindi ko nga lang maintindihan kung ano 'yon. Maybe, she's just sad na mawawala ako ng isang linggo. Ang assuming ko na ba?
==========
Finally, may chance na akong magrelax. Natapos din. 'Di na prolonged ang agony ko. Mahaba kasi ang pila kanina. Akala ko madadagdagan pa ang almost 5 hours waiting time. Halos lahat ng nakapila, before me, denied. Kaya sobrang anxious ako when it was already my turn. Hindi naman ako masyadong pinahirapan nung interviewer.
In 2 weeks time kasi, flight ko na papuntang US. Buti na lang, ang bilis lang ng interview ko kanina and na-approve ang tourist visa application ko - multiple entry pa. Lucky me!
Andito ako ngayon sa coffee shop waiting for Ms. Kaye. Hindi kasi kami sabay kanina. Nauna ako sa pila and nasa ibang line siya. Halos mag-iisang oras na rin akong naghihintay sa kanya.
"Allie..."
Pagkalingon ko, papunta na sa kinauupuan ko si Ms. Kaye.
"How was it Boss?"
She smiled pero umiiling. Surely, that's a NO.
Mukhang hindi niya naman dinibdib ang pagkaka-deny ng visa application niya. Well, maybe dahil kahit wala namang summit, kayang-kaya niya namang mag-out of the country anytime.
"Ok lang. I'll have Steph replace me instead."
No, not Steph please. Bakit 'di na lang si Aya? I can't imagine spending an entire day with her; what more if 5 days? Ngayon pa lang naiirita na ako sa thought. Kasi, nakakairita naman kasi ang pagiging annoying niya.
That annoying game? It doesn't work for everyone. Some annoyance is cute. Pero, when forced, it really gets irritating.
==========
Dahil on leave ako today para sa visa processing, I wasn't really required to go sa office. Pero dahil gusto ko siyang i-surprise, I patiently waited for her sa parking area. In an hour, tapos naman na 'yong shift niya.
Her car's parked next to mine. Leaning on my car with arms and legs crossed facing hers, tinitingnan ko siyang palapit sa car niya while she's busy rummaging her bag for keys maybe. She came into a sudden halt nang makita ako. Gulat na may halong pagtataka sa mukha.
"You're supposed to be on leave. What are you doing here?" she asked habang hinahanap pa rin ang susi sa bag niya.
"I waited for you. Dinner?" deretso kong offer which caused her to, again, stop whatever she was doing at umangat ang tingin sa akin.
"Sorry Al. Nakakagulat ka naman..." sagot niya while putting her left palm over her chest catching her breath.
Masyado ba talagang nakakagulat ginawa ko?
"...Wala ka naman kasing pasabi. I have other plans." dagdag pa niya.
To my dismay, after the long wait, 'di pala siya pwede. Minsan, surprises surprise you back. Most of the time, hindi nakakatuwa.
"Wait..." sabi niya which stopped me from getting into my car. "...samahan mo na lang ako."
Ano daw? Samahan ko siya. 'To talaga si Aya. My brain and heart are confused tuloy kung paano ipa-process ang mabilis na shift ng emotions ko.
Truth is, nalungkot talaga ako when she said na 'di siya pwede. Ano ba kasi 'yong other plans niya na mas importante sa'kin. Tsk. 'Di ko nga pala alam if importante ako sa kanya. Pero, nabuhayan ako ng loob now that she's asking me na samahan ko siya.
"Your car or mine?" tanong ko.
==========
"Saan tayo?" tanong ko while driving. So yeah, she chose mine.
Saan ba ang lakad nito? Baka gawin pa akong third wheel nito. That'll be awkward. 'Wag naman sana.
Bakit? Bakit kahit 'di ko pa alam saan kami pupunta, pumayag na ako agad? Alam ko namang hindi masamang tao si Aya. Pero, hindi rin naman kami too close to be too comfortable. Yet, I am already too comfortable.
😍
<To be continued (Aya's POV)>
BINABASA MO ANG
BLOOMING STREET [GxG] - Completed
RomanceWhen you thought guarded na 'yong heart mo and you've set your walls so high pero may nakapasok. Yes, that's what she did. She came in like a thief in the night when my guards were down and it was already too late for my heart to notice. Labanan ko...