3rd Person's POV
"Who is he? Kailangan makilala ko siya at ang pamilya niya." ang sabi ng kanyang ama habang kumakain sila.
"Dad, my mistake. In love ata siya sakin but I'm not returning it."
"But still, kailangan dumaan sa'kin. Who's that english bud?"
"Hay nako Teddy, bayaan mo na. Dalaga nanaman baby natin eh"
"No! Masyadong liberated dito. Dapat lang na ipakilala agad lalo na kapag Amerikano."
"Dad, papupuntahin ko siya dito if magko-confess siya, okay?" Tumango nalang ang parents ni Kathryn at kinabahan siya bigla. Alam niya naman kasi na hindi magko-confess si Daniel dahil hindi siya nito gusto. Palusot niya lang kasi ito sa dad niya "Dad, tuesday pala ngayon. We need to talk with Jules right now. Mauna na ako."
Umakyat agad siya sa kwarto niya. Kinapa niya bulsa niya pero wala rito ang cellphone niya. Hinalungkat niya bag niya't lahat na ginawa niya pero wala cellphone niya. Bigla niyang naalala na kinuha pala 'yon ni Daniel.
"Bakit ba kasi 'to nangyayari sa'kin? Bago lang tayo magkakilala, hindi kita idolo, kinamumuhian kita. Pero bakit gan'to? Dapat ay may gagawin na ako para makaiwas sa pag-iisip sa'yo pero bakit ikaw pa ang hadlang kung bakit hindi ko magawa ang gusto kong gawin? Gusto mo ba talaga akong guluhin? Ha?! Ano?! Sagooooooot!!!!!!!!!!!" sinabunutan niya ang kanyang sariling buhok dahil parang nalilito na siya sa nararamdaman.
"Anak? Si Daniel Padilla ba ang tinutukoy mo?" nanglaki ang mata niya, kahit nakatalikod siya mula sa pinto ay alam niya ang kanyang mommy ang kuma-usap sa kanya. "Siya ba?"
Tumabi ang kanyang ina sa kanya at kinuha ang kaliwang kamay ni Kathryn pero nakayuko pa rin ang dalaga dahil sa nahihiya siya dahil nahuli siya ng kanyang ina.
"Naku baby, kahit hindi mo sabihin, alam ko'ng litong-lito ka na. Alam kong habang inikot ka ni Daniel ay wala na sa isip mo ang Pilipinas... wala na si Albie...." tiningala ni Kathryn ang kanyang ina dahil alam na alam niya. At oo, nabigla siya dahil totoo namang hindi minsan dumagpi sa isip niya si Albie buong araw na kasama at nakita niya si Daniel
"Mo--"
"Don't say a word. Don't ask me a question. Alam ko because I'm feeling you my daughter. Anak kita, okay?"
"Ano ba dapat ko'ng gawin mommy? Ayoko sa kanya!"
"Huwag mo'ng iwasan, huwag mo ring hanapin. Because the more you get away of him, the more na mas lalambot ka. Dalaga ka na talaga anak!"
"Pero mommy, kinakabahan ako."
"Bakit?... nate-threaten ka ba sa nasabi ng dad mo? Na ipapakilala niya 'yon?"
"Yes mom. At... related siya kay Peter.... Peter Ford..." nanglaki ang mata ng mommy ni Kathryn dahil hindi niya alam kung ano dapat ang i-react.
"Hmm- anak, h-h'wag na na-natin b-balikan 'yan. Matulog ka na." nanginginig na lumabas ang kanyang ina sa kwarto ni Kath. Ang laki kasi nila ng utang kay Peter at baka dahil sa pag-iibigan naman daw nina Kath at Daniel ay magkitang muli si Peter at si Kath na siyang magsisingil sa utang na buhay nila sa kanya at masisirang muli ang kanilang pamilya. Pero kung pipigilan naman niya si Kath na ibigin si Daniel ay baka may samaan ng loob ang mamagitan sa kanila.
xxx
Matapos ang topic nina Kathryn at ng kanyang mommmy kagabi ay hindi masyado nang kumikibo 'yung mommy niya.
"Mommy, punta na ako! Late na kasi ako." nag-kiss siya pero tulala pa rin ang kanyang ina kaya ay nagpahatid nalang siya sa driver.
Pagdating niya mismo sa gate ay madalang lang ang tao at napaisip siyang baka ay walang pasok pero nakita niya si Enrique na may dalang cotton candy.
BINABASA MO ANG
Plastic Fangirl: Operation [KathNiel]
Fanfiction"Plastic Fangirling turning into reality? What?! More than just a reality?!" - Kathryn Bernardo. Book 2 (Link);; http://www.wattpad.com/story/15324231-get-my-idol-operation-pfo-book-2