PROLOGUE

10.1K 136 10
                                    

Kasalukuyang inaayos ni Kathryn ang damit ng isusuot ng kanyang asawa para sa trabaho bukas. Habang abala siya, dalawang braso ang bumalot sa tiyan niya. Napangiti siya, napangiti siya sa walang rason. Hindi, dahil masaya pala siya, masaya siya at ayun ang hindi niya malaman kung bakit nga ba. Wala, dahil tipikal naman na niyang nararamdaman ang kasiyahang ito, 'yong mapapangiti siya kahit walang dahilan.

"Bal.." Sambit ni Kathryn at hindi na kailangang lumingon dahil kilala niya kung sino ito, amoy pa lang at hulma pa lang ng brasong nakayakap sa kanya. Sino pa ba? Wala namang iba.

"Mahal naman.. Mag-asawa na tayo pero Bal pa rin ang tawag mo sa akin.." Sabi ng asawa niya habang nakapatong ang baba sa balikat niya, at marahan pang sinasayaw na at ang galaw na ito ay para silang nililigaw sa isang paraiso.

"Eh 'di ba, 'yun naman talaga ang endearment natin? Bal, from the word kambal, it means that you are my half.. And now, my husband." Sagot ni Kathryn at binitawan sa kama ang hawak niyang damit, at humarap sa asawa niyang mahal na mahal niya. "Aww, nagpapalambing na naman ang panganay ko. Ano'ng kailangan ni Tatay?" Saad nito habang hinahaplos ang pisngi ng kaharap.

Nakangiti lamang ang asawa niya sa kanya, tulad niya, hindi rin mahanap nito ang rason kung bakit niya ginagawa. Hindi ba pwedeng masaya lang siya sa walang dahilan? Dahil kung bibigyan siya ng pagkakataon upang magpaliwanag, kakailanganin ng mahabang panahon dahil hindi niya mahubog, hindi sapat ang isang araw o isa pang taon upang sabihin kung bakit siya masaya. Sa dami nang dahilan, baka laway niya ang maubos at hindi mga rason at salita.

"Ang ganda mo. Sobra, Kathryn. Sa sobrang mo, ayaw na kitang palabasin dito sa bahay." Pilyong sabi ng asawa at natawa si Kathryn.

Ilang beses niya bang nasasabi ang salitang maganda kay Kathryn sa isang araw? Dalawa, tatlo, lima?

"Daniel, tigilan mo ako ha." Natatawang sabi pa ni Kathryn.

Siya nga, si Daniel nga. May iba pa ba? Siya lang naman talaga simula pa lang, at sisiguraduhin niyang hanggang sa huli.

Nanatili lamang ang mga mata ng dalawa para sa isa't isa. Walang pagbitaw, at pati ang kanilang mga ngiti'y nakikisabay. Hulog nga kung hulog, lunod kung lunod dahil ayun naman talaga. Tila nahihibang na nga si Daniel sa sinabi niya kay Kathryn, na sa sobrang ganda nito, kaunti na lang ay hindi niya na palabasin sa bahay dahil sa inis. Inis na nahuhumaling ang lahat sa ganda ng asawa niya. Nahihibang na nga.

"Ahm, by the way, may endorsement shoot ako bukas. 'Yung sinasabi ko sa'yong sa Baguio? Tomorrow na 'yon, Mahal.."

"Sama ako."

"No. My prod ka sa ASAP, remember? And I'll be leaving at 4 AM. Matulog ka na." Awtomatikong nalungkot si Daniel sa sinabi ng asawa at napansin iyon ni Kathryn.

Ngunit natawa na lamang siya dahil sa pagpapaawa na naman ni Daniel sa kanya, pagpapaawa na may kasamang paglambing at mukhang pangungulit sa kanya.

"DJ, para kang ewan. Mas bata ka pa umarte kaysa sa baby natin." Tumatawang sabi ni Kathryn pero lungkot pa rin ang namayani sa asawa niya. "Babalik naman kami agad. Sabi ng team, saglit lang. Kukuhanan lang ako with the view. And I promise, sabay tanong magdi-dinner with our Sam. Is that okay, Bali?" Paliwanang pa ni Kathryn

Ewan ba ni Daniel. Parang.. Parang may nararamdaman siyang.. mali? Siguro, masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano, dala na rin ng pagod sa pagtatrabaho para sa pamilya niya. Inilihis niya na lamang ang kung ano ang mangyayari bukas, dahil ang mahalaga ay itong ngayon.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon