Four

3.1K 71 12
                                    

"Tatay, I don't want to sleep. I wanna watch videos pa." Makulit pang sabi ni Sam habang niyuyugyog pa ang balikat ni Daniel na nagkukunwaring tulog na. "Tatay, alam kong gising ka pa."

"Bukas na.." Ungot ni Daniel at nananatili pa ring nakapikit at nakadapa sa paghiga. "Maaga ka nang matulog."

"But wala naman akong pasok! It's my vacation, and sabi mo, magpupuyat tayo."

Oo, nag-aaral na si Sam sa edad na limang taong gulang. Ipinasok ito ni Daniel sa isang pribadong paaralan na kung saan sinigurado niyang walang malalamang intriga ang anak niya sa mga tao roon. At alam niyang walang gagambala sa anak niya. Pero ngayon, buwan ng Abril, buwan ng bakasyon. Sa susunod, kindergarten na ang bata.

"Hmm, mmm.. Pagod si Tatay, anak." Sagot ng ama na mararamdaman mo talaga ang pagod sa boses niya. "Alam kong pagod ka na rin. Tulog ka na."

Paano ba naman kasi ito hindi mapapagod? Kanina lang ay naglaro sila sa basketball court nitong village nila ng basketbol, kasama ang mga kaibigan niya. At pagod man ngunit naging masaya siya dahil nakapaglaro siya kahit papaano, at natutuwa rin siya dahil hindi lang naman mga kaibigan niya ang nakalaro niya, kundi pati na rin si Samuel na kanina pa ay nagpapaturo sa kanya kung paano maglaro na basketbol.

Isang rason kung bakit siya naging masaya at natatawa na lamang siya sa tuwing bumabalik sa kanyang isipan ang anak niyang nakabusangot dahil sa hindi pasok sa ring ang bola, ni hindi rin abot.

Habang ang asawa niya naman, nandito lang sa bahay. Para bang isang prinsesa na nakakulong lang sa tore, ayaw lumabas. At ayaw naman nito sumama sa kanilang mag-ama, na kahit pinipilit siya ni Samuel ay wala, dahil simple lang naman, wala siyang gana upang sumama kung kaya't dumito na lang siya at nagpaiwan.

Hindi na rin nagpumilit si Daniel, na tila ba sinunod na lang ang gusto ng kanyang asawa kahit alam niya naman na wala itong gagawin na taliwas sa ginawang dahilan ni Kathryn na may kailangan siyang ayusin. Ngunit isa lang, sinigurado niyang hindi ito makakalabas ng bahay nang hindi niya alam.

Tinotoo ni Daniel ang sinabi niya noong nakaraang mga araw, noong gabing nag-away sila, na hindi lalabas si Kathryn nang hindi niya alam at hindi siya kasama. At siya ngang nangyayari, at siya ring dahilan kung bakit ay mas humigit ang pag-iwas ni Kathryn sa kanya. At galit..

Subalit wala, wala siyang pakialam doon. Buong ang desisyon niya at kahit mainis o magalit man si Kathryn ay gagawin niya pa rin. Kung kailangan siyang bantayan, gagawin niya. Kung kailangan ipakansela ang nakaayon na trabaho niya sa ngayon araw ay gagawin niya, at kahit samahan niya si Kathryn kung saan ito magpunta, gagawin niya rin.

Pero pa nga ba? Ang sinasabi ni Daniel na dapat ay patigasin niya ang sarili niya para sa kahihinatnan ni Kathryn ay napapawi at nagiging lambot sa tuwing nakikita niya ang bagsak ng mga labi ng kanyang asawa.

"Baby, tara na.. Tulog na tayo." Biglang singit na nga ni Kathryn na kanina pa nakamasid sa mag-ama niya.

Mula rito sa tabi ng pintuan mula sa kama na kinaroroonan ng mag-ama niya, narito siya. Distansya nga kung distansya dahil hindi niya magawang lumapit, lalo na kay Daniel.

Nagmulat muli ng mga mata si Daniel at napatingin kay Kathryn. At katulad ng inaasahan niya, hindi ito nakatingin sa kanya na tila ba wala siya rito sa kinaroroonan nila.

Alas 8 na ng gabi, at ngayon, naririto sila sa silid ni Daniel at Kathryn. Na naging silid na lamang ni Daniel kung sa depinasyon ni Daniel. Naglaro silang mag-ama at nanood ng kung ano-anong pelikula, hanggang sa mismong si Daniel na ang sumuko dahil sa pagod at pakiramdam na kirot sa taklay, at ang isa pa, sa bandang dibdib niya.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon