Fifteen

2.6K 79 48
                                    

Baguio

"Ate Kimmy, nagtatawag na ba sila?" Nakapikit na tanong ni Kathryn habang nilalagyan ng kung ano-anong kolorete ang kanyang mukha.

"Naku, Kath. Hindi pa naman. Eh ang sabi, take your time daw eh. Hindi naman sila nagmamadali." Sagot ng kanyang taga-ayos.

"Sana matapos na. Miss na miss ko na ang mag-ama ko eh. Gusto ko nang umuwi." Pagreklamo ni Kathryn na ikinakilig ng mga kasama niya habang tinutukso-tukso siya.

'Yung pakikitungo ni Kathryn sa kanyang mga makeup artist at hairstylist niya, ganoon pa rin. Malalim at totoong pagsasamahan bilang magkakaibigan. Mga kaibigan ang turing niya, hindi lang bastang tao na nandito sa paligid niya.

Pero ang sinasabi niya ngayon, sabik na silang umuwi. Sabik na sabik. Kung gaano kasabik si Daniel, gusto niyang makipagbangayan na mas lalo niyang nararamdaman.

"Ayun naman pala eh! Miss na raw ang mag-ama." Pagkantyaw ng isa pang babaeng makeup artist ni Kathryn.

"Sus, baka naman ang Mister ang nakaka-miss sa'yo, Kath! Ano? Pinapauwi ka na ba?" Saad naman ni JV na nasa kabilang sulok habang inaayos ang damit na isusuot ng alaga.

Bahagyang napangiti si Kathryn na imbes mahiya at parang ipinagmamalaki pa niya gamit ang ngiting iyon. Hindi naman maipagkakaila dahil totoo naman.

"Hala, Ate girl. Huwag masyado ang ngiti, baka masira ang makeup dahil sa sobrang stretch." Sabi pa ni JV.

"JV! Stop ka nga!" Nagmulat na ng mga mata si Kathryn at nasaksihan niya ang patawa-tawang kaibigan niya rito sa tent.

Nandito na sila sa Baguio, para sa bagong endorsement ni Kathryn. At sadyang napakalayo ang location para sa commercial na kanilang gagawin. Na para sa kanya ay halos Amerika hanggang Pilipinas ang layo, ganoon din para sa asawa niyang si Daniel. Kaninang umaga nga lang bago siya umalis, halos hindi na pakawalan ni Daniel ang asawa sa pamamagitan ng yakap. At plano sana ni Kathryn na hindi na gisingin ang mag-ama niya dahil napakaaga ng oras ng kanyang byahe patungong Baguio. Noong dahan-dahan siyang umalis sa kama, nagwagi siya dahil mahimbing pa rin ang tulog ng asawa niya, ngunit nang lumabas na siya mula sa banyo pagkatapos maligo, laking gulat niya nang makita ang asawa niyang gising na't inaayos at sinisigurado ang mga gamit na kanyang dadalhin.

Sinabihan niya pa ito na matulog na ulit dahil alas tres pa lang ng madaling araw para gumising siya at kailangan niya pa ng tulog dahil sa trabaho niya sa ASAP mamaya, pero tumanggi si Daniel.
Hindi naman nagpahuli si Daniel sa paglambing kay Kathryn na para bang matagal bago ulit sila magkita, samantalang uuwi rin naman siya mamayang hapon.

Napangiti na lamang si Kathryn na maalala niya kung paano siya sinabihan ng kanyang asawa sa mga bagay-bagay, pinapaalalahanan siya na para bang isa pa ring bata, at higit sa lahat, pagsabi ng mahal na mahal kita.

Ewan ni Kathryn, asawa niya na si Daniel subalit hindi pa rin niya maalis ang kilig na nararamdaman niya sa mga ginagawa ni Daniel sa kanya, o kahit pagsambit ng mga katagang hinuhuli ang puso niya.

"And we're done! Ayan, ganda talaga! Ate Boop, outtakes na para sa ating Queen Kathryn."

"Excited na naman ang KathNiels nito."

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon