Two

3.7K 83 12
                                    

"Hi, everyone! This is Kathryn." Sabi niya sa harap ng camera. At bukod sa akin, baka pati itong camera ay mahulog sa ngiti niya.

"Ford." Pagdagdag ko nang mapansin kong may kulang. Syempre, 'yong apelyido ko.

"Opps, nagalit ang mister ko. Again, this is Kathryn Ford." Pag-ulit niya at bumungisngis.

"Bal, matagal pa ba 'to? Gutom na gutom na ako sa'yo.." Sabi ko kay pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Bali, ipo-post ko 'to! Ssh, don't mind him. Anyway, pumili na ako ng mga questions na ti-nag niyo sa akin. So yeah, enjoy this vlog!"

Hindi ko alam kung ba't ko pinasok 'to, cameraman sa pagv-vlog niya. Pero okay lang, at least ako, pero nakakainis lang dahil ipo-post niya pa. Hindi naman ako madamot eh, hindi lang ako nagshe-share. Pero aaminin ko, ayaw ko 'to. Okay 'yong mag-vlog siya pero huwag i-post, dahil unang dahilan, magkakaroon na naman ng rason ang mga media na gawahan siyang article or kahit anong news, at pangalawa, mga bashers.

Pero alam niyo 'yong sinabi niya? Ang sabi niya, para sa fans niya at namin ang ginagawa niyang ito, pagpapasaya sa kanila sa kabila ng lahat ng pangtatanggol nila sa kanya. Hindi na rin ako kumontra pagkatapos dahil tama nga siya, at matagal na rin itong request ng mga fans niya.

"First question; Ano'ng ginagawa niyo ni Sam kapag nasa work si DJ? Hmm, we're just here in our room. Hindi naman kami masyadong lumalabas dahil baby pa siya and magagalit ang Tatay niya. You know how strict he is. And mostly, naglalaro kami rito sa backyard with Cloud, Tita Magui niya, Lelay, Mama at even si Mama Karla. We're playing habul-habulan para mas maenganyo siya maglakad at tumakbo. Alam niyo na, baka biglang mamana ang katamaran sa Tatay. Haha, just kidding."

"Bal." Mapagbantang sabi ko.

Pero sa totoo naman, hindi talaga mapagbanta, malambing. Kaunti na nga lang, patayin ko na 'tong camera at lapitan siya. Ayaw ko kasi na malayo siya sa akin, mga five steps lang naman ang agwat namin dito sa kwarto namin. Pero kapag ginawa ko, baka palayasin niya ako rito.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon