Seventeen

3.2K 108 42
                                    

Ilang oras pa bago dumating si Daniel sa kanilang location.

"Tangi!" Naiiyak na sigaw ni Kathryn at agad na tumakbo palapit sa kanya.

Wala siyang alam na kanina pa nagkakagulo ang lahat sa set, nagkakagulo dahil mga tatlong oras na siyang wala at hindi pa dumarating. At kanina pa siya tinatawagan ngunit wala.

Paano ba siya mako-contact kung pinatay niya ang kanyang telepono?

"Ba't ba ang tagal mo? Kanina pa kami nag-aalala sa'yo!" Naiinis ngunit naiiyak sa singhal ni Kathryn kay Daniel na tulala lang habang niyayakap niya pabalik ang dalaga.

Nagsilapitan na rin ang ilang pang mga kaibigan nila rito sa set at ilang staff para lapitan siya at tanungin. At sunod na napansin ni Daniel ang nanay niya na nandito rin.

Kanina lang ay tinawagan siya ng ina ni Kathryn na si Min upang tanungin kung nakaalis na ba si Daniel at sumagot ito ng oo, at hindi naman nagtagal ay nag-alala rin ang kanyang ina kaya sumunod ito at nakakapagtakang mas naunahan pa siya kaysa sa ng kanyang ina dumating.

"S-sorry, Mahal ko.. Eh, ang traffic eh.." Sagot ni Daniel at ramdam ni Kathryn ang higpit ng yakap ng kasintahan niya. Hindi rin naman siya umangal dahil gusto niya. Pero kinabahan na rin si Kathryn dahil sa sobrang higpit, ramdam niya na parang natatakot si Daniel.

Sinabihan muna ni Carla ang mga staff na papalapit sa kanyang anak na hayaan muna ang dalawa at inakala pa ng marami na may tampuhang nagaganap.

"Traffic? Bakit ang tagal? Tapos, tignan mo, naunahan ka pa ni Tita Carla." Singhot pa ni Kathryn at kahit gusto niyang magalit at hampasin ang nasa harap niya, hindi niya magawa.

"Ha? M-mali yata 'yong nadaanan namin eh. Shortcut sana kaso, naipit na kami sa traffic kaya hindi na kami makabalik, Bal. S-sorry." Sagot ni Daniel, sagot niyang punong-puno ng kasinungalingan.

Napaghandaan na ni Daniel ang kanyang magiging dahilan kanina lang habang nasa byahe sila, tulala siya at nanatiling nakatangay ang isipan sa nalaman niyang rebelasyon tungkol sa sinabi ng doktor.

Ang daming gumugulo sa utak niya, sa sobrang dami ay hindi niya na alam ang gagawin niyang aksyon.

Dalawang oras ang ginugol niya sa ospital at sa mga oras na 'yon, bukod sa pinakalma siya mula sa hirap sa paghinga, puro pagkuha ng test mula sa kanya ang ginawa ng mga nurse at ang doktor na komunsulta sa kanya. Noong una, hindi siya kabado at walang dapat ikabahala, ayun ang sinasabi ng isip niya, pero ang pagiging positibo niya ay napalitan ng kawalan ng pag-asa. Ang pagiging malakas niya ay naging pagiging mahina at kasukuan.

Natawa siya sa sinabi ng doktor, na para bang hindi pa naniniwala pero hindi ngayon ang panahon para maglokohan. Hindi talaga isang biro ang katotohanan. Hindi isang biro ang pagkakaroon ng sakit sa puso na ang hantungan nito ang kamatayan.

"Atrial fibrillation." Saad niya muli sa kanyang isipan.

Bibihira ang sakit na ganito na mayroon ang iba. At mas bibihira ang mga taong nakakaligtas sa ganitong uri ng sakit sa puso. Mapanganib, hindi lang basta sakit sa puso na isang gamutan o operasyon lang ay siguradong ligtas ka na. Hindi lang isang sakit na porket may pambayad ka ay maayos na.

Labis na pag-aalala ang naramdaman ng doktor nang malaman niya ang resulta at hindi siya nagdalawang-isip na irekomenda kay Daniel na sumalang sa operasyon pero hindi ito pumayag. Marami pang nais sabihin ang doktor pero naalala ni Daniel na may taping pa siyang dapat puntahan at nag-alala na baka tumatawag na ang driver niya sa kanyang ina o kaya naman kay Kathryn.

Broken VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon