Sixteen

2.5K 76 19
                                    

"Bal, oo na. Papunta na ako riyan.." Paglalambing ulit ni Daniel sa kasintahan niyang alam niyang naiinis na sa kanya dahil sa pagiging huli niya na naman ngayon sa kanilang shooting.

Late. Alam nang lahat na ayaw na ayaw 'yan ni Kathryn at alam rin naman 'yon ni Daniel. Paano niya ba ipapaliwanag? Napahaba ang tulog ata ng binata dahilan nang pagpupuyat kagabi.

"Okay. Basta bilisan mo na.." Ungot ng dalaga sa kabilang linya.

Kagabi lang, nag-usap pa sila na dapat walang mahuhuli at pinagsabihan pa siya ni Kathryn na matulog nang maaga dahil magaa ang ibinigay na oras ng team para sa kanilang shooting ng kanilang teleserye. Pero sadyang nanunukso ang larong kinaaadikan ni Daniel para hindi sundin ang bilin ng nobya niya.

"Mobile Legends kasi na naman!"

Natawa ang binata. "Why ba?" Pag-conyo ni Daniel na ginaya pa ang tono ng kanyang nobya.

Nakaupo pa siya dito sa kanyang kama pero bihis na bihis na at handa nang umalis. At nakuha niya pang humiga habang nakikipag-usap.

"Nagseselos ako, bakit?" May halong taray na sabi naman ni Kathryn.

Hindi alam ni Daniel ang magiging reaksyon niya. Matutuwa ba siya, maaawa o matatawa? Pero isa lang ang hindi niya mapigilian, ang ngumiti nang pagkalaki-laki. Abot langit na.

"Bilis na! I miss you na, Tangi." Tila nagbago naman ang tono ni Kathryn. Mula sa kasungitan ay napalitan ng lambing.

Bahagyang napangiti si Daniel, ngiting waging-wagi at parang nasa kanya ang trono at tropeyo sa sobrang saya. Hindi niya maipaliwanag, simple lang at madalas namang sinasabi ni Kathryn 'yon, pero tuwang-tuwa pa rin siya sa nobya niya.

Kilig? Posible.

Kung si Kathryn ay nasasabik na siyang makita at makasamang muli, paano pa kaya siya na halos 'di niya na nga tantanan sa tuwing nagkakasama silang dalawa. Lagi-lagi naman nilang nakakausap at halos nakikita ang isa't isa pero 'di pa rin nawawala ang pagkasabik nila sa tuwing magkasama sila. 'Yung sinasabi ni Daniel na para na silang mag-asawa sa palaigang magkasama sila, mukhang totoo naman talaga.

"Miss na rin kita kaya humanda ka kapag nandiyan na ako. Iki-kiss kita na may kagat." Pilyong sabi pa ni Daniel at ayun, natawa na rin ang kausap niya.

"Ikaw talaga ang Supremo. Subukan mo, lalabanan muna kita." Sagot pa ni Kathryn sa kabilang linya na mukhang nabago na nga ang nararamdaman nito. Kung kanina ay sobrang inis dahil sa tagal niyang kumilos, ngayon naman ay nagagawa niya pang makipagtelebabad sa kanyang nobyo.

"Hmm, I like it. Gusto ko 'yan, may thrill at sige lang, ilabas mo 'yang pagkabrutal mo, bagong itinakda." Ngisi pa ng Daniel na ginamit ang katawagang iyon sa teleseryeng kanilang ginagawa ngayon.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon