One

5.4K 110 15
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

--

Pagkatapos ng dalawang taon..

"Tatay, wake up! Tatay!"

Dalawang taon, dalawang taon na si Sam na ang gumigising sa akin. Dalawang taon na hindi ko minsan narinig ang mga tawag ni Kathryn sa'kin. At sa mga taon na 'yon hanggang ngayon, wala pa rin.

Sana nga, joke lang. Para masabi ko ang boom, rhymes! 123! ABC! Haha. Pero hindi eh.

At sana.. Para lang kaming umaarte sa isang pelikula bilang mag-asawang hindi nagpapansinan at mas daig pa ang mga taong hindi magkakilala kung hindi mag-imikan. Wala. Malamig at walang emosyon ang nakikita ko sa tuwing nagtutugma ang mga mata namin. Kung noon, parang anghel na inaakit ako, ngayon naman ay yelong sobrang lamig. Ni hindi na kami nakakapag-usap nang matino. Nag-uusap lang kami tungkol kay Sam pero kapag tungkol na sa relasyon namin bilang mag-asawa, lagi niyang winawala..

"Tatay, wake up na. Magagalit na si Nanay, sige ka." Sabi pa ng anak ko.

Lagi naman eh. Hindi ko alam. Tingin niya pa lang, parang may nagawa akong malaking kasalanan. Malamig. Masakit.

"Hmmm.. Anak naman, inaantok pa ako." Sabi ko kahit hindi naman.

Sa totoo lang, kanina pa ako gising. 4 o 5 AM? Gumigising ako nang maaga para makita ang asawa kong natutulog sa tabi ko. Dahil sa pagtulog niya ko na lang siya nahahawakan sa pisngi, nayayakap, natititigan nang matagal at nahahalikan sa pisngi, noo at sa labi niyang sobra ko nang nami-miss. 'Yung magkukunwari pa akong tulog kapag nagigising ko siya pero kapag kumalma, nagpapatuloy ako sa pagiging tanga habang nakangiting nakatingin sa kanya. Tapos kapag gising na, wala na.

Sekreto lang, baka kapag malaman niya, humiwalay na siya sa akin sa pagtulog. Malungkot na nga ako kasi hindi ko siya nayayakap, baka mas malungkot pa ako kung hindi niya ako tabihan kahit.. kahit alam ko na napipilitan lang siya.

"Anak, intindihin muna natin ang kalagayan ni Kathryn.."

Ayan ang lagi kong iniisip na laging paalala ni Mama at Mama Min sa akin. Oo naman. Iintindihin ko kasi mahal ko eh. Kahit gaano hindi ko naiintindihan, iintindihin ko pa rin. Kahit minsan puso ko'y nasasaktan, mamahalin ko pa rin. Hindi pala minsan, palagi.

Feel ko minsan mag-compose ng kanta. Tama nga ang sinasabi nila, mas ramdam mo kapag nasasaktan ka.

"Brad naman.." Ungot ko at hinila si Sam pahiga at niyakap nang mahigpit.

Buti ka pa, anak, nayayakap kita nang ganito. Ang Nanay mo, ni dikit ay ayaw niya.

"Saan si Nanay?" Tanong ko.

"She's already preparing our breakfast para makapunta na tayo kay Mommy Carla. And I'm excited to see Kuya Jordan para masabi ko na sa kanya 'yong news about the event that will gonna happen sa MOA! Alam mo 'yon, Tatay? 'Yung Avengers! There will be a parade costumes and a live show! I want to go! I wanna go with Kuya Jordan and with you! I want to see those amazing costumes!"

Kanino pa ba nagmana ang kabibohan ng batang 'to? 'Yung taong parang batang puslit din kung magkwento at mangulit sa akin habang kumikinang ang mga mata kaya hindi ko magawang tanggihan. Pero ngayon, nasaan na?

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon