Plastic - 19

406 7 0
                                    

Daniel's POV

Ilang shots din yung kinuha sa'min. Before pa nag picture taking ay kinabahan si Kathryn dahil hindi talaga siya sanay sa modeling. Tsaka hindi siya komportable sa suot niya kasi feel niya ang pangit niya do'n pero nag compliment naman yung management na bumagay daw sa kanya atsaka nagbanat rin ako sa kanya. Mr. Banatero ata to!

Pero totoo namang bumagay talaga sa kanya yung damit niya eh. Matapos sa isang outfit ay pinabihis kami ng iba. Natagalan medyo si Kathryn kasi iniba rin yung make-up niya.

Minamasdan ko siyang pumipikit habang mine-make-up-an siya. Tinignan ko talaga kung bakit nai-inlove ang mga tsunggo kong kaibigan na sina Jon at Xander! Oo nga't maganda siya, I can't deny the fact na parati akong nagagandahan sa kanya. Hindi ako nagsasawa sa mukha niya, but maybe things didn't work out so fine. Hindi ko talaga siya magustuhan.

Habang tinitingnan ko siya ay naaalala ko yung lullaby na kinanta niya sa CR no'ng first photoshoot namin together. Sino ba kasi siya? At bakit parang mayro'n akong naaalala? Bakit parang....ang hirap alalahanin? At bakit....isang bata lang talagang umiiyak ang makikita ko sa tuwing gusto kong maalala ang childhood days ko.

Oo, 'di ako nasiyahan...kasi may problema ako sa ulo at may sugat sa puso ko. Hindi ako pwedeng maglaro kaya si Bea yung buong kasama ko. May aksidente raw kasing nangyari sa akin, nahulog ako sa bangin at yun daw ang nangyaring bangungot sa buhay ko. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit nasangkot si Kathryn sa masamang bangungot? Siya ba tumulak sa'kin? Napaka-imposible naman...kung gano'n man sana ay sana may sentime-----yung lullaby.

Pumikit ako kasi gusto ko talagang mayro'n akong maalala. Gusto ko bago ako mamatay malaman ko yung tao...and I know only one person who can help me out. Si Bea.

May nagbigay sa'kin ng coffee na staff ng clothing company na'to. Tinanggap ko pero hindi pa rin siya umaalis sa harap ko.  Tumaas ang kilay ko at tiningala siya.

"Why are you h-here............bea?"

Bea's POV

"I know what's bothering you right now." nag smirk siya sa akin "I know anong plano mo kay Kathryn Bernardo.." pinisil ni Daniel yung kamay ko na nagpapahiwatig na maraming tao, na nandito siya.

"Then who cares kung malaman niya? Your fame cares, right?" hinila ako ni Daniel sa isang angle na tahimik. Wala masyadong nakakapansin sa'min kasi busy-ing busy sila panonood kay Kathryn.

"Ano'ng pakulo nanaman 'to, Bea? Why are you here?"

"I'm here to tell the whole world how coward you are for not telling the public that we had our relationship. I'm here to inform the whole world you're here to use Kathryn Bernardo."

"Bea..." niyakap niya ako pero umiwas ako.

"Daniel, A-i just want you ba-back to me. Pro-promise me a thing..."

"Ano 'yon?" tinignan ko si Daniel at nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa likod ko, alam kong nandiyan si Kathryn because why would he react like that, right?

"Ang manhid lang siguro ni Kathryn para hindi malaman na ginamit mo lang siya. Para sa career mo. I love you, Peter Ford. I love you Daniel. Just promise me you'll still love me kahit andiyan na si Kathryn. I know it's all a put up b-but please, don't and stop leaving me hanging I just can---" niyakap ako ni Daniel ng mahigpit para siguro manahimik ako, feel ko yung malalim niyang paghinga. "Ang manhid niyo dito sa New York para hindi malaman ang nakaraan mo.." I sighed.

Kathryn's POV

"Get ready! After 2 minutes, call time." tapos na akong mag make-up. Ang daming nakapalibot sa'kin, manghang-mangha sila sa mukha ko kaya pagtingin ko sa salamin ay gumanda naman pala talaga ako. Pero bakit kinabahan ako ng ganito? Gumanda lang ako, kabahan agad?

Plastic Fangirl: Operation [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon