Plastic - 6

594 8 0
                                    

Kathryn's POV

Tapos na kaming mag-usap ni Albie. Gumaan yung loob-looban ko.

Nag-absent siya para ma-comfort lang ako.

Alam niya kasi kung ano nangyayari sa pangalan kong binaboy ng ABS.

"Kath, I have to go. Tinawagan ako ni Mr. M eh. May workshop pala kami right now."

"Sge. Mag-ingat ka *sobs* Albie ha! Huwag mukong isumbong sa manager mo ha! Bak--*sobs*" pinutol ni Albie ang sasabihin ko

"Kath!" he cupped both my cheeks "Stop worrying of everything. Maybe... Wala kang ibang nagawa kagabi. Maybe, sisikat ka pa nga eh"

"Oo nga! Sikat ako. Ang viral na kaya ng pangala--" hindi ko yung natapos kasi nakita ko si mommy at daddy, galit na galit. Umuwi na si Albie kasi nakita niya yung tensyon sa mata ni dad.

Pumasok ako sa sala na parang batang inosente. Umupo akong nakayuko, napakagat labi ako kasi lumapit si mommy sakin maybe she's trying to comfort me. Nasa harap ko na si dad na napailing nalang at nakahawak sa waist niya.

"Explain what happened just last night. And where have you been? Bakit hindi ka nagpa-alam?" nanlaki yung mata ko. Dad wasn't informed? Lagot ako! Tiningala ko si mommy at binigyan ng 'explain it to him' look.

I explained everything. Ngayon niya lang nalaman na fangirl ako ng Exo. Eh, pati nga si mom at mga maids namin alam ito eh. Maids na namin yan ha!

"I TOLD YOU WHEN YOU WERE STILL A KID, NOT TO IDOLIZE PEOPLE TOO MUCH. IT'S A SIN, KATHRYN! MAGSIMBA KA SA DIYOS, HUWAG SA KANILA. MAG-ARAL KA NG FACTS ABOUT BUSINESS HUWAG FACTS ABOUT THEM. WHAT ARE YOU UP TO? IKAW ANG SUSUNOD NA MAGHA-HANDLE NG COMPANY NA PINAGPUYATAN NAMIN NG MOM MO PERO PARANG IKAW LANG MAKAKAPAGPAPA-LUGI NITO SA KA-BUSYHAN MO DIYAN SA BUHAY MONG EXO-EXO! WAKE UP, DUMBASS! WAKE------" sinampal ni mommy si daddy.

May namumuo ng luha sa mata ko, gusto kong umiyak na talaga pero parang kulang pa ata yung sinabi ni dad.

"HUWAG MONG IPAMUKHA SA ANAK NATIN ANG KAWALAN MO NG ORAS!"

"LOOK MIN! PINAGHIRAPAN NATIN TONG COMPANY. AKALA KO PALAGI IYANG NAKAHARAP SA PHONE NIYA PARA MAGHANAP NG SUGGESTIONS PARA SA RESORT NATIN, PERO NAKATUTOK LANG PALA SIYA SA CELLPHONE NIYA PARA SAMBAHIN YANG MGA KOREANONG IYAN!" akmang sasampalin na ako ni daddy pero nakuha agad ni mommy yung kamay niya.

"YOU DON'T EVEN UNDERSTAND HER. I KNOW YOU DO. MATAGAL NG IDOL NI KATH 'YANG GRUPONG 'YAN PERO NGAYON MO LANG ALAM? HUWAG MONG ISAMPAL SA KANYA ANG KAWALAN MO NG ORAS! I UNDERSTAND OUR DAUGHTER KASI PAMINSAN-MINSAN NALANG TAYO MAY BAKASYON O MAY ORAS SA KANYA, SA MGA INI-IDOLO NIYA NALANG SIYA NAGHAHANAP NG KASIYAHAN." napaluha na si mommy, ako rin ay hindi ko na napigilan luha ko "SADLY, BUT IT'S KINDA TRUE. I'M A BAD MOTHER, WE'RE A BAD PARENT TO HER, ARE YOU INFORMED WITH THAT?!" niyakap ko si mommy patalikod.

"No mom! Kahit kulang kayo sa oras hindi ko inisip na masama kayong magulang to me." umiyak na ako. Hinawakan ni mommy yung kamay ko at niramdaman niya. "Ngayon ko nga lang kayo ulit nakita na *sobs* mag*sobs* na magkasama, but why now mom? Bakit ngayon pa kayo nag-aaway ng ganito, sa harap ko pa. MOOOOM!" umakyat kasi si mommy sa kwarto niila, sinundan naman agad ito ni dad.

Sobrang bumalik sa utak ko yung nangyari noon. Ganito rin ito noon. Noon, masaya kaming magka-pamilya. Lalo na nung buhay pa ang pinakapaboritong anak ni dad na si Kuya Kevin. Kaya ngayon, takot na takot akong mag-away at magka-initan ng ulo sina mommy at daddy, baka kasi may mawala ulit.

Umakyat ako sa kwarto ko. Dumaan ako sa kwarto ni Kuya Kevin. Humagulhol ako ng humagulhol.

"Kuya, it has been 8 years since the last day. Bukas na yung birthday mo at araw ng pagkamatay mo. Silly right? I miss you so much, jerk. *sobs* Wala na akong kasama umiyak kung mag-aaway nanaman sina Tom and Jerry. Hehehe. *sobs* Kuya, please. I need your comfort right now. I'm in trouble, no one can comfort me like what you've done to me the last 8 years. I freakingly need you right now, kuya. Please come back. Please."

Plastic Fangirl: Operation [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon