Six

2.7K 65 0
                                    

(A/N: Buong chapter pong flashback. Hehe.)

-

March 26, 2019

"Ano? Kumusta na siya?" Tanong ko kay Mama na kausap ko sa cellphone.

"Wow kang bata ka. Makapagtanong ka sa akin para akong bodyguard ah! At punyeta ka, kung ano-ano na ang sinasabi namin kay Kathryn dahil nagtatampo na siya ngayon! Ano ba 'yang ginagawa mo at hindi mo pa siya pinupuntahan dito?! Ano ba kasi 'yang pakulo mo?!" Maingay na sabi ni Mama sa akin.

"Ma, chill ka nga lang."

"Anong chill?! Buntis ang nobya mo at hinahanap ka niya. At kung naaalala mo, birthday niya ngayon!"

"Kaya nga. Hindi ko kailanman malilimutan 'yon, Ma. Birthday surprise 'tong inaayos ko para sa kanya."

"Luma na 'yan."

May plano kasi ako. Isang plano na patungong forever. Walang hanggan. Ipupunta ko siya sa langit patungong paraiso. Walang gulo, mapayapa, at kaming dalawa lang.. Doon namin uumpisahan ang plano naming dalawa, at mga batang makakasama namin. Ang sarap pakinggan, kasi ngayong gabi, ngayon na ako mag-aaya. Ng ano pa nga ba?

"Oo na. Malapit na ako matapos dito tapos susunduin ko na siya riyan. Tapos, Ma, alam niyo na ah? Susunod kayo rito."

"Oo na."

Nandito ako ngayon sa pribadong restaurant na pinasarado ko para sa amin ni Kathryn, kasama si Pat at Tito Dho. Bukod sa sarili ko, si Pat, Tito Dho at Mama lang ang nakakaalam ng gagawin ko ngayong gabi. At excited naman ang lahat. At syempre, ako. Pero iba 'yong alam nila, ang alam nila, surprise dinner lang. Syempre, ako lang dapat para ma-surprise rin sila.

This night is very special. Dahil.. Abangan.

Ilang saglit, nagpaalam na rin ako sa kanila para puntahan ko na ang reyna ko at babalik naman ako rito sa restaurant na kasama siya, at marami pa. Masasaksihan nila ang matagal ko nang plano at pangarap.

Umabot ng 20 minutes bago ako makarating sa bahay ng mga Bernardo, at 6:25 na ng gabi. Agad kong nakasalubong si Tita Min na busy sa paghahanda ng pagkain. Mga handa ni Kath ngayong kaarawan niya. Nagliligpit na pala. Jusko, tapos na.

"Ma este Tita pala.." Bati ko at bumeso sa kanya.

"Hmm. Tapos na ang shoot mo, DJ?" Tanong niya at nakangiting tumango ako.

"Saan sina Pat, Tita?" Pagtatanong ko kahit alam ko naman.

"Wala na sila, umalis na. Tapos na eh. Hala ka. May nagagalit pala sa'yo." Natatawang sabi ni Tita Min.

Napakamot ako sa batok na kunwari ay nahihiya ako. Ganoon. Syempre, dapat talaga wala silang alam. Ang alam lang nila, may shoot ako pero pati 'yung team, sinabihan ko na kunwari ay meron. Sina Kuya Rye, ganoon.

"Kain ka muna."

"Hindi na po, Tita."

"Oh, sige na. Puntahan mo na sa taas. Kasama niya ang Mama mo." Sabi pa ni Tita Min kaya agad na akong nagtungo sa taas. Papuntang kwarto ng reyna ko.

Anim na buwang buntis na si Kathryn. Akala ko noong una, mag-iiba ang paningin sa'kin nina Tita Min, Mama, Tito Teddy, simula noong ipinagtapat kong nagdadalang-tao si Kathryn. Akala ko, mag-iiba na 'yong pakikisama nila sa amin pero hindi pala. Mas sila 'yong tumutulong sa amin ni Kathryn para sa pagiging mabuting magulang para sa aming anak, at tinanggap nila kami. Oo, sabihin nating pagkakamali pero hindi ako nagsisisi. Ni minsan ay hindi ko naisip na sana ganito, sana pala ganyan, wala. Dahil sa puntong nalaman kong buntis si Kathryn, hindi ko matantya kung hanggang saan ang kasiyahan ko. Na hipokrito man kung pakinggan, pero wala akong pake. Pangarap ko eh, at nangyari sa babaeng mahal ko. At ngayon, mag-uumpisa na talaga. Alam mo 'yong bawat check up ni Kathryn at ramdam kong tadyak ng aming anak, oras-oras akong nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay ng mga biyayang ito. Sobrang saya.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon