Eleven

2.5K 65 10
                                    

"Kathryn naman, huwag mo akong pahirapan nang ganito.." Kinakabahang sabi ni Daniel sa asawa.

"At ikaw pa talaga ang nahihirapan?! Hayop ka!" Sigaw muli ni Kathryn habang buhat siya ni Daniel patungong kotse.

"Bal! Don't say bad words! Baka marinig ka ni Baby Sam."

"A-Ang daldal mo! Ahh! Bilisan mo at manganganak na talaga ako! AAAAHHH!!!"

"Dapat talaga, dinala na kita kahapon sa ospital eh. Kuya Robert! Pakibuksan!" Aligagang sigaw ni Daniel na pati ang mga kasama niya ay ganoon din.

Buwan ng Hulyo. Buwan ni Kathryn sa panganganak at heto na siya ngayon. Unang linggo pa lang ng Hulyo, payo na ng doktora ni Kathryn na manatili na siya sa ospital para hintayin na ang kanyan panganganak pero siya na rin ang tumanggi. Bukod sa dahilan niyang wala pa naman siyang nararamdaman na sakit, ayaw na ayaw niyang mag-stay sa ospital, dahil ayaw niyang mag-abala pa ang mga pamilya niya na magpunta at magbantay sa kanya, lalo na ang kanyang magiging asawa na halos hindi na nga makatulog kakabantay at kakaalaga sa kanya sa bahay.

Agad sinakay ni Daniel si Kathryn sa sasakyan at sumunod.

"DJ, susunod na kami agad. Ihahanda lang namin 'yong mga amit ni Kath." Saad naman ni Min na mukhang kinakabahan rin.

"Sige po, Tita. Ako na oo ang bahala sa kanya."

"Sige, mag-iingat kayo. Tatawagan ko na rin ang Mama mo, at ang Tito Teddy mo na out of town."

"Sige po, sige po."

Bumaling naman ng tingin ang ina sa anak. "Anak, kaya mo 'yan. Huwag kang kakabahan."

Tumango si Kathryn at kita ni Daniel ang paghihirap ng kasintahan niya.

Agad nang pinaandar ang sasakyan. Nahihirapan nang tignan ni Daniel ang kasintahan niya sa lagay, kailangan niyang magpatatag dahil alam niyang mas nahihirapan si Kathryn.

Nakasandal si Kathryn kay Daniel, hirap na hirap siya sa hapdi na nararamdaman niya. Kinuha ni Daniel ang isang kamay niya at hinalikan iyon, at sumunod sa noo nang maraming beses.

Kanina lang ay masaya pa silang nagkukwentuhan ni Daniel bago sila matulog. At nang makalipas ang hatinggabi, doon nagsimulang sumakit. Noong una, hindi niya iyon inalintana dahil noon naman ay naramdaman niya na iyon, pero hindi na siya pinatulog ng sakit kaya't ginising niya na si Daniel na himbing na himbing sa pagkakatulog. At sunod na nangyari ay may lumabas na tubig sa ibabang bahagi ni Kathryn na simbolo ng panganganak na nito.

"Kaya natin 'to, Mahal. Kapit ka lang." Pampakalma na sabi ni Daniel at sunod-sunod na Tangi ang sinagot ni Kathryn na may kasunod na luha.







"Sige pa, Ms. Bernardo! Ere pa! Malapit na lumabas! One, two, three, push!"

"AAAAAHHHH!!!"

"Sige pa! PUSH!"

"AAAAAAAAAHHHH!!!"

Mahigpit ang hawak ni Daniel sa Tangi niya at hindi alam ang gagawin.

"Sige, Kathryn. Mahal, kaya mo 'yan.." Tanging sinasabi ni Daniel nang paulit-ulit pero ang hindi niya alam, ayun ang nagsisilbing lakas ni Kath.

"Doc, mukhang hindi kaya. Caesarean delivery." Saad ng isa pang doktora kaya napalingon si Daniel dito.

"Caesarean?"

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon