Special Chapter - Kathryn

587 10 0
                                    

Kathryn's POV

Pinagpawisan na ako kakaantay do'n sa mga model na 'yun. Pumunta muna akong CR para mag-senti. Oo na't nami-miss ko na yung batang iniwan ko lamang bigla sa ere, 'yung batang may malaking utang yung pamilya ko. Pumikit ako at humingang malalim. Tinitigan ko mukha ko sa salamin at naghugas ng kamay sabay kinanta yung lullaby na kinakanta sa batang gusto kong makitang muli at humingi ng tawad.

♫ Sleep my child and peace attend thee,

All through the night.

Guardian angels God will send thee,

Soft the drowsy hours are creeping,

Hill and dale in slumber sleeping,

I my loved ones' wa--

"Stop singing" nabigla ako no'ng biglang sumulpot si Daniel sa female's CR, kahit na't ako lang ang andito pero ang awkward kaya

"You're not allowed here." ang sungit kong sabi at tumalikod sa kanya "Bawal ka dito, tagalog 'yan"

"Why are you singing that song?" humarap ako kay Daniel. At grabe yung kuryenteng nasa mga mata niya "Anong meron sa kantang 'yon?" pinasandal niya ako sa may wall ng CR at nilapit niya ng konti yung mukha niya.

"B-bakit? Ba-bawal bang kumanta ng lulla-lullaby h-ha?" halos mangiyak na ako no'ng naaalala ko 'yon.

"Who are you when you're still a kid?" ang tanong niya sa akin na nasa pagalit na tono. "Sino ka?!" niyugyog niya ako sa CR pero ako panay iyak na ako dito. Iniwan niya ako dito at umiyak na.

~flashback~

Bago kami sa subdivision na ito, umiiyak ako ngayon kasi mami-miss ko sina lola sa Manila. Dito kasi kami sa probinsya kung sa'n magta-trabaho sina mama at papa (Mahirap palang kami.)

Umiiyak ako ngayon yakap-yakap ang teddy bear na bili sa'kin ni lola do'n sa Maynila. Mugtong-mugto 'yong mata ko at gulong-gulo na 'yong buhok ko.

"Cha! Ali ka na" ang tawag sa akin ni kuya kaya'y lumapit ako sa kanya at kinompronta niya ako. "bukas na 'yung birthday ko, hindi ka man lang excited?" umiling ako "aish. magtatampo ako, wala talagang birthday na mangyayari bukas, sige ka" hindi ko pa rin pinapansin si kuya kasi nakaka-asar talaga. "may ice cream bukas!" kaya ngumiti ako't niyakap si kuya, siya lang talaga yung nakakapagpapagaan ng loob ko kaya ay tumabi muna ako sa kanya sa pagtulog kasi sobrang nagtatampo talaga ako kayna mama at papa.

-kinabukasan-

Wala pa rin kaming friends ni kuya until now kasi mga sossy lang ata yung mga gusto nilang i-friends. "dahil sa inyo to mama eh" ang sabi ko kayna mama at papa na nanunuod ng TV, hinihintay namin si kuya na umuwi galing practice ng soccer at school

"why anak? Mas malaki pa naman ito'ng bahay natin ah?" hinaplos ni mama yung buhok ko

"EH KASE, YANG MAMA MO GUSTONG ANDITO TAYO DAHIL ANDITO YUNG EX NIYA, YUNG KABIT NIYA!" galit na tono ni papa, nabigla naman si mama kaya'y umakyat na ako sa itaas.

Medyo matagal rin bago umuwi si kuya at hindi niya pa rin ito napigilan "Sa'n si Kath?" patuloy pa rin sa pag-aaway sina mama at papa, tinatapon na ni papa yung vases. Nakita ako ni kuya na naka-bulukot ng kumot sa may second floor na nginig na nginig. Niyakap agad ako ni kuya.

"Cha, huwag ka nang matakot, okay?" niyakap ko si kuya kasi takot na takot ako. Umakyat si papa sa taas at pumasok ng kwarto. "Hay nako sa mga parents mo, Cha. Walang katapusang bangayan nanaman nina Tom at Jerry" tiningala ko si kuya at tumawa siya, I pinched his skin at napa 'Aww' siya.

"Ha-happy 13th Birthday K-Kuya Kevin Chad Bernardo. I love you, kuya" hinalikan ni kuya yung buhok ko habang naka-yakap pa siya sa akin at ako rin sa kanya.

Plastic Fangirl: Operation [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon