Plastic - 17

461 4 1
                                    

Kathryn's POV

Sobrang nababagabag ako sa message sa'kin ni Bea, nag-senti ako sa pool namin. Namasyal kasi sina mommy at daddy. Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko kasi parang ang bigat na ng problema ko.

"Ka-kath!" ang sabi ni Enrique sa akin.

"Ba't ka andito? What brought you here?"

"I accidentally saw Bea's comment on your status. I know your problems were over flowing right now. So, I've decided to come here. Nakita ko rin kasi parents mo nasa bahay namin kaya I took the opportunity to make it up, nagpakilala ako and I asked permission kung pwede bang puntahan ka."

Tumingin nalang ako sa pool ngayon. Sobrang ang laki ng binago ng buhay ko ng dahil sa ABS-CBN. "Minsan ko na nga lang masusubukan ang problema, pero grabe naman." tumawa ako ng konti kasi para medyo ma-relieve ako.

"Kath, gusto ko sana malaman t-to.." yumuko si Enrique kaya ay tinignan ko siya. Nangunot yung noo ko dahil hindi ko talaga alam kung ano gusto niyang itanong. "Kath...do you like Daniel?"

Nag smirk ako sa tanong niya "Hindi naman ako tanga, Enrique eh. Pero ewan, ang tanga ko para hindi pa ma-realize kung ano na ang meron sa kay Daniel."

"Hindi ka tanga? Eh bakit hindi mo naki---"

"Bakit hindi kita nakikita? Bakit hindi ko naramdaman pagmamahal mo? Ramdam ko Enrique, alam kong meron talaga akong puwang diyan. Ayoko lang mag-assume, ayokong dagdagan yung sakit ng ulo ko kaya ay binalewala ko--"

"Binalewa---"

"Hindi ko binawela, hinintay kong magtanong ka." Biglang natahimik yung atmosphere, nagkatitigan kami. "I'm sorry. But this will not work out." tatayo na sana ako pero hinigit niya ako kaya napa-upo ulit ako

"K-kath, why Albie? Why Daniel? Why not me?..." umiling nalang ako kasi talagang hindi pwede

"Pwede namang magka-ibigan lang tayo ha? Ayaw mo no'n? Mas masakit 'oag sasagutin kita kasi wala pa akong nararamdaman."

"Wala pa? So may possibility na magkakagusto ka sa akin?"

"Oo.... Baka...." yumuko nalang ako kasi naaalala ko yung mga lalakeng ginugulo yung utak ko. "Siguro.... Pwede." tumayo ako at tumayo siya.

"Hihintayin ko 'yun, Kath. Maghihintay ako." nakatalikod ako kay Enrique, alam kong naluluha siya. Lumingon ako sa kanan ko and from my peripheral view, ngumiti siya ng konti.

Aalis na sana ako kasi ayaw ko sa topic namin pero may pahabol siya. "Sana ma-realize mo na mahal mo na ako as soon as posible........ kasi ipapa-fix marriage tayo"

Napatigil ako sa paglalakad. Nanlaki ang mata ko. Akala ko sa libro at teleserye lang 'to mangayari at hindi sa'kin. Pero ano 'to?! Anong kag*guhan nanaman ba 'tong pinasok nina daddy?

Humagulhol ako at tumakbo palabas ng village. Oo, hindi ko pa kabisado ito dahil hindi ako sa New York lumaki pero may nalalaman naman ako rito.

Umiyak ako dito sa basketball court. Actually, sa bleacher lang. Bakit ang unfair ng buhay? Palagi na akong nakahingang malalim kasi hindi ko na kaya yung normal na paghinga lang. I cupped my face with both my hands kasi hindi ko na talaga kaya ang challenges na nangyayari ngayon.

Biglang may bola ang dumapo sa paanan ko, tinignan ko naman yung bola at may smiley. Kumunot yung noo ko at tiningala kung sino yung nagpagulong no'n... si Daniel pala. Bakit ang epal niya kapag gusto ko mag-senti. Pinahiran ko yung luha ko kasi nahi--

"Nalunod na buong New York sa luha mo, oohooo-ohhhp!!" nag-acting siya na nalulunod, tumawa ng konti tapos tumabi sa'kin. "Ano nanaman ba pinagda-drama mo?"

Plastic Fangirl: Operation [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon