Plastic - 11

565 5 0
                                    

Kath's POV

Binuksan na ni Julia yung pinto, nakasunod lang kami ni Enrique sa kanya. Para akong nabagsakan ng tatlong sakong bigas nung nalaman ko yung balita. Papasok na sana kami ni Enrique pero may biglang humatak sa braso ko.

At si Daniel Padilla iyon.

Nagpupumilit akong umiwas sa kanya pero ang lakas niya talaga ata.

Nag death-glare ako sa kanya, nag sarcastic smile naman siya sa akin.

"Hi Kath Bernardo." sabi niya ng pasarkastiko. Umusok bigla yung ulo ko, kitang kita nila Enrique at Julia kung paano nag-iba yung mood ko. "Isang nakakabingi naman na 'Hi' diyan, diba fangirl ka? Ang tahimik mo naman ata" ang dagdag pa niya. Aalis na sana ako kaso hinawakan niya yung braso ko.

"Oo, fangirl ako! At hindi sa'yo! Kay Kris! Kris ng EXO! Hindi sa'yo, okay? Huwag kang feeler. Dakilang hater mo ako. And please, leave me alone. Leave my soul alone!" magwo-walk out na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko. Ang kapal ng kupal na ito para hawakan ako.

"Leave your soul alone? Bakit ba? Soulmate ba tayo?" sa sobrang inis ko, naihagis ko sa kanya yung hard bound kong libro sa dibdib niya.

"HINDI TAYO MAGKA-SOULMATE! AT PWEDE BA? SIMULA NOONG SINUONG KO IYONG DARE NG KAIBIGAN KO SA AKIN AT NAKITA KO YANG MALAS MONG MUKHA, NAGKASUNOD-SUNOD NA YUNG MALAS SA BUHAY KO! YUNG MOVIE NIYONG 'BELIEVE IN MAGIC' NI BEA?! NAGPAPANIWALA KA DO'N? kUNG MAY MAGIC MAN SANA SA MUNDONG ITO, SANA NA-MAGIC NA NI GALAXY NA HINDI TAYO PAGTAGPUIN ULIT. MALAS KA SA BUHAY KO, OKAY?" tuluyan na nga akong naka-alis sa puder niya.

Pumasok na kami sa classroom, pero nakalimutan ko yung hard bound ko at pinulot ko iyon sabay belat sa kanya. Napalakas ko ata ng hampas yung hard bound ko kasi hinahaplos-haplos niya pa iyon.

xxx

Kinabukasan.

Natapos na ang lahat at lunch na. Hindi namin kasama si Julia kasi may practice sila for the cheering squad. Ni si Daniel ay hindi pumasok the whole morning dahil may pinag-usapan pa ata sila. Bwis*t!

Naaalala ko tuloy yung kaklase ko noon sa probinsya, mahilig siya tumae sa uniporme namin kaya palage akong inis na inis sa kanya, manliligaw ko eh. Ano pa ba inaasahan niyo na maging reaction ko? Eh syempre, mainis. Siya na nga ata yung first love (?) ko eh.

Ang baduy man pakinggan pero mahal ko siya. Dahil sa resolution na ginawa niya para magusuthan ko raw siya ang nagpabihag sa akin sa kanya. Yun ay ang hindi na pagtae sa uniporme niya, at nagawa niya naman iyon. Oo! Naalala ko si Daniel do'n sa kanya kase nakakainis siya!!!! Sobra!!! Ewan ko pero bigla ko lang na flashback sa isip ko yung kaklase kong 'yon, wala naman masyadong connection sa kanila diba?

"Hoy! Ano ba iniisip mo? Lutang ka yata!" nag-snap si Enrique sa mukha ko kaya nabuhayan ako. "Stop overthinking of him, start thinking of a handsome face like I have" nag wink at nag pogi pose pa itong si Enrique.

"Pweee! Nakakaumay mukha mo, atsaka ang swerte naman ata ng Padilla-ng iyon para isipin ko. Ha! No, pepwede."

Habang nag-uusap kami ni Enrique ay biglang dumami yung mga babae sa caf, yung iba sumisigaw at nago-over act. At alam ko na kung sino yung papasok dito. =______=

Nag give way yung mga girls kung saan pwede daanan ni Daniel Padilla, at ayun! Nakita ko yung mukha niya. Sobrang nakakaumay!!! @#$% Nagpapa-cute pa with matching remove your shades(multimedia). Yuck! Ano ba nakakakilig diyan? Mga ka-jejehan nga naman sa mundong bilog oh.

Biglang kumulo yung dugo ko noong papalapit na siya sa table namin ni Enrique, tinabi niya yung tray na may order naman at inupuan ang mesa. "Akala ko hindi na kita makikita ule" nag smirk siya "You really have to believe in magic, Bernardo" tapos ginalaw niya yung ilong ko at umalis na.

Panay 'Ayie' naman yung mga jejefantards na'to. Pumikit nalang ako at humingang malalim. Kath! Sayang naman yung cream mong ginagamit gabi-gabi para ma-stress ka sa panget na 'yan! Gumanti ka, asarin mo! Bawal magpatalo. Asar talo diba? Ugh!!!!

Kinuha ko yung bag ko at umalis. Dinala ko yung canned milo at inimbitahan sa Enrique, pero bago ako umalis naghabilin muna ako ng magandang mensahe kay Daniel Padilla, at alam kong sobra siya mai-inspire kapag narinig niya ito sa'kin. "Psssst! Hoy! Pssst! Daniel!" hindi talaga siya lumingon, ah. Tigas-tigasan ata gusto nitong bading na ito eh. Pumatong ako sa isang mesa dito sa caf, pinigilan ako ni Enrique pero hindi ako nagpapigil "Jejelord! Daniel Padilla! Please! Pansinin mo naman ako."

Lumingon siya sa akin na nakataas ang kilay "Daniel Padilla! Mahal na mahal kita. Ikaw ang inspirasyon ko sa pagtulog ng late para magkasing-laki na ang eyebags natin! Patay na patay ako sayo! Namamatay ako sa parang kutsilyo mong baba, Daniel. Parang palaging tinutusok ni kupido yung puso ko gamit ang iyong mataas na baba. Sana naman pansinin mo ang isang 'JEJEFAN' na nababaliw na sa isang 'JEJELORD' at ikaw yun Daniel! Sana malaman mo, kung ga'no kita gustong halayin! Halayin na parang hanger, ang payat mo na kasi! Nagmamahal, Kathryn 'Jejefan' Bernardo. And if case gusto mo ng trabaho sa bahay namin, wala kaming tuko. Gusto sana kitang i-hire para maging tourist spot naman yung bahay namin dito sa New York" at yun nakarinig ako ng iilang tawa sa mga fans at iilang bulongan sa mga loyal fans niya. Nag smirk ako at nag-bow ako sa mesa at umalis na kasama si Enrique.

Ang sarap sa pakiramdam maka-asar ng isang tao. Nakalabas ako sa caf na nakangiti. Whooo! Minsahe ni Enrique yung likod ko baka na-stress daw ba ako masyado. "Parang doon lang? Masi-stress ako? Hella no!"

May babaeng biglang lumapit sa akin at sinabing "You're Ms. Kathryn Chandria Bernardo right? The principal is seeking for your attention right now." tapos umalis na siya.

"M-ma-dedetention kaya ako neto, E-enrique?" kahit pilya ako, natatakot pa rin ako no. It's still my second day here pero ang sikat ko na, grabe *flips hair* sige na, nginig na nginig na ako dito eh.

"Okay lang 'yan, Kath. Kapag ma-detention ka, sasamahan kitang magmukmok sa kwarto mo." hinawakan ni Enrique yung kamay ko... hmp! Medyo nailang nga ako kasi, ngayon lang ulit ako nakaranas ng hawak kamay... ang tagal na rin kasi no'ng huli kaming nagkita no'ng kaklase kong tumatae.

Daniel's POV

Napahiya ako sa harap ng maraming tao dahil sa Kathryn Bernardo-ng ito, ULIT! Oo, malas na malas ako kapag nakikita ko mukha niya. Ano raw? Jejelord? Sinamahan ako nina Jon at Alex papuntang lugar kung saan kelangan kong ipalabas yung sama ng loob ko sa Bernardo-ng iyon.

Si Jon at Alex yung barkada ko dito.

"Whoah dude. Chill. She's just your nothing, right?" sabi ni Alex

"...but if--"

"I know what you're going to say Jon. So stop it because I might punch you..." nag-isip ako ng ibang prank para oras nanamang mapahiya itong Bernardo-ng ito.

"Bro... what if....

You'll court her............ for a revenge." ang sabi na lamang ni Alex sa akin.

---

#G2B11MagicalNightsLeft errr! <//////3 ayoko pang matapos 'tong kilig serye na ito eh. aish!

@imnicolegayle

Plastic Fangirl: Operation [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon