Plastic - 16

425 6 3
                                    

Karla's POV

"Ma, hindi ba kayo naga-alala para sa gagawin niyong operasyon kay Kathryn?"

"Bakit naman anak? Hutek! Ang kulit mo, baka mahiwa ko 'tong kamay ko."

"Kasi ma, may posibility na si Kathryn at Katchi ay iisa."

"Sure ka ba na iisa sila?"

"At sure ka ba na hindi sila iisa?" napatigil ako sa paghihiwa, nag-iisip ako. May point si JC ah. Dumating bigla si Rommel. "Tito Meng, naaalala niyo pa ho ba yung muka ni Katchi?"

"Hindi masyado. Masyado akong nag-alala no'ng panahon na 'yon at no'ng trahedya ko lang naman siya una at huling nakita."

"Naku ma! Hindi natin hawak ang panahon, baka si Katchi at Kathryn ay iisa. Babalik nanaman kayo sa isang masamang panaginip ma."

"Tumahimik ka nga, JC! Natatakot ka lang mapanis laway mo kaya ka chikadora eh." nagpatuloy ako sa paghihiwa ng gulay. Pero medyo lutang ako. Tama si JC, wala sa amin ni Omeng masyado ang naka-alala.

Nag-mano lang naman siya sa amin eh nung sinundo nila kami patungo sa venue, pumasok siya ng CR at sa paglabas niya ay nagkagulo na. No'ng natamaan na si Peter ko ay kinarga niya lang ito at kinantahan which is hindi ko na kaya pang tignan yung mukha ni Katchi kasi pinipigilan ko si Omeng at yung papa ni Katchi, sobrang nasaktan ako ng inamin nilang dalawa na mayroong namamagitan sa kanila.

"Ma, ano pipiliin mo ma? Ang makaalala si kuya sa masamang panaginip? O... ang career niya.." ang sabi ni JC sa akin sabay ngumuya ng saging.

"Ewan ko sa'yo, JC! Ang bading mo kausap! Mag-usap nga kayo ng NBA ng Tito Omeng mo do'n sa sala."

"Tara na nga tito, KJ nito ni mama."

Naiwan akong mag-isa sa kusina. May point si JC, ayokong ipaalala kay Daniel na naging Peter Ford siya, kaya nga humiling ako kay Bea na h'wag magbanggit tungkol kay Katchi dahil minor lang naman ang amnesia niya at baka maalala niya pa. Sobrang minahal niya si Katchi, si Katchi yung tiga laba ng uniporme niyang may tae, palagi niyang kinekwento kay JC ng palihim si Katchi.

"Manang! Paki-tapos muna 'tong hinihiwa ko." hindi ko na kasi kayang mag-focus sa ginagawa ko kasi masyado akong na-bother kay Katchi at Kath.

Dumaan ako sa dalawang busy nanunuod ng NBA at pumaakyat na, pero bago pa ako makapasok ng kwarto, sinigawan na ako ni JC.

"At si Ate Bea lang ang makakasagot ng lahat, ma." napahawak ako sa door knob. Gusto kong sampalin si JC dahil sa mga sinasabi niya pero gusto ko rin naman siyang pasalamatan dahil habang mas maaga pa ay mailalayo ko si Daniel kay Kathryn kung sakali ay totoo man.

Humarap ako sa salamin at hinilamos ko ang kamay ko. Huminga akong malalim at hindi na nagpaligoy-ligoy pa, kinapa ko yung cellphone ko at tumawag kay Mareng Eva na ina ni Bea.

[Oy Mareng Karla, kumusta na?]

[Eto nasa New York mare pero sinusundan at binabagabag pa rin ng problema.]

[Problema sa pera ba 'yan, mare? Naku! Eh sa charisma ni Daniel makakalikom at makakabili ka muli ng Gucci no]

[Hindi ko na kinokolektahan ng tong si Daniel, nakakaawa na. HAHAHAHA! Pero asan ba si Bea? Gusto ko sanang magtanong sa kanya.]

[Teka, tawagin ko lang ha! Bea! Tita Karla mo, tumatawag! Sandali lang mare ha, oy ito na pala.]

[Bea, gusto ko sanang magtan---]

[Tumawag kayo kasi may kailangan kayo? Ha! Asa kayo. Sorry ka tita. I'm so over your son, wala akong paki-alam sa inyo. And please stop. Tumigil na kayo sa pagtatanong sa'kin tungkol sa nakaraan ni Daniel. Mas pinili niyo 'yan diba? Panindigan niyo! Alam ko kung anong bumabagabag sa inyo ngayon at ako ang susi. But I'm not giving keys because I don't have duplicates.]

[Bea! Gus---]

Pinutol ni Bea yung tawag ko. Tama siya. My mistake. Tingnan mo, Karla. Ikaw ang nag-utos kay Daniel na isunod ito. Eh ngayon, nganga ka na?

*tok tok*

"Ma? Si Daniel ho ito."

"Pasok nak." tinago ko yung cellphone sa cabinet at umupo na sa kama. "Kakarating mo lang?"

"Oo ma. Hmm, ma. Naba-bother na po ako sa isang tao. May tanong lang ho ako."

"Ano 'yon anak?"

"Please be honest ma ha?"

"Sa abot ng aking nalalaman, ano 'yon?"

'Sino AYYYYY!--leshe" napasigaw si Daniel kasi bigla kaming ginulat ni ni JC.

Magtatanong ba siya kung sino si Peter Ford? Sobrang hindi na ako mapakali ngayon. Pero pano niya naman nakikilala? Napaniginipan niya ba?

Kathryn's POV

Binuksan ko yung facebook account ko at nakita ko ang message box ko, 135 messages nalang ito kasi pinalitan ko ng Kathy Manuel pero may ibang fans pa rin ni Daniel ang nakakakilala.

Pati ang aking bestfriend na si Julia Mara Schnittka Montes ay nakikilala pa rin ang account ko kahit pinalitan ko na. Nag-message pa nga siya sa akin eh. Panay sorry siya pero hindi ko pa siya kayang reply-an.

Nag-status nalang ako.

Forgiven...not forgotten.

Unang nag-like 'yung fan ni Daniel, alam ko kasi Display Picture niya si Daniel eh -,- Biglang nag-like naman din si Enrique at nag comment

Cheer up, Kathy. :* See you tmr.

Ni-like ko nalang yung comment niya tsaka nakita ko si...

ASDFGH PODOLLO na nag-like at nag-leave ng comment.

Hope your feeling better now. I'll fetch you early and I don't want to see your eyebags! It's annoying me, you're too beautiful with it. :)

Oo, alam ko kay Daniel na account to. Alam kong hindi niya pinapaalam kahit kanino na ito account niya. Kaya nag-text nalang ako.

Nag-out ako sa facebook, at humiga sa kama ko. Nag-scroll ako sa albums ko at nakita ko yung picture namin ni Daniel sa Park & Pond na siya mismo nag-shot. Nakita ko rin yung picture ko with Enrique kaya ay nag-edit ako na magkatabi 'yon at pi-nost sa instagram.

Thank you to these trusted boys. Boys are cool. \m/ Sorry if your collars ran dry, I just can't help it! xoxo @euqirne @agentyellow

At panis! Ang daming fans ni Daniel ang nag-like. Bumalik ako sa facebook at baka ay nag comment si Julia or di man lang si Albie.... pero mali! Si Bea Binene ang nakita kong nag-post sa timeline ko.

Bea Rose Binene-Ecleo-Santiago

Hi Childhood 'Nightmare' Bestfriend! This is your so cool playmate before, Bea Rose Santiago! Hindi mo na kilala? This is me! Ang ganda ko na no? Grabe kasi mga pangyayari habang wala ka. Pero no'ng bumalik ka, I really just can't believe how my boyfriend turned back at me for HIS CAREER. Tinalikuran niya ako para sa'yo, actually let's get it up straight, PARA LANG SA KASIKATAN niya. Kilala mo naman kung sino boyfriend ko diba? Kung sino ka-MU ko ngayon. Don't act dumbfolded right now. Kasi nasa akin ang lahat ng gusto niyong malaman diyan sa New York. Asking where Peter Ford is?... This is not yet the time para mag-drama ka nanaman! Don't worry, ikaw ang unang makaka-alam kung sino na talaga siya ngayon *smirks* Goodbye FLIRT!

Si Bea ba talaga ang bestfriend ko noon na sikat na ngayon? Sa'n na ba si Peter? Gusto ko siyang makita. Hindi pa siya patay sa pinapahiwatig niya sa message niya. At para sa career ni Daniel? Ako?! Oo, alam kong pinaghahanap ako ng ABS-CBN pero ginagamit ba nila si Daniel para mas madali ang paghahanap sa akin?

Ang dami ng tanong ang namumuo sa loob-looban ko. Ano ba talaga?! Gusto ko nang malaman yung totoo. Ayokong maging bulag! Ayoko!

xxx

Hi Guys! I'm planning for a maybe 35 chapters lang. Gusto ko na itong tapusin kasi. Bahala na'ng walang masyadong nagbabasa basta maibahagi ko ito. Ge. :"

At tungkol sa multimedia, wala na talaga akong maisip na anog scene ilagay ko kaya ay naghanap ako sa google, pero wala talaga eh! Pero ETOOOOOOOO! GRABE KINILIG AKO! OO, CAPSLOCK IS INTENSITY! GRABE TALAGA 'TO! SCRIPTED BA 'TONG PAGHALIK NI KATH?! KASI KUNG HINDI, OKAY. PWEDE NAKONG MAG WORLD WAR 3 DITO! ASDFGHJ :D

@imnicolegayle

Plastic Fangirl: Operation [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon