Plastic - 9

576 8 2
                                    

Kath's POV

Andito na kami sa New York. Dala ko yung phone ko at yung binili kong alpaca toy na baby ni Kris (Exo).

A/N: Sino exo stan plus Kris biased dito? HAHAHA! Dapat alam niyo bakit bitbit niya si Alpaca (ACE)

Pinabili ko pa ito kay mommy sa Hong Kong. Wala kasi ito sa Pilipinas.

Pagdating ko dito sa New York, napahinga akong malalim.

Ang bango dito. Ibang-iba sa hangin ng Pilipinas. Pero it's more fun in the Philippines naman talaga eh.

Hinawakan ni mom yung kamay ko "Kath, let's begin our new life here... together" sabay halik sa noo ko. Aaminin ko, excited na ako sa bagong buhay ko. Thou may onting mami-miss ako, but I have to face my new life here na walang sagabal.

May kumuha sa amin ni mom sa airport. Patungo pa kami sa bahay.

Medyo nagka jet-lag ako, hindi kasi ako sanay. Once pa lang ako nakapunta ng ibang bansa no. Ngayon lang.

Nilagay ko yung sim ko na pwede ng makatawag sa Pilipinas. Tinawagan ko kaagad si Julia.

Calling Julia...

Calling Julia...

[Julia decline the call]

Hala! Matawagan nga ulit. Baka iba lang yung napindot niya.

Julia's POV

Andito ako sa kwarto ni Albie. Something really wrong just happened.

Pumunta ako dito para i-comfort siya but something bad really happened.

Pinulot ko yung damit ko at akmang tatayo na para magbihis. Sobrang awkward na talaga tignan ni Albie ngayon, ayoko siyang makita. Nahihiya ako sa nagawa ko.

Kung malalaman man ito ni bess alam kong sasabihin niya sa akin na fourth year high school palang ako, ang landi ko na.

Tae kasi Julia, matangos naman sana ilong mo pero bakit ang lambot mo? Putek Julia! Kailangan malaman talaga ito ng bestfriend mo! Kailangan niya! Pero bawal, Jules. Ano ba talaga kasi itong pinasok mo Julia! Hindi mo dapat sabihin kay Kath kasi masasaktan siya. You don't need to tell her. Okay, all fixed up. Don't tell her.

"J-julia, are you f--" hindi ko pinatapos si Albie.

Nagkaka-goosebumps ako sa tuwing hinahawakan niya ako. Tae naman kasi eh.

"No, fine with me. Please don't tell Kat---"

Calling Unregistered Number...

Calling Unregistered Number...

I declined the call, alam kong galing kay Kath iyon kasi alam kong mauutal ako at alam kong malalaman niyang nagsisinungaling ako. Ako lang yung bestfriend niya and also me in return.

Biglang nag-video call na si Kathryn sa Skype Account niya.

Nilingon ko si Albie at tinignan niya yung screen. At binigyan ako ng 'Sagutin mo na' look. Umupo ako sa couch at sinagot yung tawag ni Kathryn.

"Hi Kath!" panimula ko. Parang nasa car pa ata siya at bumaba ng car. Pinakita niya yung buong kabuoan ng bahay nila. Hindi ko kayang maging masaya habang niloloko ko yung bestfriend ko. Pumasok siya sa kwarto niya at pinakita sa amin ni Albie, kinuha ni Albie yung phone ko at nag-usap sila. Ang saya ni Kath pero alam ko may lungkot.

"Paki-bigay kay Julia, Albie. Matutulog na rin kasi ako after this!" binigay ni Albie sa akin ang phone ko.

"Bess! Bakit ang putla mo? Hindi ka ba kumakain? Sobra mo ba akong na-miss? Naku bess ha! Ikaw! HAHAHA! I love you bess, miss na rin kita. Hoy Casiño! Paki-alagaan yan! Kapag iyang bestfriend ko tumaba pagbalik ko diyan! Kukutas talaga kita. Joke lang Albie! Atsaka bess, paki-bantayan din iyang mukong na 'yan ha? Mahal ko yan! Kapag iyan nagtaksil, sabihin mo agad sa akin. Kalbuhin mo agad ha? I love you both. I'm missing you already. Mwaaah! (multimedia). Bye!!" pinutol na ni Kath yung tawag. Sobra akong nanghina habang sinasabi sa akin iyon ni Kathryn.

"a-alis na ako" sabi ko kay Albie.

"kalbuhin mo na ako" ang sagot niya nalang sa akin.

Bea's POV

"Mom, I really want to follow him" sabi ko kay kay mama.

"hibang ka ba, Bea? Ang daming trabaho ang naghihintay sa'yo dito"

"EH KAY DANIEL BA? WALA? EH BAKIT SILA NAPUNTA NG NEW YORK EH MAS MARAMING PROJECTS PA NAMAN ANG NAGHIHINTAY SA KANYA!" nasigawan ko si mama. Alam kong hindi dapat ako nag-react ng ganoon pero nadala na rin ako sa nadarama ko ngayon.

"ARE YOU THAT DESPERATE, BEA?! HINDI KA NA GUSTO NI MA'AM CHARO PARA KAY DANIEL!" nabigla ako sa nasabi ni mama, akala ko joke lang para matigilan na ako sa pangungulit sa kanya pero may namumuo na talagang luha sa mga mata niya "KAYA PUPUNTA SILA SA NEW YORK DAHIL MAY KUKUNIN SILANG PANGPALIT SA'YO! TAMA NA KAHIBANGAN MO KAY DANIEL. PINAPAIKOT KA LANG NIYA!" napakagat ako ng labi at napaiyak talaga ako.

"m-ma, alam ba i-ito ni Daniel?"

"oo, alam na alam niya. Siya mismo nagsabi sa akin....... para ipasabi sa'yo." gusto kong ipamasag itong vases na nakapalibot sa akin ngayon pero niyakap ako agad ng dalawa kong kuya at isa kong ate. Si mama ay di magawang ipatahan ako kasi mismo sa sarili niya ay iyak na iyak na siya. "kaya, huwag mo nang sundan si Daniel"

Pumunta siya sa New York para sa sarili niya. Para ipagpatuloy yung career niya at para maiwan ako. At heto nanaman si ako na binulag nalang ng mundo, nagpapaka-desperada pa rin sa kanya.

Nang dahil sa lintek! Mag-iiba ang istilo ng buhay ko. Hindi ko pa nakikita itong Kathryn Bernardo na ito, kinuha ko yung iPad ko at nag-twitter. Trending pa rin sila ni Padilla. Kahit masyadong wala na akong energy at halos hindi na mapindot yung screen ay kinaya ko pa rin nung dapat ay pipindutin ko na yung name ni Kathryn Bernardo.

*click*

O__________________O"

This is hella not true. Hindi ito totoo. Hindi niya ako pwedi traydurin.

"Bey, sabi ni mama..................." hindi natapos ni ate yung sasabihin niya nung nakita niya si Kathryn Bernardo sa screen. "hindi, kamukha niya lang iyan, bey."

Daniel's POV

I heard kahapon nakarating sina Bernardo dito sa New York. Andito kami ng buong family ko. Si Lelay, JC, Magui, Mama Karla at Papa Rommel.

May kumuha sa amin sa airport at ihahatid kami sa bahay namin. Tapos na yung papers ko para sa pag-aaral ko and I bet... may uniform na ako sa bahay.

"Daniel, are you sure this operation will be easy?" sabi ni mama sa akin.

"Ma, hindi dahil nasa New York tayo ay mage-english kana" ayun, nabasag yung katahimikan sa joke ni Magui. Pati yung driver na pinoy ay nakitawa na rin. Medyo malayo pa ang byahe kaya ay nakapansak na ang aking earphone sa aking tenga at nagbukas ng message na sa Pilipinas ko pa dapat mababasa

From: Bea

How dare you, Daniel. Nasabi sa akin lahat ni mama. Wala kang hiya! Walang utang na loob! Galit na galit ako sa'yo. You didn't even call me before ka umalis. Let's end this, casanova! Bumabalik ka naman sa iyong ugali. Iniwan ko na at lahat ginawa ko para maibalik lang yung memorya mo nung tayo ay bata pa, iniwan ko ang probinsya para maalala mo ule' ako dito sa Manila tapos ngayon, ikaw ang mang-iiwan? Hindi dahil sikat ka pa rin ay hindi kita iiwan. I'm sorry Daniel. Pero hindi na maaari ito. Let's end. xx

And wait, si Kathryn Bernardo? Ang sadya mo diyan sa New York? Maghintay ka lang sa malaking rebelasyon na malalaman mo. Just wait for my sweetest revenge xx

At heto nanaman si Bea, alam ko natopakan nanaman itong babaeng ito. May sakit siya. Sobrang bipolar ng ugali niya. Gusto niya kunin ang lahat, pero kapag hindi niya makukuha, mangba-blockmail o mang-gagamit ng ibang tao. But somehow... parang gusto kong maniwala sa kanya.

"Nak! Andito na tayo" niyugyog ako ni mama, nandito na pala kami sa lugar na titirhan namin.... at panaginip lang pala iyon.

Kinapa ko yung cellphone ko at meron ngang text...

Galing kay...

Barbie.

xxx

#G2B13DaysLeft Gusto ko mangiyak. Huhu. Ayoko sa ugali ni Ry--ay Joaquin pala! Huhu. Sarap kutusan ni Juliana! Urgh.

Voment.

@imnicolegayle

Plastic Fangirl: Operation [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon