Twenty

3.8K 96 81
                                    

Medyo nagulat si Kathryn nang madatnan niya ang kanyang asawa sa kanyang paglabas mula sa banyo. Dito sa tabi ng pinto at mukhang hinihintay siya kanina pa. Hinihintay naman talaga.

"Hmm, DJ.." Sabi ni Kathryn sa asawa. Nagkasalubong ang kanilang mga mata at walang salitang sinabi si Daniel at nakatingin lamang kay Kathryn.

Tingin na gustong magsalita pero hindi kaya, gustong magpaliwanag pero hindi rin kaya. At tingin na gustong gawin sa habang buhay, ang titigan nang ganito ang kanyang asawa, pero mas hindi kaya. Sa dami nang gustong lumabas na salita sa bibig ni Daniel, mata niya naman ang ginagawa nito, ngunit hindi salita kundi mga luha. Mga luhang gusto nang bumigay at magpaalam.

Napayuko si Daniel. "Sorry." Katagang lumabas sa kanya.

Hindi alam ni Kathryn kung para saan ang sinabi ni Daniel. Pero ang nasa isip niya, 'yong gabi na isinugod siya sa ospital, gabing narinig niya ang usapan nilang mag-ina. Iniisip niya, sarili ni Daniel ang sinisisi niya sa nangyari at sising-sisi talaga si Daniel dahil kung hindi pa naisugod kaagad ang asawa niya, malamang ay baka wala nang bata sa sinapupunan nito.

"Ha?"

"'Yung baby natin, okay ba siya?" Tanong pa ni Daniel sa emosyong malungkot at nag-aalala. Kung ano ang mukha niya na sanhi ng sakit niya, mas tumitindi naman dahil sa kaiisip sa mag-ina niya.

"Okay na siya. You don't have to worry about." Naging tipid ang ngiti ni Kathryn.

Kanina lang, nagpunta si Kathryn kasama ang nanay niyang si Min sa ospital dahil sa nakalaang checkup ngayong araw. At muling napag-usapan ang nangyaring pagsugod ni Kathryn sa ospital dahil sa pagdugo. Tugma ang konsepto na sinabi ng doktor na kumunsulta sa kanya sa gabing iyon at ang kanyang doktor sa pagbubuntis niya ngayon, ang dahilan ay pagiging problemado at pag-iisip ng kung ano-ano.

Totoo naman, hindi niya iyon naitanggi. Sino ba namang hindi masasaktan kung narinig mo ang katagang hindi mo inaasahan mula sa iyong asawa?

"Mas gugustuhin ko pang mawala kaysa sa mabuhay na kasama siya."

Labis na nag-alala ang lahat nang naging alarma ang sigaw ni Carla upang humingi ng tulong sa mga kaibigan na nasa kanilang bahay. Nagsasasaya ang lahat dahil sa kaarawan ni Sam pero wala man lang ideya ang lahat na may mangyayari masama sa gabi na 'yon. Isinugod siya sa ospital sa gabing iyon, at sa hina ni Daniel. Hindi siya nakasama, hindi na siya isinama pa kahit pinipilit niyang sumama.

Para siyang tinakasan ng kaluluwa sa oras na iyon nang maiwan siyang mag-isa sa kanyang silid, naghihintay na tawagan siya o 'di kaya naman ay bumalik nang muli sila sa bahay. At ang isa pang hindi niya malilimutan sa gabing iyon, ayun ay noong pumasok sa kanyang silid ang kanyang anak, umiiyak.

Sabi niya, sisiguraduhin niyang magiging masaya ang kaarawan ng kanyang anak kahit alam na ng lahat ang kalagayan niya, hindi magiging balakid para hindi maibigay sa bata ang kasiyahan na ito, pero hindi pa rin niya naibigay kahit sa huling pagkakataon na ito.

"Mabuti naman." Sagot ni Daniel na malungkot pa rin at sa katunayan, matagal nang hindi nakikita ng lahat ang ngiti at saya niya.

Kailan pa ba magkakaroon ng saya sa puso niya? Siguro, mga anak niya na lang ang nagiging dahilan.

Lumapit si Kathryn at niyakap si Daniel. Pumikit siya at dinama ang katawan ng asawa niyang namamayat na.











"Bakit gising ka pa? 'Di ba, mamaya na 'yong alis ninyo?" Tanong ni Kathryn na pinipilit ayusin ang boses niya. Tumingala siya at sakto dahil nakayuko si Daniel at tinitignan siya.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon